Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular na ang tekstong naratibo kung saan kailangang ilarawan ang mga tauhan, tagpuan, damdamin, kilos at iba pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinapaniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong argumentatibo, gayundin upang mas makumbinsi sa tekstong peruweysib o paglalahad kung paano mas magaggawa ang bagay ng maayos tekstong prosidyural.