Interney at Socialmedia, telebisyon, dyaryo at magasin, pangyayari, sarili
Layunin ng pananaliksik
Mabigyan ng kasiyahan ang kuryusidad ng tao.
Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan.
Malutas ang isang partikular na isyu o konrobersiya.
Makatuklas ng mga bagong kaalaman.
Maging solusyon ito sa suliranin.
Akademikong pagsulat
Ito ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin nito na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Etika
Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami.
Komponent ng Etika sa Pananaliksik
Pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondent.
Pag-iingat sa mga personal na datos
Pag-iwas sa desepsiyon o hindi pagsasabi ng totoo
Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata bilang respondent ng saliksik
Plagiarism
Ito ay y ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga salita at ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Metodo o Pamamaraan
Ito ang ikalawang kabanata o tsapter sa mga sulating pananaliksik.
Pananaliksik na Eksperimental
✓ Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang resulta
✓ Binibiyang- pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa suliranin
Korelasyonal na Pananaliksik
✓ Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang makita ang implikasyon nito at epekto sa isa’t isa
✓ Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng pananaliksik
Pananaliksik na Hambing-sanhi
✓ Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
Sarbey na Pananaliksik
✓ Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
Etnograpikong Pananaliksik
✓ Kultural na pananaliksik
Historikal na Pananaliksik
✓ Pagtuon sa nagdaang pangyayari
✓ Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari
Kilos-saliksik (Action Research)
✓ Benepesyal
✓ May suliraning kailangang tugunan
✓ Nagbibigay ng solusyon
Deskriptibong Pananaliksik
✓ Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
✓ Pinakagamiting uri ng pananaliksik
Kwantiteytib
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istatistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
Kwaliteytib
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numurikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang reyalidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
Mga kalahok at sampling
Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng kanyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.
Sampol
✓ Tumutukoy sa grupo (tao o bagay) na pinaghahanguan ng mga impormasyon para sa pananaliksik
Pagkuha ng Sampol
✓ Tumutukoy sa proseso ng pagpili ng mga indibidwal na miyembro ng isang grupo para sa paksa ng gagawing pag-aaral o pananaliksik.
Populasyon
✓ Tumutukoy sa grupo ng interes ng gagawing pananaliksik;
✓ Ang grupong ninanais paghanguan ng resulta sa gagawing pag-aaral
Hakbang sa pagsasampling
✓ Pagkilala sa populasyon, pagtiyak sa kinakailangang sukat ng sampol at istratehiya sa pagpili ng sampol
Paguha ng random o random sampling
Ang bawat miyembro ay mayroong pantay na pagkakataon upang mapili (EQUIPROBABILITY) at maging bahagi ng gagawing sampol ng pag-aaral
Simple random sampling
ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na magsilbing sampol
Stratified Random Sampling
Pagpili na ang mga tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sampol
Sampling na Klaster
Tinatawag ding “AreaSampling”. Pumipili ng mga miyembro ng sampol nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal. Klaster na grupo – grupong may magkakatulad na katangian.
Sistematikong Sampling
plano para sa pagpili ng mga miyembro matapos na mapili nang pa-random ang panimula. Pagtiyak sa sampling interval at constant sampling interval
Convenience Sampling
batay sa kaluwagan ng mananaliksik o ang accessibility nito sa nagsasaliksik
Purposive Sampling
ginagamit batay sa paghuhusga at kaalaman ng mananaliksik upang makuha ang representiveness ng populasyon
Talatanungan
Ito ay ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga respondente. Ito ang pinakamadaling paraan sa pangagalap ng datos
Open-ended na talatanungan
Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot.
Close-ended na talatanungan
uri ng talatanungan ng may pagpipilian
Pakikipanayam
Ito ay maisasagawa kung possible ang interaksiyong personal. May dalawang uri ito.
Obserbasyon
Sa ganitong uri ng pag-aaral, ang mananaliksik ay natugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid dito
Di-pormal na obserbasyon
Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.
Pormal na imbestigasyon o structured observation-
Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagut ay binalangkas. Limitado ang mga impormasyong makukuha ngunit ito ay mas sistematiko.
Pangunahing Mapagkukuhanan ng Datos
Opinyon ng mga EKSPERTO
Pagkonsulta sa mga AKLAT at ARTIKULO
OBSERBASYON sa mga karanasan
SARILING paniniwala
Pagsusuri ng mga Datos
Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ngmga kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan. Ang mga karampatang puntos ng bawat kasagutan at ng paliwanag sa paraan ng ganuong pagpupuntos.
Kahusayan sa pagsubok
Isinasaad kung paano gagawin para masubok ang Reliability ng pag-aaral. Nangangahulugan din ito ng ganap na kawastuhan ng datos. Ito ay kadalasang kinukuha sa tulong ng mga bihasa sa estadistika. Kaakibat nito ang tinatawag na validity na may kinalaman sa ugnayan ng mga datos.
Tuwirang sipi
Ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o talata.