PAGBASA

Cards (88)

  • URI NG KARD KATAGLOG; Kard ng Paksa, Kard ng awtor, Kard ng Pamagat
  • Kard ng Paksa ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin.
  • Kard ng awtor ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa
  • Kard ng Pamagat ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba
  • hanguang primarya (primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon/ asosasyon, samahan o kapisanan, pamilya, mga pampublikong kasulatan o dokumento at iba pa. Kabilang din dito ang mga kinagisnang kaugalian maging mga pampublikong kasulatan o dokumento,
  • hanguang sekundarya naman ay: aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, taunang aklat, journal, atlas, almanac. Mga lathalaing artikulo gaya ng magasin, disertasyon, manuskrito at iba pa.
  • Hanguang Elektroniko o Internet ay maituturing ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos.
  • Hanguang Silid-aklatan isang lugar puntahan upang makapangalap ng mga impormasyon o datos na nais saliksikin.
  • MLA Modern Language Association
  • MLA Modern Language Association- Karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolaryong papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades.
  • APA American Psychological Association, ay kadalasang ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan at iba pang mga teknolohikal na larangan.
  • Ang talasanggunian o Bibliyograpiya ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na kakikitaan ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
  • Tuwirang Sipi Ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o talata.
  • Pabuod Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong mahahaba. Kailangang maisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng mananaliksik. (Paraphrasing ang tawag dito)
  • Pagsusuri ng mga Datos- Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ngmga kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan. Ang mga karampatang puntos ng bawat kasagutan at ng paliwanag sa paraan ng ganuong pagpupuntos.
  • Kahusayan sa pagsubok- Isinasaad kung paano gagawin para masubok ang Reliability ng pag-aaral. Nangangahulugan din ito ng ganap na kawastuhan ng datos. Ito ay kadalasang kinukuha sa tulong ng mga bihasa sa estadistika. Kaakibat nito ang tinatawag na validity na may kinalaman sa ugnayan ng mga datos. Sinusukat dito ang lawak ng pagtatamo ng mga layuning hinahangad na matamo o masukat ng pamamaraa.
  • Stratified sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagkalap ng mga respondente na kung saan ang tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sampol. Gumamit din ang mga mananaliksik ng Slovin's Formula n N/(1+Ne2).
  • Purposive Sampling- ginagamit batay sa paghuhusga at kaalaman ng mananaliksik upang makuha ang representiveness ng populasyon
  • Convenience Sampling- batay sa kaluwagan ng mananaliksik o angaccessibility nito sa nagsasaliksikHalimbawa: Pagtawag sa telepono o Pop-up survey sa internet
  • Sistematikong Sampling- plano para sa pagpili ng mga miyembro matapos na mapili nang pa-random ang panimula. Pagtiyak sa sampling interval at constant sampling interval
    1. Uri ng Non-random Sampling:Systematic Sampling2. Convenience Sampling3. Purposive Sampling
  • Sampling na Klaster -Tinatawag ding "Area Sampling". Pumipili ng mga miyembro ng sampol nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal. Klaster na grupo grupong may magkakatulad na katangian.
  • Pormal na imbestigasyon o structured observation- Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagut ay binalangkas. Limitado ang mga impormasyong makukuha ngunit ito aymas sistematiko kaysa sa di-pormal na obserbasyon.
  • Di-pormal na obserbasyon Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.
    1. Obserbasyon Sa ganitong uri ng pag-aaral, ang mananaliksik ay natugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid dito.
  • Open-ended na talatanungan- Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot.
  • Close-ended na talatanungan- uri ng talatanungan ng may pagpipilian
  • Talatanungan - ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga respondente. Ito ang pinakamadaling paraan sa pangagalap ng datos.
  • Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Maaaring gumamit ng sarbey, talatanungan(questionnaire-checklist) at pakikipanayam.
  • Sampol ✓ Tumutukoy sa grupo (tao o bagay) na pinaghahanguan ng mga impormasyon para sa pananaliksik
  • Mga Kalahok at Sampling
    Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag- aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng kanyang paksang tatalakayin pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral. sa
  • Kwaliteytib - Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numurikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang reyalidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
  • Kwantiteytib - Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istatistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
  • Deskriptibong Pananaliksik✓ Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa Pinakagamiting uri ng pananaliksik
  • Kilos-saliksik (Action Research) ✓ Benepesyal May suliraning kailangang tugunan ✓ Nagbibigay ng solusyon
  • Historikal na Pananaliksik Pagtuon sa nagdaang pangyayari ✓ Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari
  • Etnograpikong Pananaliksik ✓ Kultural na pananaliksik
    Halimbawa: Uri ng pamumuhay ng mga Mangyan sa Mindoro
  • Sarbey na Pananaliksik ✓ Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
  • Pananaliksik na Hambing -sanhi✓ Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
    Halimbawa: Paghahambing sa kahusayan ng mga mag-aaral sapribado at pampublikong paaralan
  • Korelasyonal na Pananaliksik ✓ Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang makita ang implikasyon nito at epekto sa isa't isa✓ Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng pananaliksikHalimbawa: Kaugnayan ng kinalakhang paligid sa pagiging goal- oriented ng isang tao.