Sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba't ibang batis ng kaalaman
Ang pananaliksik ay isinasagawa bilang isang lohikal at organisadong batayan ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan
Ang pananaliksik ay ginagamit upang palawakin o palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa mga institusyong pang-akademiko
Layunin ng pananaliksik
Makahanap ng isang teorya
Malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito
Makuha ang kasagutan sa mga makaagaham na problema o suliranin
Pananaliksik
Paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan ng mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran
Patuloy ang pananaliksik sa iba't ibang paksa at phenomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari at pagbabago sa kanyang paligid
Kasabay ng pag-unawa, tumutuklas ang tao ng iba't ibang paraan kung paanong mapabubuti ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng iba't ibang imbensyon at kaalaman
Gamit ng pananaliksik
Tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
Bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon
Linawin ang isang pinagtatalunang isyu
Patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o ideya
Pananaliksik
Obhetibo
Sistematiko
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Empirikal
Kritikal
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa pamantayan
Dokumentado
Etika
Mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
Gabay sa etikal na pananaliksik
Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
Mga kamalian sa pananaliksik
Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (Plagiarism)
Pagreresiklo ng mga material (Recycling)
Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang sapat na batayan
Isa sa pangunahing dahilan ng mga kamalian sa pananaliksik ay ang kamangmangan o kawalan ng ideya, lalo na ng mga mag-aaral, sa kalikasan nito
Madalas ding itinuturong dahilan sa ganitong mga kapabayaan ang labis na pagmamadaling makatapos sa pananaliksik
Hindi pagbibigay ng sapat na panahon na nagreresulta sa kawalan ng sinop at pag-iingat ng mananaliksik
Pangkalahatang Proseso ng Pananaliksik
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
3. Pangangalap ng Datos
4. Pagsusuri ng Datos
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Preliminaryong bahagi ng pananaliksik na nagpapakilala ng halaga ng pag-aaral batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay ng mga layunin ng pananaliksik
Paglalahad ng Suliranin
Preliminaryong bahagi ng pananaliksik na nagtatakda ng tiyak na suliranin ng pananaliksik
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Preliminaryong bahagi ng pananaliksik na nagbibigay ng mga layunin at kahalagahan ng pag-aaral
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Preliminaryong bahagi ng pananaliksik na nagbibigay ng pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik
Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas
Bahagi ng pananaliksik na nagtatakda ng disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan
Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
Bahagi ng pananaliksik na nagtatakda ng lawak ng pananaliksik
Daloy ng Pag-aaral
Bahagi ng pananaliksik na nagpapakita ng proseso ng pananaliksik
Metodolohiya at Pamamaraan sa Pananaliksik
Bahagi ng pananaliksik na nagpapahayag ng mga instrumento o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos
Resulta at Diskusyon
Bahagi ng pananaliksik na nagpapakita ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na nakalap
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
Bahagi ng pananaliksik na nagbibigay ng mga konklusyon at rekomendasyon ng pag-aaral
Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa mga natukoy na konklusyon ng pag-aaral
Hindi pa maituturing na buo ang pananaliksik hangga't hindi ito naibabahagi
Mga bahagi ng pananaliksik kapag ilalathal bilang artikulo sa journal
Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
Metodolohiya
Resulta at Diskusyon
Konklusyon at Rekomendasyon
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuring mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagaham na problema o suliranin.
Ayon kay Susan B. Neuman (1997), ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan ngmga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang pananaliksik sa
iba’t ibang paksa at phenomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari at pagbabago sakanyang paligid. Kasabay ng pag-unawa, tumutuklas ang tao ng iba’t ibang paraan kung paanong mapabubuti ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang imbensyon at kaalaman.
Obhetibo – naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
Sistematiko – ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan – nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
Empirikal – ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at na obserbahan ng mananaliksik.
• Kritikal – maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa pamantayan – nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
Dokumentado – nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karapatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.