ARALING PANLIPUNAN

Cards (31)

  • Impormal na sektor
    Binubuo ng mga gawaing nasa labas ng pormal na industriya o itinakda ng batas, hindi nakatala at hindi bahagi ng pambansang kita
  • Tawag sa impormal na sektor
    • Underground Economy
    • Invisible Economy
    • Hidden Economy
  • Mga anyo ng impormal na sektor
    • Hindi naka rehistro sa pamahalaan
    • Hindi naka-tala o hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita
    • Illegal
  • Hindi naka rehistro sa pamahalaan
    Mga negosyo na walang kaukulang permiso mula sa pamahalaan, halimbawa: yosi vendor, side walk vendor, street foods at iba pa
  • Hindi naka-tala o hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita

    Legal na negosyo ngunit hindi nagdeklara ng tamang kita dahil sa hindi pagbibigay ng resibo
  • Illegal
    Mga gawaing ipinagbabawal sa batas hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na initatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo, halimbawa: pagbebenta ng droga, pagbebenta ng baril, prostitusyon, pasugalan at pagnanakaw
  • Mga dahilan ng impormal na sektor
    • Makaiwas sa mahaba na proseso sa pamahalaan
    • Makaligtas sa pagbabayad ng buwis
    • Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan
    • Makapag hanapbuhay ng hindi kailangan ng malaking puhunan
    • Mapangibabawan ang matinding kahirapan
  • Epekto ng impormal na sektor
    • Pagbaba ng halaga ng nililikom na buwis
    • Banta sa kapakanan ng mga mamimili
    • Paglaganap ng mga ilegal na gawain
  • Panlabas na sektor
    Ang sektor na nakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto at serbisyo
  • Kalakalang panlabas
    Ang pagpapalitan ng produkto at serbisyo ng mga bansa
  • Principle of Absolute Advantage
    • Isang bansa ay lumilikha ng produkto na magdudulot sa kanila ng pinakamalaking kita o pakinabang
    • Akma sa kanilang likas na yaman o sila ay napakadalubhasa sa paggawa nito
  • Principle of Comparative Advantage
    • Mainam sa isang bansa na lumikha ng produktong mayroon silang lubos o higit na pakinabang
    • Mag-aangkat nalang ng produktong wala silang kakayanan gawin
  • World Trade Organization (WTO)

    Namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system
  • Sektor ng Paglilingkod
    Paggamit ng mga manggagawa ng kanilang lakas, kakayanan at talino upang makalikha ng serbisyo
  • Uri ng manggagawa
    • Blue-collar job
    • White-collar job
  • Blue-collar job
    Mga manggagawang mas higit na ginagamit ang kanilang lakas pisikal at enerhiya sa paglikha ng produkto o serbisyo
  • White-collar job
    Mga manggagawang mas higit na ginagamit ang mental na kapasidad at kaisipan
  • Mga sektor ng paglilingkod
    • Transportasyon, komunikasyon at mga imbakan
    • Kalakalan
    • Pananalapi
    • Paupahang bahay at real estate
    • Paglilingkod ng pampribado
    • Paglilingkod ng pampubliko
  • Transportasyon, komunikasyon at mga imbakan
    Pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono at pinapaupahang bodega
  • Kalakalan
    Mga gawain na may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba't ibang produkto
  • Pananalapi
    Mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency at iba pa
  • Paupahang bahay at real estate
    Apartment, mga developer subdivision, town house, at condominium
  • Paglilingkod ng pampribado
    Mga pribadong kompanya o mga opisina, halimbawa: security guard, accountant, engineer, factory worker
  • Paglilingkod ng pampubliko
    Mga paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan o gobyerno, halimbawa: DEPED, DILG, mga guro ng pampublikong paaralan, mga pulis, mga engineer sa DPWH at marami pang iba
  • Mga ahensiya na tumutulong sa sektor ng paglilingkod
    • Department of Labor & Employment (DOLE)
    • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
    • Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
    • Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
    • Professional Regulation Commission (PRC)
    • Commission on Higher Education (CHED)
  • DOLE
    Nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya
  • OWWA
    Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers
  • POEA
    Itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982, layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay ng mga OFW
  • TESDA
    Republic Act 7796 noong 1994, layunin ng batas na ito ang partisipasyon ng industriya, mga lokal na pamahalaan at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa
  • PRC
    Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal
  • CHED
    Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon