Pananaliksik

Cards (22)

  • Pananaliksik
    Isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho
  • Pananaliksik
    • Malalimang pagtatalakay sa isang tiyak at naiibang paksa
    • Hindi lang pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba't ibang primary at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong nakalap
  • Sulating pananaliksik
    • Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang pangkaraniwang teksto samantalang ang pokus ng sulating pannaliksik ay mas limitado
    • Isa pang pagkakaiba ng dalawang uri ay ang dami o lawak ng gagamiting kagamitan o sanggunian
  • Pananaliksik
    • Obhetibo
    • Sistematiko
    • Napapanahon o maiugnay sa kasalukuyan
    • Empirikal
    • Kritikal
    • Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamamantayan
    • Dokumentado
  • Mananaliksik
    • Matiyaga
    • Mapamaraan
    • Maingat sa pagpili ng mga dayos
    • Analitikal
    • Kritikal
    • Matapat
    • Responsible
  • Basic Research
    • Agarang nagagamit para sa layunin nito
    • Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan
  • Action Research
    Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan
  • Applied Research
    Ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon
  • Mga mapagkunan ng paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Diyaryo at magasin
    • Mga pangyayari sa Iyong Paligid
    • Sa sarili
  • Mga tip sa pagpili ng paksa
    • Intresado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
    • Paksang marami ka nang nalalaman
    • Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
    • Paksang napapanahon
    • Mahalagang maging bago o naiiba at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo
    • May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
    • Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
  • Mga hakbang sa pagpili ng paksa
    1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
    2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
    4. Pagbuo ng tentatibong paksa
    5. Paglilimita sa paksa
  • Constantino at Zafra (2010) 

    – ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyo, at iba pang ibig bigyang- linaw, patunayan, o pasublian.
  • Galero- Tejero (2011)

    – ang pananaliksik ay may tatlong mahalagang layunin:
  • Pananaliksik ay may tatlong mahalagang layunin
    • Isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya
    • Mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito
    • Isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin
  • Obhetibo
    naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galling sa opinion o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
  • Sistematiko
    ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
  • Napapanahon
    nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
  • Empirikal
    ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan o na- obserbahan ng mananaliksik.
  • Kritikal
    maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
  • Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamamantayan
    Nararapat itong sumusunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan
  • Dokumentado
    nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binibigyan ng karampatang pagkilala ang mga pinagmulan ng mga ito.
  • Paksa
    ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.