LESSON 8

Cards (30)

  • Pagtatalumpati
    Uri ng sining
  • Talumpati
    Hindi magiging ganap na talumpati kundi mabibigkasa sa harap ng madla
  • Uri ng Talumpati Batay sa Kung Paano Ito Binibigkas sa Harap ng mga Tagapakinig

    • Biglaang Talumpati (Impromptu)
    • Maluwag na Talumpati (Extemporaneous)
    • Manuskrito (Manuscript)
    • Isinaulong Talumpati (Memorized)
  • Biglaang Talumpati (Impromptu)

    Talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig.
  • Maluwag na Talumpati (Extemporaneous)

    Sa talumpating ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Kaya madalas na outline Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusap.
  • Manuskrito (Manuscript)

    Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon,seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Kailangan ng matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. Karaniwan din ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng taga-pagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng manuskriptong ginawa.
  • Isinaulong Talumpati (Memorized)

    Ito ay kagaya din ng manuskripto sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng tagapakinig. May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskripto kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskriptong ginawa.
  • Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
    • Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
    • Talumpating Panlibang
    • Talumpating Pampasigla
    • Talumpating Panghikayat
    • Talumpati ng Pagbibigay-Galang
    • Talumpati ng Papuri
  • Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran

    May layunin na ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa isang paksa,isyu o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan sa paglalahad ng datos. Makatutulong din ang paggamit ng mga tsart, larawan, dayagram at iba pa sa pagsasagawa ng ganitong uri ng talumpati.
  • Talumpating Panlibang
    Layunin nito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay.
  • Talumpating Pampasigla
    Layunin nito na magbigay ng mga inspirasyon sa mga nakikinig. Tiyakin na ang nilalaman nito ay makapukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao.
  • Talumpating Panghikayat
    Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
  • Talumpati ng Pagbibigay-Galang
    May layunin na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
  • Talumpati ng Papuri
    May layunin ito na magbigay ng pagkilala sa isang tao o samahan.
  • Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati
    • Uri ng mga Tagapakinig
    • Tema o Paksang Tatalakayin
  • Uri ng mga Tagapakinig
    Edad, bilang, kasarian, edukasyon o antas sa lipunan, mga saloobin at dati nang alam
  • Tema o Paksang Tatalakayin
    Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon.
  • Mga Hakbang na Maaaring Isagawa sa Pagsulat ng Talumpati
    • Pananaliksik ng Datos at mga Kaugnay na Babasahin
    • Pagbuo ng Tesis
    • Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
  • Pananaliksik ng Datos at mga Kaugnay na Babasahin
    Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang laman at mga impormasyon.
  • Pagbuo ng Tesis
    Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig.
  • Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto

    Ito ang magiging batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati.
  • Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
    • Kronolohikal na Hulwaran
    • Topikal na Hulwaran
    • Hulwarang Problema-Solusyon
  • Kronolohikal na Hulwaran
    Ang mga detalye ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasuno-sunod ng mga pangyayari o panahon.
  • Topikal na Hulwaran
    Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito.
  • Hulwarang Problema-Solusyon
    Nahahati sa dalawang bahagi ang talumpati gamit ang hulwarang ito. Ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa.
  • Mga Bahagi ng Talumpati
    • Introduksiyon
    • Diskusyon o Katawa
    • Katapusan o Kongklusyon
  • Introduksiyon
    Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati.
  • Diskusyon o Katawa
    Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.
  • Katapusan o Kongklusyon

    Dito nakasaad ang pinakakongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
  • Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.