Fili semi finals

Cards (13)

  • Menandro
    Mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas. Nakapagligtas ng buhay ni Florante at siyang naging kanang kamay niya sa Digmaan.
  • Antenor

    Ang mabuting guro nina Forante, Adolfo at Menandro habang sila'y nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
  • Prinsesa Floresca
    Ang mapagmahal na ina ni Florante. Asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng Krotona. Maaga niyang naulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante sa Atenas.
  • Duke Briseo
    Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ng Haring Linseo
  • Haring Linseo
    Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
  • Laura
    Anak ni Haring Linseo. Siya'y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir. Subalit ang kaniyang pag-ibig ay nanatiling laan para kay Florante
  • Florante
    Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Magiting na Heneral na hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya malinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat
  • Konde Adolfo
    Taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang sila ay nag-aaral sa Atenas. Umagaw ng kahariang Albanya. Nagpapatay kina Haring Linseo af Duke Briseo. Nagpahirap kay Florante at nagtangkang umagaw kay Laura
  • Menalipo
    Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya'y sanggol pa lamang
  • Konde Sileno
    Ama ni Adolfo na taga-Albanya
  • Sultan Ali-Adab
    Malupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida
  • Aladin
    Isang gererong moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya't pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya nailigtas si Florante at itinuring na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at relihiyon
  • Flerida
    Kasintahan ni Aladin na finagkang agawin ng amang si Sultan Ali-adab. Tumakas siya sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong