Ang Repormasyon 228-233

Cards (79)

  • Sa Panahon ng Renaissance, napasok ang Simbahang Katoliko sa isang magulong sitwasyon.
  • Ang mga Kristiyano mula sa iba't ibang antas ng tao sa lipunan ay naging mulat sa nagaganap na katiwalian at makamundong gawain sa Simbahan.
  • Sa Panahong Medyibal, nilinis ng Simbahan ang kanilang institusyon.
  • Ngunit noong 1500, ang panawagan sa reporma ay nawasak sa hindi pagkakaisa ng mga Kristiyano sa Europe. Tinawag itong Repormasyon.
  • Noong ika-14 at ika-15 siglo, tinuligsa ninâ Jan Hus at John Wycliffe ang mga kaugalian ng Simbahang Katoliko. Ang kanilang paniniwala ay nag-ugat sa kanilang mga opinyon na ang Simbahan ay nagiging makamundo at tiwali.
  • Ang indulhensiya o indulgences ay ang pagbibigay-kapatawaran sa mga kasalanan.
  • Ang isang makasalanan lay dapat mangumpisal sa pari, huminging kapatawaran, magpakita ng pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapabuti sa tulong ng pag-aayuno at pagdarasal.
  • Ang pagbebenta ng indulhensiya ay nakita nang hayagang nangampanya upang mangalap ng pondo si Pope Leo X noong 1514 para sa pagsasaayos ng simbahang St. Peter sa Rome.
  • Ang pagbebenta ng indulhensiya ang nagbigay-daan sa protestang isinagawa ni Martin Luther, isang mongheng Aleman na nagturo ng Bibliya sa Unibersidad ng Wittenberg.
  • Martin Luther - isang mongheng Aleman na nagturo ng Bibliya sa Unibersidad ng Wittenberg.
  • Martin Luther - nabagabag siya sa damdaming makasalanan at nangamba na baka hindi makapasok sa langit.
  • Noong Oktubre 31, 1517, nagpaskil si Luther ng isang dokumento, na tinawag na 95 Theses, sa pintuan ng Simbahan ng Wittenberg.
  • 95 Theses - naglalaman ito ng kaniyang protesta sa patakaran ng Simbahan at ang pagbebenta ng indulhensiya upang matamo ang kaligtasan.
  • Sa pamamagitan ng Papal Bull, binalaan si Lutherng Papa na siya ay papatawanng parusang excommunication kung hindi niya babawiin ang mga sinabi.
  • Ang excommunication ay ang pagtitiwalag ng Simbahang Katoliko sa isang miyembro na tumutuligsa sa mga aral, patakaran, at paniniwala ng Simbahang Katoliko.
  • Papal Bull - isang kasulatan galing sa Papa na naglalaman ng mahalagang anunsiyo at iba pang pansimbahang kasulatan.
  • Upang sagutin ang protesta ni Luther at ang nabubuong kilusan ng mga Protestante, tinipon ng Simbahang Katoliko ang Diet of Worms, isang asembleya ng mga estado ng emperador ng Banal na Imperyong Romano na ginanap sa lungsod ng Worms sa Germany.
  • Diet of Worms - isang asembleya ng mga estado ng emperador ng Banal na Imperyong Romano na ginanap sa lungsod ng Worms sa Germany.
  • Namuno si Charles V sa pagtitipon na nangyari noong Enero 28 hanggang Mayo 25, 1521.
  • Pagkatapos ay inilabas ng Simbahan ang Edict of Worms, isang decree na pinangalanan si Luther na isang bandido at heretic o erehe.
  • Edict of Worms - isang decree na pinangalanan si Luther na isang bandido at heretic o erehe.
  • Ipinagbawal ng decree ang kasulatan at pagtuturo ni Luther. Ipinaaresto rin si Luther ngunit ipinakulong na lamang siya ni Frederick III sa kaniyang kastilyo sa lungsod ng Wartburg sa Germany.
  • Frederick III - kilala bilang The Wise.
  • Frederick III - isa sa mga sumuporta at dumepensa kay Luther at siyang nagtatag ng Unibersidad ng Wittenberg sa Germany.
  • Ang pagtutol ni Luther sa indulhensiya, pagkuwestiyon sa kapangyarihan ng Papa, at sa iba pang patakaran ng Simbahan ay nag-udyok din sa ibang tao na magsimulang ilabas ang kanilang mga alinlangan tungkol sa Simbahan.
  • Isa sa mga naimpluwensiyahan ni Luther ay si John Calvin (1509-1564), isang theologian na Pranses.
  • John Calvin - isang theologian na Pranses.
  • John Calvin - nagtatag ng Calvinism o Reformed Theology
  • Walang tigil ang pag-atake ni Luther sa simbahan ng Rome sa kaniyang mga sermon at mga sulatin.
  • Matapos siyang ma-ekskomunikado, sinimulan ni Luther magtatag ng sariling simbahan. Ang kaniyang mga isinulat ay kumalat at nabasa ng marami.
  • Itinuro ni Luther na ang bawat tao ay may direktang pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming Katoliko ang sumama at tinanggap ang kaniyang paniniwala.
  • Kay Luther, tinatawag na Lutheranismo ang relihiyong kaniyang itinatag.
  • Maraming mga prinsipe sa Germany ang naakit sa itinatag niyang relihiyon, kung kaya't nahati ang kaharian sa dalawa.
  • Sa Northern Germany at Scandinavia, yumabong ang mga ideya ni Martin Luther.
  • Noong 1530, ginagamit na ng mga Lutheran ang katawagang "Protestante.
  • Lumaganap ang ideya ni Luther sa maraming lugar sa Europe, lalo na sa Scandinavia.
  • Sinuportahan ng pamahalaang Sweden at Denmark ang Protestantismo.
  • Kinumpiskang mga tagasunod ni Luther ang mga ari-arian ng Simbahang Katoliko at ibinigay ito sa mga paring Lutheran.
  • |pinagbawal din ang wikang Latin sa misa at, sa halip, ay ginamit ang wikang Aleman. Pinayagan din ang mga paring Protestante na mag-asawa.
  • Apat na Grupo na humiwalay sa Simbahang Katoliko:
    1. John Calvin
    2. Henry VIII
    3. Huldrich Zwingli
    4. John Knox