pananaliksik part 1

Cards (168)

  • PANANALIKSIK
    Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang problema o hadlang sa buhay ng isang suliranin na nangangailangan na bigyan ng solusyon.
  • Nagpapayaman ng kaisipan, Lumalawak ang karanasan, Nalilinang ang tiwala sa sarili, Nadaragdagan ang kaalaman
    Kahalagahan ng Pananaliksik
  • bagong kaalaman, makakita ng mga sagot sa mga suliranin, Mapagbuti ang mga umiiral na teknik, Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements, Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements, Makalikha ng batayan sa pagpapasya, Masatisfay ang kuryusidad, Mapalawak o maverify ang kaalaman
    mga layunin ng pananaliksik
  • Pangunahing Layunin
    Preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao
  • sistematik, siklikal, empirikal, mapanuri at kritikal, kontrolado, objektiv, lohikal at walang kinikilingan, ay gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatistikal na metodo, orihinal na akda, akyureyt na investigasyon, observasyon at deskripsyon, matiyaga at hindi minamadali, pinagsisikapan, nangangailangan ng tapang, maingat na pagtatala at pag-uulat
    MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
  • sistematik
    may proseso at lohikal - tamang pamamaraan at alintuntunin
  • siklikal
    nagsisimula sa isang problema nagtatapos sa isa pang problema
  • empirikal
    direktang karanasan/obserbasyon
  • masipag, matiyaga, maingat, sistematik, kritikal o mapanuri
    MGA KATANGIAN NG MANANALIKSIK
  • •Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.
    • Pumili na napapanahong paksa.
    •Bigyang kahulugan ang suliraning pananaliksik.
    •Pumili ng mahahalagang datos / impormasyon.
    •Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik.
    •Kakayahang lumikha ng makabuluhang konklusyon, palagay o hinuha.
    •Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na pamamaraan.
    Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
  • 1. Kinikilala ang pinagkukunan ng datos

    2. Pagbibigay ng karampatang pagkilala

    3. Hindi nagnanakaw

    4. Hindi nagkukubli ng datos•

    Bukod dito, ang mga mananaliksik ay dapat ring sumunod sa ETIKA.
    •Kaya naman, ang pagsagawa ng plagyarismo sa mga datos, ideya, o resulta ng ipa pang mananaliksik ay hindi dapat gawin.
    MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK:
  • •Pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba, nang hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.
    •Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaaangkin mo ang hindi iyo.

    plagyarismo
  • •Hindi ipinaloob sa panipi o gumamit ng italicized sa mga orihinal na termino o salita.
    •Kapag binago ang ideya o pangungusap ngunit hindi kinilala ang pinagmulan.
    •Pagtatagni-tagni ng mga ideya o pangungusap mula sa iba't ibang akda na hindi kinilala ang pinagmulan.
    •Pagsasalin ng mga termino, ideya at pahayag na nasa ibang wika at hindi tinala na salin ang mga ito.
    •Pagnanakaw ng disenyo, balangkas at himig na hindi kinilala ang pinagkunan ng inspirasyon
    •Pag-aangkin ng mga datos na pinaghirapan ng iba
    Halimbawa ng plagyarismo
  • •Pagbibigay na lagpak na marka sa kurso;
    •Pagpapatalsik sa estudyante sa paaralan;
    •Pagbawi sa diploma o digri; at
    •Pagkabilanggo o pagkasistensya ng multa.

    Parusa sa plagyarismo
  • •Pag-aaral sa Kaso/ Case Analisis/Case Study
    •Eksperimental
    •Pasundang Pag-aaral / Follow-up Studies
    •Konstruksyon ng Teorya
    •Kwaliteytib Riserts
    •Komparatibong Riserts
    •Korelasyon- Prediksyon
    •Sarbey- Kwestyoneyr
    •Aksyon Riserts
    •Status Riserts / Developmental Studies
    •Analisis ng Trend / Trend Studies
    •Historikal Riserts
    •Panlabas na Pag-aaral / Field Study

    Uri ng Pananaliksik
  • •Pag-aaral sa Kaso/ Case Analisis/Case Study
    •Inoobserbahan ang mga gawi o pagkilos ng isang sabjek sa isang sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang sanhi nito, maging ang maaaring maging tugon o reaksiyon sa panibagong kaligiran.
    •Mahigpit na paglalarawan ng partikular n ayunit ng lipunan.
  • Eksperimental
    Ginagawa kadalasan sa mga laboratoryo kung saan lahat ng baryabol na sangkot sa pinag-aaralan ay sinisiyasat at sinusuri sa naging ambag nito sa sabjek ng pag-aaral.
  • Pasundang Pag-aaral / Follow-up Studies
    Isinasagawa ito upang subukan ang resulta ng pag-aaral, tulad ng isang eksperimento, para sa ebalwasyon ng tagumpay ng isang programa.
  • Konstruksyon ng Teorya
    Mula sa dating kaalaman, sa mga bagong natuklasan sa pag-aaral ay nagtatangkang makabuo ng mga bagong prinsipyo o teorya ang mananaliksik na magpapaliwanag sa kaligiran, sa pagkabuo, sa pagkilos ng mga bagay-bagay.
  • Kwaliteytib Riserts
    Isang masusing imbestigasyon at analisis sa sabjek na hinahanapan ng sagot ang problema o mga bagay na gustong suriin/ ideskrayb hinggil sa sabjek.
  • Komparatibong Riserts
    Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o sabjek ang pinag-aaralan dito upang tukuyin ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
  • Korelasyon- Prediksyon
    Sinusuri ang mga estadistikal na datos upang maipakita ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa't isa upang mahulaan o mahinuha ang kalalabasan ng mga baryabol sa katulad, kahawig, o maging ibang sitwasyon.
  • Sarbey- Kwestyoneyr

    Paggamit ng talatanungan; Inaalam at iniirterpret ang mga gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preperensya ng iba't ibang pangkat hinggil sa isang paksa o usapin.
  • Aksyon Riserts
    Layunin nito na hanapan ng lunas ang isang problemang naghahanap ng agarang solusyon.
  • Status Riserts / Developmental Studies
    Ano ang tayo, kalagayan o kasalukuyang sitwasyon ng bagay na sinasaliksik. Anyo ng pag-unlad o pagbabago sa takbo ng panahon
  • Analisis ng Trend / Trend Studies
    Kinahihiligan ng tao; Pangyayaring nakaaapekto sa takbo ng buhay Mga uso o pinagkakabalahan ng tao sa kasalukuyang panahon Bilis at direksyon ng mga pagbabago upang mahulaan ang mga sitwasyon.
  • Historikal Riserts
    Inaalam kung paano nadebelop, umunlad, nagbunga ang isang isyu, pangyayari o bagay. Pagbuo ng nakaraan upang ang isang haypotesis. Pagtatanong sa mga eksperto, mananaliksik, historyador at mga may kinalaman sa isyu/ bagay na sinsaliksik.
  • Panlabas na Pag-aaral / Field Study
    Inilalarawan dito ang isang penomenon sa kanyang natural na kapaligiran kung saan ito nagaganap
  • 1. Fly Leaf 1
    2. Pamagating Pahina
    3. Dahon ng Pagpapatibay
    4. Paghahandog
    5. Pasasalamat o Pagkilala
    6.Talaan ng Nilalaman
    7. Talaan ng mga Talahanayan at Graf
    8. Fly Leaf 2
    Mga Pahina ng Preliminari o FRONT MATTERS
  • Fly Leaf
    -Pinakaunang pahina
    -Blangko
  • Pamagating Papel
    -Nagpapakilala sa pamagat
    -Saang asignatura ito kinakailangan
    - Sino ang gumawa
    -Kanino ipapasa/ihaharap
    -Panahong kumplesyon
    -"Inverted pyramid"
  • •Malinaw (Hindi matalinhaga)
    •Tuwiran (Hindi maligoy)
    •Tiyak (hindi masaklaw)
    •* Hindi kukulangin sa sampu (10), hindi hihigit sa dalawampu (20)
    Pagdidisenyo ng Pamagat
  • Dahon ng Patibay
    •kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkatanggap ng guro
  • Pasasalamat o Pagkilala (Tao, Pangkat, Tanggapan, Institusyon)

    •mga pinasasalamatang nakatulong sa pagsulat
  • Paghahandog
    •Kung kanino inihahandog ang ginagawang pananaliksik
  • Talaan ng Nilalaman

    Balangkas ng nilalaman at nakatala at pahina
  • Talaan ng mga Grap at Talahanayan
    •Nakatala ang pamagat ng bawat grap at talahanayan at pahina nito
  • panahon, edad, kasarian, perspektibo, lugar, propesyon o grupo, partikular na halimbawa o kaso, kumbinasyon
    Maaaring gamiting Batayan sa Paglilimita sa Paksa (Di-Sabog)
  • 1. Panimula o Introduksyon
    2.Layunin ng Pag-aaral
    3. Kahalagahan ng Pag-aaral
    4. Balangkas Konseptwal
    5. Batayang Teoretikal
    6. Saklaw at Limitasyon
    7. Definisyon ng mga Terminolohiya
    Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
  • Panimula
    isang maikling talatang kinapalolooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik