DALUMAT PAGBASA

Cards (30)

  • Komplikadong aktibidad na kinabibilangan ng ng persepsyon at pag-unawa
    Pagbasa
  • Kakayahang iugnay ang mga nakasulat na simbolo sa mga tinutukoy nito sa sinasalitang wika
    Pagkilala ng mga salita
  • Kakayahang mabigyang-diwa ang mga nakasulat na salita
    Pag-unawa
  • Ang pagbasa ay kakayahang nagagamit ng tao upang makuha ang mensahe, makilalala ang mga salita, at mawari an impormasyon nakapaloob sa teksto

    Kozak (2011)
  • Kapag siya ay interesado sa kanyang binabasa at hindi ito pilit. Kailangang natural lamang ang proseso.
    Atityud o Motibasyon
  • Kakayahan ng isang indibidwal na basahin ang teksto at nang malakas at nang may kasamang ekspresyon. Kung nakikilala aniya ng may akma ang ang mga salita (word recognition) at kung may awtomasidad (automaticity) siya sa pagbasa ng mga salita at kung may akmang ritmo at inonasyon siya sa pagsasalita (accurate rhythm and speech intonation)

    Katatasan sa pagbasa o reading fluency
  • Isang komponent ng pagbasa na tumatagos sa literal na kahulugan ng salita. Maging ang kahulugang maaaring nakakubli sa tayutay ay dapat nauunawaan ng mambabasa.
    Pag-unawa
  • Naipapakita sa pag-uugnay-ugnay ng mga impormayson sa teksto, pagtutulad o pag-iiba-iba batay ng mga impormasyong nakapaloob sa teksto, at paghihinuha at paglalagay sa posibleng kahihinatnan ng isang tagpo o sirkumastansya batay sa mga detalye sa teksto.

    Imperensyal na antas ng pag-unawa
  • Kakayahan na makita ang kahinaan at kalakasan ng teksto, mapuna ang tama at kamaliang taglay niyon, at makabuo ng mga tanong na hindi nakalagay sa teksto, at makita ang importansya nito.
    Ebalwatibong antas ng pag-unawa
  • Habang patuloy ang proses ng pagbasa ay umuulad ito. Ito ay maaaring pangkaraniwan, akademiko, o propesyonal. Lumalawak ang korpus ng salita sa memory bank ng isang indibibdwal na kalaunan ay kanyang nahuhugot sa mga pagkakataong siya ay nagbabasa.
    Bokabularyo
  • Kakayahang makaunawa, makakilala, mapag-ugnay-ugnay at mamanipula ang mga yunit ng tunog ng sinasalitang wika.
    Kamalayang ponolohiko
  • Sa The Classical Guide to Intelligence, nagtala sina Adler at Van Doren ng apat na antas ng pagbasa
    * Pagbasang elementarya
    * Pagbasang inspeksyonal
    * Pagbasang analitikal
    * Pagbasang sintopikal
  • Primaryang antas ng pagbasa. Tumutukoy sa antas na may layuning literasi o pag-unawa. Hindi nakikitaan ng malalim na pagsusuri o pagbibigay-kahulugan ang mambabasa sa mensahe ng teksto
    Elementarya
  • Mapagsiyasat na antas ng pagbabasa. Naiuugnay sa mabilisang proseso ng pagsisiyasat sa mga detalye ng binabasa. Malaki ang konsiderasyon sa oras kung kaya't upang magawa ang paunang pagbasa, sinisiyasat muna ang mahahalagang detalye ng isang teksto.
    Inspeksyonal
  • Higit sa pag-aliw sa sarili o pagkuha ng impormasyona ang nais. Sinasapol dito ang argumento, proposisyon at mahahalagang terminong makikita sa teksto. TInutukoy din ang kahinaan/kalakasan at kamalian/kaakmahan ng isang akda. Gumagamit din ng angkop na lente ang mambabasa upang higit na maunawaan ang teksto.
    Analitikal
  • Higit itong kumplikado sapagkat hindi lamang sa iisang teksto maaaring nakatuon ang mambabasa.
    Sintopikal
  • Yugto ng pagbabasa kung saan bumubuo ng mga prediksyon tungkol sa binabasa at nagtatala ng mahahalagang detalye mula sa binabasa
    Pagbabasa
  • Pagsusulat sa reading log, at pagbabahagi sa mga talakayan ukol sa paksang binasa.
    Pagtugon
  • Muling pagbasa at malalimang pag-isipan ang teksto at pag-uugnay sa sariling karanasan. Matuto ng mga bagong bokabularyo at suriin ang pagsulat ng may akda.
    Eksplorasyon
  • Pagbubuo ng mga proyekto at paggamit ng mga impormasyong nakuha sa pagbabasa. Pag-uugnay ng binasa sa mga katulad na teksto at pagpapahalaga sa karanasan sa pagbasa.
    Aplikasyon
  • Pag-unawa sa mga pangunahing salita o bokabularyo sa loob ng teksto
    Pag-unawang leksikal
  • Pagsagot sa mga tanong na Ano, Saan, Sino at Kailan
    Pag-unawang Literal
  • Pagsagot sa mga tanong na Paano, Bakit, at Paano Kung
    Pag-unawang Interpretatibo
  • Pag-uugnay sa mga mensahe sa kasalukuyang mga kaalaman o opinyon
    Pag-unawang Aplayd
  • Pag-uugnay ng mga binasa sa mga aspektong emosyonal o panlipunan
    Pag-unawang Apektibo
  • Tinatawag ding kritikal na pagbasa o aktibong anyo ng pagbasa na nagtatangi sa teksto sa paraang kompleks at malaliman.
    Nagsasangkot sa proseso ng pagsuri, interpretasyon at ebalwasyon na taliwas sa karaniwang pagbasa.
    Mapanuring pagbasa
  • Balangkas ni Duncan (2018) tungkol sa pagkakaiba ng ng karaniwang pagbasa at mapanurring pagabsa

    * Layunin, Gawain, Tuon, Tanong, Tunguhin at Tugon
  • Pagtingin sa mga bahagi ng teksto upang matukoy ang mga umiiral na patern sa loob. Sinisikap na unawain ang mga argumento ng awtor na inilahad sa teksto .
    Analisis
  • Pagbasa sa pahayag at sa mga ideyang nakapaloob sa teksto. Ang mambabasa ay kailangang malay sa kontekstong kultural, historikal , konteksto ng buhay ng awtor, sa konteksto ng tunggalian sa disiplina sa panahon ng pagsulat ng teksto, at sa intelektwal na konteksto ng mga tuligsaang ito sa disiplina.
    Interpretasyon
  • Tumutukoy sa pagbuo ng mga husga ukol sa inteleketwal, kognitibo, estetiko, moral/praktikal na halaga ng teksto.
    Ebalwasyon