Si Don Santiago de los Santos o mas kilala sa tawag na "Kapitan Tiago" ay ang kinikilalang ama ni Maria Clara.
"Agwador" ang tawag sa tagasalok ng tubig.
Dalawampung taong nanilbihan si Padre Damaso sa bayan ng San Diego bago siya inilipat sa mas malaking bayan.
Si Tenyente Guevarra ang nagpaalam kay Ibarra patungkol sa katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ama.
Nagpakilala si Crisostomo Ibarra sa Kabanata 2.
Nag-agawan sina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng hapag-kainan sa Kabanata 3.
Ang leeg at pakpak ay ang mga parte sa Tinola na isinalok sa supera ni Padre Damaso.
Ang Pidgin English ay ang sinampay-bakod na lengguwahe ni William Shakespeare na mahusay si Ibarra sa pagsasalita.
"Subersibo" ang ibang katawagan sa "Pilibustero" na ipinaratangan kay Don Rafael Ibarra.
Kabanata 4 ay naglalaman ng paglantad ni Tenyente Guevarra sa katotohanan ng pagkabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael kay Ibarra.
Pinaratangan ng erehe at pilibustero si Don Rafael Ibarra sapagka't pinaniniwalaang sinuntok niya ito kaya nawalan ng panimbang, bagkus ang katotohanan ay itinulak niya lamang ito.
Ang teleskopyo o largabista ay ang dalawang magkatabing lenteng itinatapat sa mata upang makita ang anumang nasa malayo.
Upang mabiyayaan ng anak si Donya Pia Alba, sumayaw siya nang nakabilad sa araw bilang panata sa tatlong pintakasi ng Obando.
Sa balkonahe o asotea ginanap ang pagsusuyuan ng dalawang magkasintahang sina Maria Clara't Ibarra.
Sa Kabanata 8 naraanan at naalala ni Ibarra ang Harding Botaniko na tanyag na halamanang ginugulan ng pagod at limpak na salapi noon sa Alemanya.
"Magtulos ka ng dalawang kandila. Isa para sa Poong San Roque at isa para kay San Rafael..." linya ni Kapitan Tiago para sa mga manlalakbay sa Kabanata 7.
Ang kabonegro ay isang buri o kaong.
Si Don Saturnino Ibarra ang lolo ni Crisostomo Ibarra na siyang nagpayaman sa kasaysayan ng bayan ng San Diego.
Si Tiya Isabel ang nagpalaki kay Maria Clara habang ang kanyang ama ay nagtatrabaho.
Ang San Diego ay bayang malapit sa baybay-lawa na may malawak na bukirin.
Si Padre Damaso ay isang Pransiskanong pari at si Padre Sibyla naman ay isang Dominikanong pari.
Ang Kabanta 8 ay may pamagat na "Mga Alaala" na siyang naglalantad ng paglulan ni Ibarra sa karwahe at paglakbay sa bayan ng San Gabriel.
Kabanata 6 ay naglalarawan sa katauhan at panlabas na anyo ni Kapitan Tiago at ng kanyang asawang si Donya Pia Alba.
Si Kapitan Tiago ay sosyo ng isang Intsik sa negosyo ng opium na isang pinatuyong katas ng poppy na may taglay na addictive at narkotikong elemento.
Siya si Crisostomo Ibarra na anak ng isang erehe at pilibusterong si Don Rafael Ibarra na kilala bilang pinakamayaman sa bayan ng San Diego.
Ang sungka ay isang larong Pilipinong ginagamitan ng bato, buto ng sampalok, o sigay na inilalagay sa mga butas na inuka sa makapal na putol na kahoy na hugis-banka na may isang metro ang haba.
Ang dahon ng sambong ay ang tanging alaala ni Ibarra kay Maria Clara noong siya'y nasa Europa.
Ang pamagat ng Kabanata 1 ay "Isang Handaan" at ang Kabanata 3 naman ay "Ang Hapunan."
Ang kabisera ay isa pang katawagan sa magkabilang dulo ng mahabang lamesa sa hapag-kainan.
Ang Asunto ay isa pang katawagan sa kaso o paratang.