pagsulat

Cards (63)

  • Talumpati
    Isang pormal na pahayag sa harap ng publiko at pormal na pagtalakay ng paksa para sa mga tagapakinig
  • Pagtatalumpati
    Proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang particular na paksa
  • Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla
  • Uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
    • Biglaang Talumpati (Impromptu)
    • Maluwag (Extemporaneous)
    • Manuskrito (Manuscript)
    • Isinaulong Talumpati (Memorized)
  • Biglaang Talumpati (Impromptu)

    Ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita, ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig
  • Maluwag (Extemporaneous)

    Nagbibigay ng ilang minute para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay bago ito ipahayag, kaya madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito
  • Manuskrito (Manuscript)

    Ginagamit sa kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat, nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin, kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda, limitado rin ang oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang kanyang sarili sa okasyon, karaniwan din ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng manuskritong ginawa
  • Isinaulong Talumpati (Memorized)

    Kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harp ng mga tagapakinig, may oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita, ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa
  • Mga Anyo at Uri ng Talumpati
    • Talumpati ng pagtanggap (acceptance speech)
    • Talumpati sa pagtatapos (commencement speech)
    • Luksampati (eulogy)
    • Talumpati ng pamamaalam (farewell speech)
    • Talumpati ng pag-aalay (speech of dedication)
    • Brindis (toast)
  • Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
    • Talumpating Impormatibo
    • Talumpating Naglalahad
    • Talumpating Mapanghikayat
    • Talumpating Mapang-aliw
  • Bahagi ng Talumpati
    • Introduksiyon
    • Diskusyon o Katawan
    • Katapusan o Kongklusyon
  • Uri ng Tagapakinig
    • Edad o gulang
    • Bilang ng mga makikinig
    • Kasarian
    • Edukasyon o antas sa lipunan
    • Mga saloobin at dati nang alam
  • Lakbay-sanaysay
    Tinatawag ding travel essay o travelogue, uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay
  • Mga Dahilan Sa Pagsusulat Ng Lakbay-sanaysay
    • Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat
    • Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
    • Maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
    • Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan
  • Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Lakbay-sanaysay
    • Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na turista
    • Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
    • Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
  • yang paglalakbay
    sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao
  • Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
  • Ginagamit sa pagsulat ang lakbay-sanaysay ang unang panauhang punto de-bista
  • Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at naranasan ng manunulat
  • Kadalasang napakapersonal na tinig ang lakbay-sanaysay
  • Susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay
  • Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay
  • Pokus ng susulating lakbay-sanaysay
    Batay sa human interest
  • Iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksang maaaring itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
  • Ito ay maaaring ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng paglalakbay
  • Ito ay maaaring tungkol sa espiritwal na paglalakbay gaya sa halimbawa ng pagtungo sa Lupang Pangako ng mga Kristiyano o ang pagpunta sa Mecca ng mga Muslim
  • Ito ay maaaring pagtatampok naman ng magagandang pook, kilalang landmark, liwasan, simbahan, at mga gusali sa establisiyemento
  • Mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay
    • panulat
    • kuwaderno o dyornal
    • kamera
  • Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali, at iba pa
  • Makatutulong nang Malaki kung makukuhanan ng litarto o larawan ang mga lugar, tao, o pangyayari
  • Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay
  • Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mga mambabasa
  • Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon, maikling deskripsiyon, o kaya naman ay makiling kasaysayan nito
  • Mahalagang maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay
  • Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan ditto ibabahagi sa mga mababasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay
  • Sikapin na ang isusulat na sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman
  • Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na iyong bubuoin
  • Maaari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma, o matatalinghagang salita upang higit na maging masining ang pagkakasulat nito
  • Tiyaking makakukuha ng atensiyon ng mambabasa ang iyong susulating akda
  • Pictorial essay

    Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat