G10 Q4 AP

Cards (81)

  • Pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal sa isang estado
  • Jus Sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas
  • Jus Soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa bansang Amerika.
  • Seksyon 3 ng Saligang Batas, ang pagkamamamayan ng isang
    indibiduwal ay maaaring mawala ngunit ito ay maaaring maibalik
  • (1) sa pamamagitan ng naturalisasyon sa ibang bansa,
    (2) expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan,
    (3) panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon,
    (4) paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa, at
    (5) pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito.
  • Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at
    pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
  • ) Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang
    pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang
    pagkamamamayan.
  • Aksyon ng Kongreso – pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso
    ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino.
  • Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng
    bansa – ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo
  • Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging mabuting mamamayan ng bansa. Bawat
    mabuting mamamayan ay nararapat na makibahagi sa mga iba’t ibang gawaing
    pansibika at gampanan ang kanyang mga responsibilidad upang matamo ng bansa
    ang minimithing pag-unlad.
  • Ang aktibong pakikilahok ay hindi nangangahulugan na dapat na palaging
    magkaroon ng kilos-protesta sa araw araw. Maraming paraan para maipakita ang
    aktibong pakikilahok kahit walang kilos-protesta na nagaganap
  • National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) – tagabantay
    sa panahon ng halalan na naorganisa noong 1983. Ito ang kauna-unahang
    organisasyon na sumubaybay sa eleksyon na kinilala ng Commission on
    Elections (COMELEC) para magsagawa ng quickcount noong 1984
  • Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) – nabuo noong
    1991 sa pamumuno ng mga pari sa pangunguna ni Archbishop Jaime
    Cardinal Sin bilang tugon sa tawag ng pagtulong ng simbahan sa panahon ng
    eleksyon.
  •  
    Isa ring anyo ng gawaing pansibiko ang pagbubulontaryo sa mga iba’t ibang
    samahang pansibiko na naglalayon ng pagbabago sa ating lipunan. Ang
    pagbubulontaryo ng mga mamamayan na sumali sa mga gawaing pansibiko ay
    nangangahulugan ng pagkilos kung saan ay nakatutulong sila nang malaki sa mga
    namamahala ng bansa upang malunasan ang ilang mga suliranin na kinakaharap
    ng bawat komunidad.
  • MAKABANSA
    Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan ang
    pagiging makabansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin na sikaping isulong ang
    pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa
  • MAKATAO
    Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang
    mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat karapatan ngunit dapat
    nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at
    tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba. Kaya nararapat lamang na
    tiyakin natin na hindi tayo nakasasakit o nakapipinsala sa ibang tao habang
    tinatamasa natin ang mga karapatang ito.
  • PRODUKTIBO
    Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na
    paraan. Ginagampanan nito ang kanyang tungkulin nang mahusay, may buong
    katapatan, at pagkukusa. Ang pagiging matiyaga at masipag sa paggawa ay ugali
    na nating mga Pilipino noon pa man.
  • . MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI
    Ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng
    ating mga bayani sa paglaban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapones
    upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na dayuhan.
    Katatagan din ng loob ang ipinamamalas ng mga manggagawang Pilipino na
    nangingibang bansa upang doon maghanapbuhay. Hindi matatawaran ang
    sakripisyo at tatag ng kalooban nila na iwanan ang kanilang pamilya
  • MAKATUWIRAN
    Isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami kaysa sa pansariling
    interes. Ang makabayan mamamayan ay kumikilos nang naaayon sa isinasaad ng
    batas at pinahahalagahan kung ano ang tama
  • MAKASANDAIGDIGAN
    Ang makasandaigdigang mamamayan ay mamamayan ng kanyang bayan at
    gayundin sa buong mundo. Palagi nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng
    kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.
  • Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na
    “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
  • Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
  • Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam
  • Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta
  • Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
  • Sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng  batas  militar  sa  panahon  ng kapayapaan
  • Saligang-batas ng kanilang bansa. Sa  dokumentong  ito,  nakapaloob ang  Bill  of  Rights  na  ipinatupad noong Disyembre 15, 1791
  • Bill of Rights
    nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
  • Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
  • Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan
  • Noong  1864,  isinagawa ang pagpupulong ng labing- anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland.
  • Noong  1864,  isinagawa ang pagpupulong ng labing- anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. The First Geneva Convention(1864)
  • Noong 1948, itinatag ng United Nations  ang  Human  Rights Commission  sa  pangunguna  ni Eleanor Roosevelt
  • Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of  Rights  ng  ating  SaligangBatas  ng 1987.    Ipaliliwanag    dito    ang kahalagahan ng mga ito sa ating papel bilang   mabuting   mamamayan   sa lipunan.
  • Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal,
    ekonomiko, sosyal, at kultural
  • Nang itatag ang United Nations noong
    Oktubre  24,  1945
  • Nabuo  ang  UDHR  nang maluklok  bilang tagapangulo  ng Human  Rights Commission  ng United  Nations si  Eleanor Roosevelt
  • UN General  Assembly noong  Disyembre 10,  1948 ang  UDHR “International Magna Carta for all Mankind.
  • Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya
  • Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal  ang  Artikulo  3  hanggang  21.