kasabihan - ito ay madalas na nagtatampok sa mga tulang pambata na may layuning magbigay-aliw o katuwaan sa mga bata.
sawikain - ito ay nagbibigay ng ‘di
tuwiran o ‘di direktang kahulugan gamit ang iilang mga salita.
salawikain - ito ay matalinhaga kumpara sa ibang karunungang-bayan. Nasusulat sa paraang patula at naghahatid ng aral sa buhay.
bugtong - pahulaan kung saan inilalarawan ang isang bagay at binibigkas ng patula.
palaisipan - tanong na may kinalaman sa logical na katanungan
bulong - ritwal o orasyong ginagamit pang kulam
pangatnig - nagsisilbing tulay dahil sa pinag uugnay nito ang mga salita
pananhi - ginagamit sa pagbuo ng pangungusap
sanhi - dahilan
bunga - resulta
pang abay - bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing o naglalarawan sa mga pandiwa, pang-uri o kapwa nito
panlunan - nagpapakita ng pook o lunang pinangyayarihan / sumasagot sa tanong na saan
pamanahon - nagpapakita kung kailan nangyari ang gawaing nakapaloob sa pangungusap. sumsagot sa tanong na kailan
pormal - -malawakang kinikilala ng pamayanan, ng bansa
at ng mundo
pormal pambansa - Mga salitang karaniwang matatagpuan sa diksyunaryo
pormal pampanitikan - Mga salitang mataas ang uri, matalinhaga at karaniwang ginagamit sa mga akdang pampanitikan. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
kolokyal - Ginagamit sa pangkaraniwang usapan.
lalawiganin - inang (Tagalog ng nanay)
tata (Kapampangan ng tatay)
muret (Kapampangan ng baliw)
kwarta (Cebuano ng pera)
balbal - ermat (nanay)
erpat (tatay)
yosi (sigarilyo)
nadedbol (namatay)
shota (kasintahan)
Pagwawangis -Tiyak o tuwirang paghahambing at hindi na ginagamitan ng pangatnig.
Pagsasatao - Pagbibigay buhay sa mga katangiang pantao tulad ng gawi, kilos, at iba pang mga bagay na walang buhay
Pagtutulad - Hindi tiyak o 'di tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mgo salitang: tulad ng, parang, tila, sing-, sim-, at iba pa.
Pagtawag- Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao
Pagmamalabis- Sobra-sobrang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang katangian, damdamin, at iba pa.