AP Q4 SEMI FINALS

Cards (52)

  • Pagkamamamayan/Citizenship
    Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Umusbong noong panahon ng Griyego
  • Polis
    Binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
  • Pericles: 'Hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado'
  • Isang citizen
    • Maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo
  • Citizenship
    Ugnayan ng isang indibidwal at ng estado
  • Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan
  • Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
  • Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
  • Jus sanguinis
    Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
  • Jus soli
    Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
  • Dahilan upang mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal
    • Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
    • Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
    • Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • UNIVERSAL DECLARATION OF HUMANS RIGHTS - Mahalagang dokumentong tinanggap ng United Nations Assembly noong 1948
  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR)

    Naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural
  • Eleanor Roosevelt nanguna sa pagbuo ng UDHR, asawa ni Pangulong Franklin Roosevelt, naluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng UN. Tinawag ding "International Magna Carta for all Mankind" ang dokumentong ito
  • Artikulo 1 ng UDHR

    Inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya
  • Mga karapatan sa UDHR
    • Karapatang sibil at pulitikal (Artikulo 3 hanggang 21)
    • Karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural (Artikulo 22 hanggang 27)
    • Tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao (Artikulo 28 hanggang 30)
  • Carlos P. Ramulo - Isang Pilipinong kabilang sa mga pangunahing nagtaguyod ng pagkakabuo ng deklarasyon
  • Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
    Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
  • Mga uri ng karapatan ng mga mamamayang Pilipino
    • Natural rights - taglay ng lahat kahit hindi ipinagkaloob ng Estado
    • Constitutional rights - ipinagkaloob ng Estado (Karapatang politikal, sibil, sosyo-ekonomik, at akusado)
    • Statutory rights - kaloob ng binuong batas, maaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas (halimbawa : minimum wage)
  • Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
  • SEKSYON 1 - Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
  • SEKSYON 2 - (search warrant at warrant of arrest) magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay
  • SEKSYON 3 - (privacy of communication) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman,
  • SEKSYON 4 - Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan,
  • SEKSYON 5 - Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito
  • SEKSYON 6 - Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman
  • SEKSYON 7 -Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan
  • SEKSYON 8 - magtatag ng mga asosasyon, mga union o mga kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas
  • SEKSYON 9 - Ang mga pribadong ari-arian ay hindi daapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran.
  • SEKSYON 10 - Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata
  • SEKSYON 11 - Hindi dapat ipagkait sa isang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman
  • SEKSYON 12 - "Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malayang lalong kanais-nais kung siya ang maypili." (you have the rights to remain silent..)
  • SEKSYON 13 - karapatan sa pagpiyansa (maliban sa mga may mahahatulan ng reclusion perpetua)
  • SEKSYON 14 - kaparaanan ng batas (due process) "innocent until proven guilty"
  • SEKSYON 15 - karapatan sa Writ of habeas corpus =utos ng hukuman na iharap sa korte ang isang taong ipipiit/kinulong
  • SEKSYON 16 - karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin/kaso
  • SEKSYON 17 - karapatan laban sa self-incrimination = hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kaniyang sarili
  • SEKSYON 18 - karapatan sa paniniwala at hangaring pampulitika