Kung nais malaman ng mananaliksik kung paanong kumikilos ang paksa (subject) ng kaniyang pag-aaral sa isang sitwasyon, nararapat lamang na gumamit ito ng obserbasyon na walang interbensyon, na kilala sa tawag na naturalistikong obserbasyon (Zechmeister, Shaughnessy, at Zechmeister, 2009). Magandang gamitin ang ganitong uri ng obserbasyon sapagkat hinahayaan nitong makita ng mananaliksik ang natural na kilos ng paksa (subject) na hindi naaapektuhan ng kanyang presensya.