Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula Setyembre 1, 1939. Natapos ito noong Setyembre 2, 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Mga Salik ng WW2:
Greater Co Prosperity Sphere (GCPS)
paghihiganti ng Germany (G)
pagkakampihan/alyansa (pa)
pagkakaiba ng mga ideolohiya (i)
pag-agaw sa Manchuria (M)
paglabag sa Kasunduan sa Versailles (KV)
Greater Co Prosperity Sphere - layunin ng Japan na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa ilalim ng kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong panlipunan, pampulitika, pangkultura,
at pangkabuhayan ng rehiyon.
paghihiganti ng Germany - muling pagtatag ng sandatahang lakas ng Germany at labagin ang Kasunduan sa Versailles na naglagay sa bansa sa kahihiyan. Ito ay pinangunahan ni Adolf Hitler at ng Nazi Forces.
pagkakampihan/alyansa - nais ng mga naninirahan sa Austria na maisama ang kanilang bansa sa Germany subalit ito’y taliwas sa mga napagkasunduan.
Ideolohiya - uri ng pamamahala na nais ipatupad sa isang bansa.
Totalitarian, Authoritarian, Fascism - isang tao lang ang namumuno (Benito Mussolini)
Nakipag-alyansa ang Japan (Asya), Italya (Africa), sa Germany (Europe) dahil nais din nilang makasakop ng madami pang lupain.
Demokrasya - (Capitalism) may karapatang pumili ang mga mamamayan ng kanilang pinuno. (Philippines)
Communism - (Socialism) lahat ng lupa ay pag-aari ng gobyerno. (China, North Korea)
Monarchy - ang bansa ay pinamumunuan ng hari o reyna.
Constitutional Monarchy - pinamumunuan ng isang hari o reyna na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng konstitusyon ng bansa.
Absolute Monarchy - ang monarko ay namumuno sa kanilang sariling karapatan o kapangyarihan
pag-agaw sa Manchuria - pag-agaw na ginagawa ng mga Hapones sa Manchuria na dahilan sa pagkakatiwalag ng Japan sa League of Nations.
Kasunduan sa Versailles
Ang Germany ay dapat akuhin ang buong responsibilidad sa digmaan
Ang Germany ay dapat magbayad ng mga nawasak ng digmaan (6.6 billion Euros)
Ang army ng Germany ay nabawasan ng 100,000 na tao
Ang Germany ay dapat na walang air force o submarines at hanggang sa malalaking barko
Ang Germany ay nawalan ng teritoryong nasakop at mahahati sa dalawa ang natira para sa Poland
(Setyembre 1, 1939) Kasunduang Molotov-Ribbentrop ito ay nilagdaan ng dalawang magkalabang bansa at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Poland.
(Setyembre 1, 1939) Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran, hilaga, at timog ng Poland.
Axis Powers - Italy(Benito Mussolini), Japan(Hirohito), at Germany(Adolf Hitler)
Allied Powers - Great Britain(Winston Churchill), United States(Franklin Roosevelt), Soviet Union(Joseph Stalin), at China(Chiang Kai Shek)
Hirohito, Benito Mussolini, at Adolf Hitler - may interes sa pagpapalawak ng teritoryo.
(Setyembre 17, 1939) Ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Poland.
Phony War (1939) (peke/hindi totoo) (hindi direktang komprontasyon) Ang pagsugod ng mga hukbo ni Hitler sa France na kung saan ang mga hukbo ng Pranses at Ingles ay pawing nakaabang sa likod ng Maginot Line.
(Hunyo 10, 1940) Pumasok ang Italya sa digmaan upang tulungan ang
mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland, Yugoslavia, Ukraine, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya.
Blitzkrieg - biglaang paglusob na walang babala
Lend Lease Act - ang America ang nagbibigay suporta sa mga kailangan ng Allied Powers (food, oil, equipments) upang mapigilan ang ginagawang pagsakop ng Axis Powers
(Disyembre 7, 1941) Nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii. Nagbibigay-daan ito sa pagpasok ng bansang United States sa digmaan.
(Disyembre 8, 1941) 7 oras pagtapos ng pagsalakay ng Japan nang sunod na binomba ng mga Hapon ang Pilipinas, Hongkong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa sa
timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at pinatay.
(Setyembre 3, 1943) Nang sinalakay ng mga Allied ang Sicily, ang isla sa
timog ng Italy hanggang sa sumuko ang Italy sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduang Cassibile.
(Abril 16, 1945) Nangyari ang labanan sa Berlin at ito'y pinakahuling
labanan ng hukbong Alemanya at USSR.
(Abril 30, 1945) Si Adolf Hitler ay nagpakamatay sa pamamagitan ng
pagbabaril sa ulo at kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun
na nagpakamatay din sa pamamagitan ng paggamit ng cyanide.
(Mayo 7, 1945) Sumuko ang mga Alemanya Pagkatapos nito, nagkaroon
ng selebrasyon sa Europa. Mula Moscow hanggang Los Angeles, nagkaroon sila ng malaking selebrasyon. Ang hukbong USSR ay nabigyan ng award sa kanilang tagumpay, ''Heroes of the Soviet Union''.
(Agosto 6, 1945) Nagpasya ang Amerikanong pangulong si Harry Truman na gamitin ang bomba atomika sa Hiroshima.
(Agosto 9, 1945) Makalipas ang ilang araw ay sinunod naman na sugurin ng mga Amerikano ang Nagasaki.
(Setyembre 2, 1945) Sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Ifugao . Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at
pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones.