Yunit 5

Cards (60)

  • Sa larangan ng matematika, ang teorya ay isang katawan ng mga prinsipyo o mga teorem na kabilang sa isang paksa. Maaari ring isang pagkabatid o pananaw sa isang bagay na gagawin, o kaya ng metodo ng paggawa nito
  • Ang teorya ay maaari pa ring isang sistema ng mga panuntunan o mga prinsipyo
  • Ayon naman kay Abend (2013, sa San Juan et al, 2019)), ang mga teorya ay binuo upang magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa o makatulong sa pag-unawa sa penomemon, at sa maraming sitwasyon, ay naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman
  • Tatlo naman ang konsiderayong ibinigay ni Torraco (1997) sa pagpili ng teorya: ang pagiging akma sa pananaliksik, lina/dali ng aplikasyon sa pananaliksik, at bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik.
  • mahalaga ang batayang teoretikal sapagkat ito ay kailangan sa isang sulating pananaliksik dahil ito ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya at kahulugan na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng isang penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa isang paksang pinag-aaralan.
  • Nakapaloob sa batayang teoretikal ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan ng mananaliksik gayundin ang mga ideya at konseptong dapat palitawin sa ginawang pananaliksik sa tulong ng mga teoryang may kinalaman sa paksa
  • Ipinaliwanag sa isang modyul sa pananaliksik sa University of Southern California (2018, sa San Juan et al., 2019) na binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa pananaliksik ang batayang teoretikal.
  • (Torraco, 1997) ang apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik
  • Ayon sa Philippine Cultural Education, ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong
  • Sa Philippine EJournals naman ay sinabing ang nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan
  • Pinaniniwalaang ang nasyonalismo ay isang pangyayaring kamakailan lamang naganap at nangangailangan ng mga kondisyong estruktural ng mga modernong lipunan.
  • Ayon kay Smith, dalawang uri ang kinabibilangan ng mga kahulugan ng nasyon—ang objective factors at ang subjective factors
  • Ang objective factors ay mga kahulugang nakatuon sa wika, relihiyon, asal, teritoryo, at institusyon
  • ang subjective factors naman ay tumutukoy sa mga kahulugang nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan
  • Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang pinagmulan at batayan ng nasyonalismo: primordialism (perrenialism); ethnosymbolism; at modernism (Smith, 2012)
  • Sinasabi ng primordialism (perrenialism) na ang nasyonalismo ay isang likas na penomena na kinakaharap ng bawat nasyon.
  • Ang ethnosymbolism ay isang paradigmang komplikado, nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan, at ipinaliliwanag na ang nasyonalismo ay isang dinamiko, ebolusyonaryong penomena na kinasasangkutan ng historikal na kahulugan, sa pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa kanyang pambansang simbolo
  • Ang ikatlong paradigma ng nasyonalismo ay ang modernism na nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat tingnan bilang pinakabagong penomenang panlipunan na nangangailangan ng istrukturang sosyo-ekonomiko ng makabagong lipunan
  • Ang teoryang dependensya na kilala rin sa tawag na Teoria de la Independencia o Teorya ng Dependensiya at nakaugat sa Amerika Latina. ay ang paniniwala na ang pinagkukunangyaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa
  • Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap sa "pamamalakad ng mundo."
  • teoryang modernisasyon - ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong, kung kaya ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa mundong pangkalakalan.
  • Ilan sa mga kilalang teorista nito sina Raúl Prebisch at Theotônio dos Santos, na kapwa mula sa Amerika Latina. Ayon sa kanila, ang pagsasamantala ng mga bansang industriyalisado sa mga bansang mahihirap ay sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya na nakaapekto rin nang malaki sa sistemang politikal at kultural ng bansa
  • Ang Marxismo (Maranan, 2018) ay isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitignan ang ugnayan ng klase (class relations) at tunggaliang panlipunan (class conflict) gamit ang materyalistang interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan (materialist interpretation of historical development) at ginagamitan din ng diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social transformation.
  • Ang salitang “pantayo” ay binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na “tayo” at unlaping “pan” na ang kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin – para sa amin.” Ito ay kabaligtaran ng konsepto ng “pangkami” na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na “kami” at unlaping “pang” na ang kagyat na kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi kasama ang nakikinig nito
  • Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa anumang kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng linggwistik-kultural na istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili
  • Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika.
  • may tatlong mahahalagang sangkap ang Pantayong Pananaw na binanggit sa aklat ni Maranan (2018). Ito’y ang: 1. Dulog etic at emic; 2. Pag-unawa at pagpapaliwanag; at 3. Suliranin ng ideolohiya
  • Dulog etic at emic. Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya at agham panlipunan, ang emic at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa pananaw; ang emic ay tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social group) mula sa perspektiba ng paksa o subject, samantalang ang etic naman ay tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid.
  • Pinahahalagahan ng dulog na emic ang pamamaraan kung paano nag-isip ang tao o lipunan. Dito tinitingnan ang kanilang pananaw, pag-uugali, ano ang makabuluhan para sa kanila, at kung paano nila tinitingnan o ipinaliliwanag ang mga bagay-bagay
  • Sa kabilang dako, ang dulog etic naman ay higit na siyentipiko sapagkat ang tuon o pokus mula sa lokal na obserbasyon, mga kategorya, paliwanag at interpretasyon ay buhat sa mga antropolohiya.
  • Tumutukoy sa paglalarawan ng pag-uugali at paniniwala sa punto na mahalaga sa tao o aktor ang konsepto ng emic – nanggaling sa tao sa loob ng kultura. Ang etic naman ay tumutukoy sa deskripsyon ng pag-uugali at paniniwala ng mga nag-aaral sa lipunan o siyentipikong tagamasid sa mga punto na maaaring iugnay sa iba’t ibang kultura
  • Pag-unawa at Pagpapaliwanag. Ang pinakamahinang posisyon ay ikinukonsidera ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang paggamit ng emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit na nakararaming teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng berbal na komunikasyon ay ginamitan ng Filipino. Ang ganitong dulog o anyo ng panulat ay nakatanggap na ng maraming kritisismo dahil sa ang pagsulat ay ginagamitan ng Filipino samantalang ang paraan ng pag-iisip ay nasa kategoryang banyaga.
  • Suliranin ng ideolohiya. Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng konsepto, habang inilalayo ang huli sa prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino.
  • Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahanng isang tao
  • Ang pagpapalaganap ng endorphin sa pamamagitan ng pangkat ay nagsusulong sa kahalagahan ng pagsasama at kaligtasan
  • Ang pantawang pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino. May limang elemento ang pantawang pananaw. Ito ang: (1) midyum, (2) konteksto, (3) kontent o anyo, (4) aktor, at (5) manonood
  • Ang midyum ay daluyan na kung saan nagiging laganap o natatangi ang pantawang pananaw
  • Ang mga isyung panlipunan na tumatahak sa sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa konteksto ng pantawang pananaw
  • Samakatuwid, hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang pantawang pananaw, sapagkat nakabukas sa iba’t ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang pagiging texto nito bilang pagbasa
  • Ang teoryang banga ay mula naman sa ideya ni Prospero Covar (1993).