Ayon kay Spalding (2005), ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayon kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong layunin: upang makahanap ng isang teorya, upang mabatid ang katotohanan sa teoryang ito, at upang makuha ang kasagutan sa mga problema o suliranin.
Ang Basic Research o Pananaliksik na Payak - Layunin nitong makadagdag ng impormasyon tungkol sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan.
Qualitative Research o Pananaliksik na Gumagamit ng Datos ng Kalidad - isinasagawa ito upang maintindihan ang mga karanasan ng mga tao at upang maipahayag ang kanilang perspektiba (Johnson at Christensen, 2014).
Mixed Methods Research o Pananaliksik na Gumagamit ng Halo-halong Datos - pinagsasama nito ang mga elemento ng qualitative at quantitative research.
Non-maleficence - kailangang siguruhin ng mananaliksik na ang mga kalahok ay hindi makaranas ng anumang uri ng sakit o pinsala bunga ng pakikibahagi nila sa pag-aaral.
Beneficence - Tumutukoy ito sa pagkilos alang-alang sa kapakanan ng iba. Inaasahan makapagbigay ito ng positibo at natutukoy na benepisyo sa halip na para sa kapakanan ng pag-aaral lamang.
Autonomy o self-determination - Pagrespeto sa mga pagpapahalaga at desisyon ng mga nakikibahagi sa pananaliksik.
Hustisya - Obligasyon ng mananaliksik na tratuhin ang lahat ng naging bahagi ng pag-aaral ng patas.
Etika - nagsisilbing prinsipyong gumagabay sa mananaliksik upang mapanatiling tama ang prosesong pinagdadaanan ng mga impormasyon tungo sa paghanap ng katotohanan.
Ethos - Salitang Griyego na nangangahulugang karakter na pinagmulan ng ethics.
Ang paghingi ng permiso mula sa kinauukulan sa lugar kung saan isasagawa ang pananaliksik ang unang etika pagkatapos matukoy ang na paksa o sentro ng pag-aaral.