KOMU FINALS

Cards (47)

  • Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang nadarama.
  • Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba.
  • Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding, tubig o pulo man ang pagitan.
  • Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
  • Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang buhay.
  • Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.
  • Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.
  • Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa.
  • Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.
  • Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
  • Kalahok/Partisipante. Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon.
  • Sender/Source- tagapagdala ng mensahe
  • Receiver- Tagatanggap ng mensahe
  • Mensahe. Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap ng mensahe. Maaari itong berbal at di- berbal na mensahe.
  • Tsanel. Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng mensahe.
  • Sensory Organs- pandinig, paningin, at pandama
  • Mediated Channel- pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet
  • Ingay o Interference. Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog. Sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.
  • Tugon o Feedback. Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal at di-berbal.
  • Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.
  • Panlinggwistikapasalita, gamit ang wika.
  • Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
  • Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
  • Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng komunikasyon.
  • Intrapersonal na Komunikasyon. Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang indibidwal
    ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon)
  • Interpersonal na Komunikasyon. Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang makabuo ng relasyon ayon kina Verderber.
  • Komunikasyong Panggrupo. Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan.
  • Pampublikong Komunikasyon. Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito ay inaasahang handa ang tagapagsalita.
  • Komunikasyong Pangmadla. Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang
    pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.
  • DI-VERBAL
    Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita, titik o tunog.
  • Ayon kay E. Saphir, ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
  • Kinesika (Kinesics). Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
  • Ekspresyon ng Mukha - Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.
  • Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
  • Kumpas - Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
  • Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
  • Proksemika (Proxemics) Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
  • Pandama o Paghawak (Haptics) Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
  • Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
    • Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung- hininga, ungol at paghinto.
  • Katahimikan/Hindi Pag-imik - ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.