ang PAGBASA ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.
teorya ng pagbasa
TEORYANGBOTTOMSUP - produkto ng tradisyonal na pananaw ng mga Behaviourist. may nakukuhang bagong kaalaman.
teorya ng pagbasa
TEORYANG TOP DOWN - Ang mambabasa ay mayroong paunang impormasyon pati na rin ang mga kasanayan sa wika.
teorya ng pagbasa
TEORYANG INTERAKTIBO - Ang pag-unawa sa pagbasa ay gumagalaw sa dalawang direksyon sa prosesong ito: ibaba-itaas at itaas-pababa.
Ang proseso ng interactive ay nangyayari sa dalawang paraan.
teorya ng pagbasa
TEORYANG IKSEMA - ang lahat ng mga bagong kaalaman na natipon sa pamamagitan ng pagbabasa.
ito ay kumakatawan sa kaalamang natatago.
uri ng pagbasa
SKIMMING - Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa.
uri ng pagbasa
SCANNING - Masinsinang pagbasa upang mahanap ang mahalagang impormasyon sa teksto. Binibigayang diin dito ang mga mahahalagang salita.
uri ng pagbasa
BRAINSTORMING - Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na grupo. Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw ang isyu,sitwasyon,suliranin. Malayang nakukuha ng guro ang mga mungkahi, damdamin, ideya o consensus ng mga kasapi sa talakayan.
uri ng pagbasa
QUESTIONING - Naglalaan ng mga katanungan para sa mas malalimang pagkakaintindi sa teksto. Ito ay ang pagsasaad ng tanong tungkol sa nilalaman ng teksto.
uri ng pagbasa
SUMMARIZING - nag- uumpisa sa nabuong outline kung saan ito ay ang buod ng buong argumento ng teksto sa pinaikling babasahin.
uri ng teksto
IMPORMATIBO - Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito.
Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
uri ng teksto
DESKRIPTIBO - naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos, bagay, lugar, at mga pangyayari.
uri ng teksto
NARATIBO - pasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod mula sa simula hanggang katapusan.
uri ng teksto
PROSIDYURAL - Kilala rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod. paano isinasagawa ang isang proseso, o paano naganap ang isang pangyayari. (INSTRUCTIONS)
uri ng teksto
PERSUWEYSIB - Ito isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo.
uri ng teksto
ARGUMENTATIBO - Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay.