UNIT 7: POSISYONG PAPEL

Cards (23)

  • Posisyong Papel
    • Anyo ng sulating naglalaman ng pinaninindigang pananaw hinggil sa isang isyung may kinalaman sa iba’t ibang larangan na nakabatay sa may pananaliksik na mga katwiran at ebidensya
  • Layunin ng Posisyon Papel
    1. Makapagpahayag ng paniniwala
    2. Makapagmulat ng mga mambabasa
    3. Makahikayat ng tao, pangkat, o komunidad
    4. Makapagpaunawa o makapagpalaganap ng mga salaysay ng paliwanag
    5. Makakalap ang tagapagpahayag ng suporta
  • Gamit ng Posisyong Papel
    1. Pormal na naratibo o talastas, sa anyong pasulat
    2. Diplomatikong paglalahad ng mga ideya
    3. Sandatang salaysay ng isang pangkat upang makapagpaliwanag sa kinauukulan sa pamamaraang hindi marahas ngunit matalas
    4. Katipunan ng mga pagpapahalaga hinggil sa isyu nang may respeto, dignidad, at paninindigan
  • Sangkap sa Pagsulat ng Posisyong Papel
    1. Paksa o isyu
    2. Posisyong Pinaninindigan
    3. Argumento
    4. Suportang Ideya
    5. Kaukulang Katibayan
  • Batayan ng Isang Mapangumbinsing Posisyon Papel
    1. Matalinong katwiran
    2. Matibay na ebidensya
    3. Kontra-ebidensya
  • Katangian ng Isang Posisyong Papel
    1. Tiyak ang Isyu
    2. Malinaw ang Posisyon
    3. Mapangumbinsing Argumento
    4. Angkop na Tono
  • Mga Dapat Isaalang-alang
    1. Pagpili ng Paksa Batay sa Sariling Interes
    2. Paunang Pananaliksik
    3. Paghamon sa Napiling Pananaw o Posisyong Paninindigan
    4. Pangongolekta ng Pansuportang Katibayan
    5. Pagbabalangkas ng Isusulat na Sulatin
    1. Tiyak ang Isyu
    • Tiyak na isyung iikutan ng talakayan at paglalahad
    • Isyung pambansa, pandaigdigan, o anumang may epekto sa maraming kasapi ng pamayanan
    1. Malinaw ang Posisyon
    • Tiyak na inaayunang panig at pinahihindian kaugnay sa paksang-isyu
    1. Mapangumbinsing Argumento
    • May kalakip na patunay ang mga konseptong napapaloob sa paksa bilang suporta sa posisyon
    • Bahagi ito ng pagpapahina at pagpapabulaan ng kasalungat na pananaw
  • Angkop na Tono
    • Tono ng pananalita at paraan ng paglalahad na gagamitin ng manunulad
    • Kinakailangang bukas ang sulatin sa mga puna, pagsalungat, tunggalian, mungkahi, etc.
    1. Pagpili ng Paksa Batay sa Sariling Interes
    • Upang hindi maging pilit ang pagsasagawa ng sulatin; nangangailangan ng masikap at masinsing paghihimay ng mga usapin
  • Paunang Pananaliksik
    • Ito ang tuntungan ng lahat ng sulatin para sa pagbibigay-direksiyon
    • Prayoridad na makakalap ng impormasyong makagigiya sa pagpili ng posisyong paninindigan kaugnay ng isyu
  • Paghamon sa Napiling Pananaw o Posisyong Paninindigan
    • Sinisiyasat at sinasaliksik pati ang kasalungat na pananaw sa layuning mapahina ito at mapabulaanan; knowing strengths and weaknesses of arguments
  • Pangongolekta ng Pansuportang Katibayan
    • Nakasalalay sa mailalakip na katibayan o ebidensya upang itatag ang inihaing katwiran at paliwanag, bilang susog sa kawastuhan ng posisyon nito sa isyu
  • Pagbabalangkas ng Isusulat na Sulatin
    • Tukuyin ang bawat sangkap o elementong bumubuo sa isang posisyong papel at ang pangunahing bahagi ng isang balangkas upang punan ito ng mga detalye sa paraang nakatala
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
    1. Pumili ng Paksa
    2. Itakda ang posisyong paninindigan kaugnay ng paksa
    3. Magsagawa ng panimulang pananaliksik
    4. Hamunin ang sariling posisyon sa isyu
    5. Ipagpatuloy ang pananaliksik
    6. Gumawa ng balangkas
    7. Isulat nang aktuwal ang posisyong papel
    8. Isaayos ang unang burador para sa pinal na kopya
  • Panimula
    • Pagpapakilala sa isyu
    • Paglatag ng posisyong pinananigan ng manunulat
  • Katawan
    • Bahaging naglalahad ng maraming talata
    • Bawat talata ay naglalaman ng pangunahing kaisipang maglilinaw sa mga ipupuntong kaisipan, at sinusuportahan ng mga impormasyong makatotohanan at may katibayan
    • Tinatalakay rin dito ang magkasalungat na posisyong nakaugnay sa paksang-isyu
    1. Wakas
    • Pagtitibay ng posisyon sa isyu
    • Sintesis ng mga kaisipang inilahad sa talakayan
    • Naglalakip ito ng mga mungkahing aksyon at posibleng solusyon sa isyu
  • Balangkas ng Posisyong Papel
    1. Panimula
    2. Katawan
    3. Wakas
    • Ang argumentatibong sanaysay ay isang sulating naglalahad ng sariling kuro-kuro sa isang isyu, na maaaring nasusuportahan ng mga pag-aaral ngunit madalas na hindi; ginagamit rin ito ng lohika at pakikipag-ugnayang emosyonal.
    • Ang posisyong papel ay nasusuportahan ng mga pag-aaral at pananaliksik at ebidensyang katanggap-tanggap sa karamihan, at napagtitibay ang wakas ng isang mabisang pagsisintesis at pagbibigay ng mungkahing solusyon o aksyon