Ipinasa ang panukalang batas ni Senador Claro M. Recto na gawing requirement sa mga paaralan, lalo na sa kolehiyo, ang pag-aaral ng buhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal
Inaprubahan ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang Republic Act No. 1425 o Batas Rizal noong Hunyo 12, 1956 bilang pagdiriwang na rin ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga mananakop
Sa batas Rizal, kinakailangang aralin ng mga estudyante at talakayin sa mga paaralan, pampubliko man o pribado, ang dalawang akda ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kailangan din ay nakasalin ito sa wikang ginagamit ng mga Pilipino
Saklaw din ng batas na ito ang pag-aaral ng buhay ni Rizal sa kolehiyo bilang isang asignatura. Aaralin dito ang kaniyang naging buhay at pakikipagsapalaran at paano isinulat ang kaniyang mga obra
Sa nasabing batas, kailangan din na mayroong mga akda ni Rizal na mababasa sa kanilang mga aklatan, lalo na ang mga paaralan at unibersidad, kabilang na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Noli Me Tangere
Ito ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal
Magdadalawampu't apat na taon pa lamang si Rizal nang isulat niya ang Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Ang parilala ay nagmula sa bersiyong Latin ng Ebanghelyo ni San Juan, Kabanata 20, Bersong 17
Sinimulan ni Rizal isulat ang Noli Me Tangere sa Madrid, Spain at doo'y natapos niya ang kalahati ng nobela
Taong 1884
Si Maximo Viola (taga Bulacan) na nagpahiram kay Rizal ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta
Ang nobela ay inimprenta sa Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft- printing shop sa Berlin, Germany sa halagang 300 pesos
Ang nobela ay binubuo ng 64 na kabanata
Dahilan kung bakit nais pa rin bumalik ni Rizal sa Pilipinas kahit nanganganib na ang kanyang buhay
Upang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang mata
Upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong 1884-1887
Ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
Sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan
Don Crisostomo Magsalin Ibarra: 'Kahit ako'y kalimutan ng aking bayan, sa lahat ng sandali ay inaalala ko siya'
Maria Clara delos Santos
Maganda, relihiyosa masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban
Maria Clara delos Santos: 'Kung hindi man magkakatuluyan ng aking iniibig ay mas mainam na lamang na manatili sa kombento'
Elias
Isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito
Elias: 'Tunay pong hindi ako maaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong magtiis at mamatay rito'
Pilosopong Tasyo
Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid
Pilosopong Tasyo: 'Ang baya'y hindi dumaraing sapagkat pipi,natutulog kaya hindi kumikilos. Ang pagdurusa niya'y hindi ninyo nakikita'
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik
Padre Damaso: 'Kapag ang kura ay nagpahukay ng bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari ay walang karapatang makialam o magparusa'
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos: 'Tignan mo ako anak, ako'y higit na sawimpalad kaysa sa iyo ngunit hindi ako umiiyak'
Sisa
Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang
Sisa: 'Nakikita mo ba yaong mga ilaw sa kampanaryo? Naroon sina Basilio at Crispin ngunit 'di ko dinadalaw Si Crispin dahil may sakit ang kura'
Basilio
Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan
Basilio: 'Hindi ba pwedengtayong tatlo na lamang ang magkakasama? kayo inay, si Crispin at ako'
Crispin
Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
Crispin: 'Sana nasa bahay tayo at kasama si Inang, hindi nila ako mapagbibintangang nagnakaw ng onsa'
Alperes
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Alperes: 'Pakana lang iyan ng prayle kaya palayain si Sisa, kung gusto niyang mabalik ang salapi ay itanong niya kay San Antonio'
Donya Consolacion
Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes
Donya Consolacion: 'Baila! Baila!, Sumayaw ka Sisa at kung hindi ay papatayin kita sa hagupit!'
Donya Victorina de Espadaña
Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama't ito ay laging mali