Lesson 3 - Mga bahagi ng pananaliksik

Cards (23)

  • Sarbey - isang pamamaraan ng pananaliksik na may kinalaman sa paggamit ng questionnaires at statistical surveys o estatistikong sarbey upang mangolekta ng datos tungkol sa kanilang saloobin, ideya at paguugali.
  • Pakikipanayam - Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang owtoridad na kinakapanayam.
  • Dokumentaryong pagsusuri - Isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbabasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin.
  • Obserbasyon - Nakikisalamuha at nakikisali sa sa karaniwang proseso ng buhay ng tao sa komunidad upang malaman ang hinihinging tugon sa suliraning isinasagawa.
  • Talaan ng nilalaman - Sa bahaging ito makikita ang mga anatomiya ng pag-aaral mula sa unang bagi hanggang sa huling bahagi na nakaayos sa sistematikong pamamaraang sekwensyal.
  • Panimula - Sa bahaging ito ay magpapakita ng batayang ideya ng pag-aaral sa pamamagitan ng maikling talata. Dito ipinapamalas ang mga bagay na nagtulak o nagbigay motibasyon kung bakit kailangan ng ganoong pag-aaral. Ito ang nagsisilbing diwang-gabay sa tunguhin ng pag-aaral sapagkat dito iminumulat ng mananaliksik sa kanyang mambabasa ang katuturan at esensya ng pag-aaral.
  • Konseptwal na balangkas - Ito ay tumatayo na anatomika na halimbawa ng kabuuang papel ng pag-aaral. Ang ulo o tuktok ng balangkas ay nagpapakita ng pangunahing konsepto na daraan sa deduksyon pababa sa pinakaresulta ng sistematikong pagkakasunid-sunod ng pananaliksik. Isa sa mahalagang salik sa pagbuo nito ay ang pagiging organisado at payak.
  • Layunin ng pagaaral - Dito inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilang kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy dito ang espisipik na suliranin na nasa anyong patanong.
  • Kahalagahan ng pagaaral - Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy dito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
  • Saklaw at delimitasyon - Tinutukoy nito ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabolo na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
  • Depinisyon ng terminolohiya - Ang pagtatala ng mga terminolohiya ay isa sa mahalagang dapat gawin at bigyang tuon bilang mananaliksik sapagkat kailangan mong piliin ang mga salita na hindi popular at di-pamilyar para sa kapakanan ng mambabasa.
  • Content Analysis - halimbawa ng depinisyon ng terminolohiya na Ang pangunahing pamamarang ginamit ng mananaliksik sa pagtukoy sa level of performance ng mga respondent ukol sa ergatibong pandiwa at pangungusap na siyang susuriin na komposisyong kanilang ginawa.
  • Convenience Sampling - Halimbawa ng depinisyon ng terminolohiya na Ito ay estratehiya ng sampling na ayon sa convenience o kaluwagan ng mananaliksik. Sa pananaliksik na ito, ginamit ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino upang masuri kung sila ay may sapat na kabatiran sa paksa ng pananaliksik.
  • Kaugnay na Literatura at pagaaral - Ang ikalawang bajhagi ng pananaliksik ay ang paglalaan ng mga literaturang may kinalaman sa pag-aaral na gagawin. Binibigyang pagpapahalaga sa yugtong ito ang mga makabuluhang teorya, pilosopiya, dyornal, lipleto at iba pang supplemental sa nilalayon ng pananaliksik.
  • Disenyo ng pananaliksik - Dito nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong papel, iminumungkahi naming ang pinakasimple na, ang deskriptib-analiktik na isang disenyo ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa salik o factors na kaugnay g paksa ng pananaliksik.
  • Respondente - Sa bahaging ito tinutukoy ang mga respondent ng sarbey, kung ilan , paano at bakit sila ang pinili.
  • Instrumento ng pananaliksik - Inilalarawan ang paraang ginamit sa pananaliksik sa pangangalap ng datos at impormasyon. Iniisa isa rito ang mga hakbang na ginawa at kung maaari ay kung paano at bakiyt niya ginawa ang bawat hakbang.
    Sa bahaging ito maaaring mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarbey at pagpapasagot sa sarbey-kwestyuner sa mga respondent.
  • Tritment ng mga datos - Inilalarawan kung ano ang istatistikal na paraan ang ginamit upang ang numerical na datos ay mailarawan. Dahil ito ay isang pamanahong papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos na mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuner ng mga respondent.
  • Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos - Ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na hinihintay ng mga teorista at mananaliksik ay ang ebidensya ng kanyang mga naiipon na impormasyon na masukat ng isatatistika at matematika.
    Sa bahaging ito nalalaman kung ang iyong tesis na pahayag ay napatunayang tama o mali sa pamamagitan ng panukat na disenyo ng pag-aaral.3
  • Lagom Konklusyon Rekomendasyon - Ito ang huling kabanata ng sulating pananaliksik kung saan dito nilalagom ang mga nakalap na impormasyon sa ginawang pag-aaral.
  • lagom - Dito pinagsama-sama ang mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa pag-aaral.
  • Konklusyon - Ito ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa tanong na iniimbestigahan.
  • Rekomendasyon - Dito inilalahad ang mga mungkahing maaaring makatulong sa iniharap ng mananaliksik upang maging kapaki-pakinabang ang mga isinasagawang pag-aaral.