Cards (12)

  • Marso 2, 1903 - petsa nang maging batas ang "Philippine Coinage Act of 1903"
  • Philippine Coinage Act of 1903 - isang batas "upang magtatag ng isang pamantayan ng halaga at magbigay ng sistema ng barya sa Pilipinas."
  • G. Charles A. Conant - ipinadala sa mga Isla noong 1901 ng Kagawaran ng Digmaan upang pag-aralan ang sitwasyon ng pera at tulungan ang Komisyon sa pagbuo ng isang plano sa reporma sa salapi.
  • Ang mga pangunahing probisyon ng Philippine Coinage Act of 1903:
    1. Ang legal na salapi ng Kapuluan ng Pilipinas ay ang gintong peso sa rate ng gintong barya na isang US dollar para sa dalawang Philippine pesos
    2. pinahintulutan ang pamahalaang Pilipino na mag-mint ng salapi na hindi lalampas sa 75 milyong pesos at mag-mint ng mga silver coins na 50 centavos, 20 centavos at 10 centavos
    3. upang mapanatili ang halaga ng silver peso sa rate ng isang gold peso, pinahintulutan ang pamahalaang Pilipino na mag-isyu ng isang pansamantalang sertipiko ng pagkakautang na hindi lalampas sa 10 milyong dolyar
  • 2 peso coin para sa 1 dolyar - denominasyon ng isang peso nang maipasa ang PhilippineCoinage act of 1903
  • G. Charles Conant - ay tinawag na "Ama ng sistema ng salapi ng Pilipinas"
  • Paano nailagay sa sirkulasyon ang mga bagong baryang Pilipino nang dumating sa Pilipinas sa Estados Unidos?
    Sa pamamagitan ng mga deposito sa ilang mga bangko sa Maynila.
  • Ang Philippine Gold Standard Act of 1903 - ay ipinasa ng Philippine Commission upang ipatupad ang Philippine Coinage Act at magtatag ng reserba ng salapi.
  • Ang Philippine Gold Standard Act of 1903 ay may sumusunod na mahahalagang probisyon (1-2):
    1. isang trust fund, ang Gold Standard Fund, ay itatatag sa Insular Treasury upang mapanatili ang pagkakapantay-pantay ng silver Philippine peso sa gold standard peso;
    2. isang Division of Currency sa ilalim ng Bureau of the Treasury ang nilikha upang mapadali ang sirkulasyon ng salapi at mapanatili ang pagkakapantay-pantay nito sa dolyar;
  • Ang Philippine Gold Standard Act of 1903 ay may sumusunod na mahahalagang probisyon (3):
    3. upang mapanatili ang pagkakapantay-pantay ng salapi ng Pilipinas sa dolyar, pinahintulutan ang Ingat-Yaman ng Insular na ipatupad ang tatlong sistema ng pag-convert:
    (a) pagbebenta sa demand ng mga draft sa Gold Standard Fund sa loob ng Pilipinas at sa Estados Unidos;
    (b) pagpapalit ng mga bank notes o Treasury notes ng U.S. para sa salapi ng Pilipinas; at
    (c) pagpapalit ng gold coin o gold bars ng U.S. para sa salapi ng Pilipinas;
  • Enero 1, 1904- petsa kung kailan naglabas ng utos ang gobernador sibil na ititigil ang pagtanggap ng salaping Mexicano ng pamahalaan, at nagbigay ng probisyon para sa pagtubos ng salaping Espanyol-Filipino sa pamamagitan ng Ingat-Yaman ng Insular at ng iba't ibang mga ingat-yaman ng probinsya hanggang Hulyo 1, 1904.
  • Mt. Mayon - tanawin sa Pilipinas na makikita sa One peso coin ng US-Philippine Peso Coin