AP

Cards (55)

  • Citizenship
    Pagiging kasapi o miyembro ng isang indibidwal sa isang estado o bansa batay sa itinatakda ng batas
  • Batayan ng pagkamamamayan
    • Ligal na pananaw
    • Lumawak na pananaw
  • Ligal na pananaw ng pagkamamamayan
    Batay sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, Article IV at RA 9225 (Dual Citizenship Act)
  • Mga mamamayang Pilipino
    • Yaong mamamayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pagpapatibay ng Saligang Batas
    • Yaong mga naging mamamayan ng Pilipinas na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
  • Dual citizenship
    Pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan, maaaring pinili (by choice) o batay sa kapanganakan (by birth)
  • Prinsipyo ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan
    • JUS SANGUINIS (Batay sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang)
    • JUS SOLI (Batay sa lugar ng kapanganakan)
  • Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan
    Nakabatay sa pagtugon sa mga tungkulin at paggamit ng mga karapatan para sa kabutihang panlahat
  • Mga gawain ng aktibong mamamayan
    • Pagsunod sa batas trapiko
    • Pagtatapon ng basura sa wastong paraan
    • Pagiging mabuting magulang at anak
    • Iba pa
  • Aktibong pagkamamamayan
    Nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain na naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya
  • Prinsipyo at katangian ng aktibong pagkamamamayan
    • Nakikilala ang mga hamon o oportunidad
    • Nagtataglay ng kaalaman at kasanayan
    • Nagtataglay ng kaalamang nauukol sa mga demokratikong institusyon at proseso
    • Nagtataglay ng katangian ng isang makademokratikong mamamayan
  • Kahalagahan at bunga ng aktibong pagkamamamayan
    • Epektibong partisipasyon sa pamayanan
    • Nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga mamamayan na maimpluwensiyahan ang mga pagpapasyang panlipunan at pampolitikang tuwirang nakakaapekto sa kanilang buhay
    • Pagkalinang ng kaalaman at pag-unawa sa mga usaping panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya
    • Pagkahubog ng kakayahang masuri at mapaunlad ang mga umiiral na estrakturang panlipunan tungo sa pagtaguyod ng Kalayaan at karapatang pantao para sa lahat at pagpapaunlad ng kalidad ng buhay sa pamayanan
  • Ang karapatan ay mahalagang salik sa buhay panlipunan ng bawat indibidwal
  • Uri ng karapatan
    • Natural rights
    • Legal rights
  • Natural rights
    Mga karapatang bahagi ng pagiging likas ng sangkatauhan, nakabatay sa kakayahan, kaalaman at katarungan ng tao
  • Mga halimbawa ng natural rights
    • Karapatang mabuhay
    • Karapatang maging malaya
    • Karapatang magkaroon ng ari-arian
  • Legal rights
    Mga karapatang kinikilala at pinapairal ng estado, tinataglay ng lahat ng mamamayan nang walang anumang anyo ng diskriminasyon
  • Uri ng legal rights
    • Civil rights
    • Political rights
    • Economic rights
  • Karapatang pantao

    Mga karapatang tinataglay ng isang tao dahil siya ay tao, tinataglay ito ng lahat ng tao nang walang anumang diskriminasyon
  • Katangian ng karapatang pantao
    • Inalienable
    • Essential
    • Universal
    • Indivisible
    • Interdependent
  • Karapatang maging pampublikong opisyal at karapatang pumuna sa pamahalaan

    Mga karapatang nagbibigay ng kalayaan at kapangyarihan sa mamamayan na makibahagi sa pampublikong buhay
  • Economic rights o mga karapatang pang-ekonomiya
    • Karapatang maghanapbuhay
    • Karapatang mabigyan ng tama at makatarungang sahod
    • Karapatang magpahinga
    • Karapatang magkaroon ng seguridad at kaligtasan sa trabaho
  • Mga katangian ng karapatang pantao
    • Inalienable
    • Essential
    • Humane
    • Irrevocable
    • Universal
    • Limited
    • Dynamic
    • Limits to State Power
  • Mga pangunahing anyo ng paglabag sa karapatang pantao
    • Genocide
    • Rape
    • Force sterilization
    • Sapilitang pagpapasailalim sa isang indibidwal na maging bahagi ng eksperimentong medical o siyentipiko
    • Pang-aalipin, pagtorture at human trafficking
    • Honor killing
    • Female infanticide
    • Pananadyang pangugutom
    • Pagdakip sa isang indibidwal
    • Extrajudicial killing
  • Ang International Human Rights Law ay naglalatag ng obligasyon ng lahat ng pamahalaan sa pagtaguyod, pagkilala at pangangalaga sa karapatan at Kalayaan ng lahat ng mamamayan
  • Universal Declaration of Human Rights
    Dokumentong nagsasaad ng pundamental na karapatang pantao na nararapat na kilalanin at pangalagaan ng lahat ng mga bansa
  • Ang UDHR, kasama ang International Covenant on Civil and Political Rights at ang International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights ang bumubo ng tinatawag na International Bill of Human Rights
  • Mga bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas na nagpapatunay na tuwirang pagtalima ng Pilipinas sa pagsusulong ng karapatang pantao
    • Artikulo II, Section 9
    • Artikulo II, Section 10
    • Artikulo II, Section 11
    • Artikulo III, Section 12
  • Mahalagang maitaguyod ang karapatang pantao upang mamuhay ang mamamayan nang may Kalayaan, seguridad at kaligtasan, magkaroon ng Kalayaan at pantay na pagkakataon ang lahat ng mamamayan na paunlarin ang kanilang sarili, at masiguro ang katatagan at kaunlarang panlipunan, pang- ekonomiya at pampolitika
  • Ang civic engagement ay tumutukoy sa tuwirang pakikilahok o pakikibahagi ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa lipunang kinabibilangan
  • Mga kategorya ng civic engagement
    • Kategoryang Civic
    • Kategoryang Political Voice
    • Kategoryang Electoral
  • Ang mataas na antas ng civic engagement ay natataya batay sa community collaboration, aktibong pakikilahok sa civic at political online engagement, at mataas na voter turn-out
  • Mahalagang maiinang ang diwa ng civic engagement sa lahat ng mamamayan bilang pangunahing salik sa tagumpay ng mga tunguhin ng pamayanan para sa kabutihang panlahat
  • Kaapekto sa kalagayan ng pamumuhay sa komunidad
    Pagiging aktibo sa civic at political online engagement
  • Sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang online platforms, malayang nailalahad ng mamamayan ang kanilang kaisipan tungkol sa mga isyu at hamon sa kanilang pamayanan
  • Voter Turn-out
    Tumutukoy sa bilang o bahagdan ng mamamayang bumoto sa eleksyon kumpara sa kabuuang bilang ng rehistradong botante
  • Ang mababang kabuuang bilang ng mga bumoto sa isang halalan ay maaaring nangangahulugan ng kawalan ng interes o tiwala ng mamamayan sa prosesong pampolitika habang mataas na bahagdan nito ay nangangahulugang mataas ang interes at kagustuhan ng mamamayang makibahagi sa prosesong pampolitika
  • Kahalagahan ng Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko
    Mahalagang maiinang ang diwa ng civic engagement sa lahat ng mamamayan bilang pangunahing salik sa tagumpay ng mga tunguhin ng pamayanan para sa kabutihang panlahat
  • Positibong bunga ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ng mamamayan
    • Nalilinang ang diwa ng mapanagutang tungkulin ng mamamayan sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng kanilang pamayanan
    • Nakabubuo ng mga pagpapasiya, programa, at proyektong panlipunan na nakabatay sa kagustuhan at pangangailangan ng mamamayan
    • Nakalilikha ng akma at epektibong solusyon sa mga hamon at suliraning panlipunan
    • Nagiging matatag ang ugnayan ng pamahalaan at mga institusyon nito sa mamamayan dahil sa pagkakaroon ng mataas na tiwala sa bawat isa
    • Naiiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan at katiwalian sapagkat tuwirang nakikibahagi ang mamamayan sa mga proseso at usaping panlipunan
    • Nakakamit ng pamayanan ang kaunlaran sapagkat ang lahat ay nagbahagi ng kanilang oras, kakayahan, at lakas para sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa pamayanan
  • Ang pagbibigay ng pamahalaan ng pagkakataon at kalayaan sa mamamayan na makibahagi sa mga usapin at gawaing panlipunan tulad ng aktibong pakikibahagi ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko ay nangangahulugan ng pagbibigay-pansin sa kanilang pangangailangan at saloobin na siyang tunay na diwa ng demokrasya
  • Sa pamamagitan nito, nakabubuo ng mga akmang pagpapasiya, programa, at proyekto upang mapabuti ang kalidad ng buhay sa mga pamayanan