FIL

Cards (61)

  • Pananaliksik ( constantino at zafra ) 

    Masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao at isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian
  • Pananaliksik ( galero at tejero ) 

    • May mahahalagang layunin
    • Isinasagawa upang makahanap ng isang teorya
    • Mababatid ang katotohan ng teorya
    • Makakuha ng kasagutan sa makaagham na problema o suliranin
  • Pananaliksik (aklat) 

    Sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa pinagkakatiwalaang impormasyon upang masagot ang mga tanong at makadagdag sa umiiral na kaalaman
  • Katangian ng Pananaliksik
    • Obhetibo -makatotohanan
    • Sistematiko – may lohikal na hakbang o proseso
    • Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan – nakabatay sa kasalukuyang panahon
    • Empirikal – ang konklusyon ay nakabatay sa nakalap na datos
    • Kritikal – maaaring masuri at mapatunayan pa ng ibang mananaliksik
    • Masinop, Malinis at Tumutugon sa pamanatayan – nakasunod sa pamantayang inilahad
    • Dokumentado – binibigyang karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito
  • Uri ng Pananaliksik
    • BASIC RESEARCH - Impormasyon at Kaalamang umiiral sa kasalukuyan
    • ACTION RESEARCH - Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o masagot ang tanong na may kinalaman sa kanyang larangan
    • APPLIED RESEARCH - Ginagamit o nilalapat sa majority na populasyon
    • KWANTITATIBONG PANANALIKSIK/QUANTITATIVE RESEARCH
    • KWALITATIBONG PANANALIKSIK / QUALITATIVE RESEARCH
  • Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
    • Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
    • Maging bago o naiiba(unique)
    • May mapagkukunang sapat at malawak na impormasyon
    • Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
  • Uri ng Datos
    • Datos ng Kalidad (Qualitative Data)
    • Datos ng Kailanan (Quantitative Data)
  • Pahayag na Tesis
    • Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik
    • Naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw
  • Mga Tandaan sa Pagbuo ng Pahayag na Tesis
    • Nakakasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
    • Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
    • Nakapokus ba ito sa iisang ideya lang?
    • Maaari bang patunayan ang posisyong paninindigan nito sa pamamagitan ng pananaliksik?
  • Bahagi ng Kabanata I
    • PANIMULA
    • PAGLALAHAD NG SULIRANIN
    • LAYUNIN NG PAG-AARAL
    • HAYPOTESIS
    • KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
    • KONSEPTWAL NA BALANGKAS
    • SAKLAW AT LIMITASYON
    • DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
  • Bahagi ng Kabanata II
    • Kaugnay na Literatura
    • Kaunay na Pag-aaral
  • Kaugnay na Literatura
    Binubuo ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at katotohanan na kaugnay sa pag-aaral na isasagawa
  • Klasipikasyon ng Kaugnay na Literatura
    • Lokal na Literatura - inilathala sa Pilipinas
    • Banyagang Literatura - inilathala sa ibang bansa
  • Kaugnay na Pag-aaral
    Pag-aaral, pag-iimbestiga o imbestigasyon na isasagawa na may kaugnayan o pagkakatulad sa paksa ng pananaliksik na isasagawa
  • Klasipikasyon ng Kaugnay na Pag-aaral
    • Lokal na Pag-aaral - inilathala sa Pilipinas
    • Banyagang Pag-aaral - inilathala sa ibang bansa
  • Sintesis
    • Pagsasama-sama ng ibang akda upang makabuo ng isang akdang makakapag-ugnay nito
    • Pagsasama ng dalawa o higit pang buod
  • Mga Teknik ng Sintesis
    • PAGBUBUOD - Binubuod ang hanguan at inaayos ang paglalahad sa lohikal na paraan
    • PAGHAHALIMBAWA - Pagtukoy sa halimbawang inilahad sa isang sanggunian o ng isang ilustrasyon
    • PAGDADAHILAN - Iniisa-isa ang dahilan kung bakit ito ay totoo o mahalaga
    • STRAWMAN - Inilalahad ang argumentong kontra-tesis, ngunit sinesegundahan ng paglalahad ng kahinaan ng argumento
    • KONSESYON - Tinatanggap ang salungat na pananaw at hindi pinawawalang saysay ang argumento
    • KOMPARISON AT KONTRAST - Tinatanggap ang salungat na pananaw at hindi pinawawalang saysay ang argumento
  • Bibliyograpiya
    Nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo at maging ang social media networking site na pinagsanggunian o pinagkunan ng mga impormasyon
  • Paraan ng Pagsulat ng Bibliyograpiya
    • APA-American Psychological Association
    • MLA-Modern Langguage Association
    • Chicago Manual of Style
  • Mga Sanggunian sa Bibliyograpiya
    • Aklat
    • Peryodikal
    • Di Nakalathalang Sanggunian
  • atlo o higit pa ang may-akda
  • Dayag, Alma M. et. al. (2015) Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon City: Phoenix Publishing House
  • Anonymous The Plight of Filipino Teachers (1998) Cavite City: Grayson Publishing House
  • PERYODIKAL
    Tala tungkol sa May-akda, Pamagat ng Artikulo, Publikasyon na kinabibilangan ng: Pangalan ng peryodiko, Bilang ng isyu, Petsa, Pahina ng artikulo
  • DYORNAL
    Peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad
  • MAGASIN
    Periodikal para sa publiko
  • PAHAYAGAN

    Periodikal na araw-araw lumalabas
  • MANUSKRIPT
    Mga isinulat ng may-akda gamit ang kamay
  • PELIKULA
    Manunulat, Direktor, Prodyuser, Pamagat, Pangunahing artista, Kompanyang nagprodryus, Taon ng pagpapalabas
  • PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO
    Pamagat ng segment, serye, o programa, Prodyuser, direktor, manunulat , o artista, Broadcasting corporation, Petsa
  • WEB SITE
    May-akda, Petsa ng Publikasyon, Pamagat ng artikulo, Pinanggagalingang URL
  • BLOG
    May-akda(kung hindi nakalagay ang pangalan ng may-akda maaring screen name lamang ang ilagay), Petsa ng publikasyon, Pamagat ng artikulo(hindi naka-italicize), Pinanggalingang URL
  • KABANATA III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
    Ipinapaliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano isinagawa ang pag-aaral tulad ng paglalarawan sa disenyong ginamit sa pananaliksik, mga kalahok, lugar na pinagdausan ng pananaliksik, instrumentong ginamit at kung paano ito ginagamitan ng istatistikal na paglalapat
  • BAHAGI NG KABANATA III
    • Disenyo ng Pananaliksik
    • Lokal ng Pag-aaral
    • Respondente
    • Intrumento ng Pananaliksik
    • Istatistikong Pamamaraan
  • DISENYO NG PANANALIKSIK
    Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral
  • URI NG DISENYO NG PANANALIKSIK
    • PAGLALARAWANG PANANALIKSIK O DESKRIPTIBO
    • HISTORIKAL O PANGKASAYSAYANG PANANALIKSIK
    • EKSPIREMENTAL NA PANANALIKSIK
    • PENOMENOLOHIYA
  • PAGLALARAWANG PANANALIKSIK O DESKRIPTIBO

    Kinapapalooban ng pagtatala,paglalarawan,pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing. Layuning ng disenyo na sistematikong mailarawan ang sitwasyon at kundisyon ng makatotohanan at buong katiyakan. Binubuo ng OBSERBASYON, PAGSASARBEY, PAKIKIPANAYAM, STANDARDIZED TEST AT CASE STUDIES
  • HISTORIKAL O PANGKASAYSAYANG PANANALIKSIK

    Pag-aaral sa mga nakaraang pangyayari na iniuugnay sa pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon. Layunin nitong maitama o maiayos ang mga pangyayari mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan at hinaharap
  • EKSPIREMENTAL NA PANANALIKSIK

    Ang disenyong ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng sanhi at bunga ng isang baryabol
  • PENOMENOLOHIYA
    Uri ng pananaliksik na nakatuon sa buhay na karanasan ng mga kalahok sa pananaliksik ukol sa isang penomenon. Layunin ng ganitong pananaliksik na direktang imbestigahan at isalaysay ang isang penomenon na malay na naranasan ng tao. Kalimitang ginagamit ang panayam, obserbasyon, pagsusuri ng naratibo, at pagdodrowing sa pangangalap ng impormasyon