DALUMAT PAGSASALIN

Cards (38)

  • Isang napakahalagang pambansang tungkulin ngayon sa larangan pangkulutura't pang-edukasyon ang pagsasalin
    Almario
  • Sa kaso ng Pilipinas, pumapasok sa ating bansa ang iba-ibang uri ng karunungan sa iba-ibang larangan sa pamamgitan ng wikang Ingles

    Sining ng Pagsasaling-wika ni Santiago (2003)
  • Mula sa Latin na "bearing across"at madalas ding tawagin bilang paglilipat
    Translation o pagsasalin
  • Ayon sa kanya, maliban sa kahulugan, idinadagdag din ang estilo na inililipat sa orihinal tungo sa salin.
    Nida
  • Ayon sa kanya, sa pagtatangkang palitan ang wika ng nakasulat na mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika, kung gayon, naililipat ang mensahe.
    Newmark
  • Aniya, ang pagsasalin ay pagpapalit ng isang mensahe mula sa pinagmulang wika o orihinal na wika tungo sa tunguhin o target na wika.
    Catford
  • Prinsipyong dapat isaisip ng sinumang tagasalin 

    * Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong gumagamit nito
    * Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan
    * Ang salin ay kailangang matanggap ng bagong mambabasa
    * Kailangang bigyang halaga ang nagbabagong anyo ng Wikang Filipino
    * Isaisip ang pagtitipid ng mga salita
    * Ang mga salita ay may tiyak na kahulugan lamang kung ito ay nakapaloob sa pahayag
    * Ang mga daglat, akronim, at pormulang unibersal ay hindi na isinasalin.
  • Mahalagang maging malinaw sa tagasalin kung ano ang layunin ng orihinal na teksto upang matiyak na ang naturang layunin ay kayang maililipat din sa salin.
    Layunin
  • Maging malinaw dapat kung para kanino ang isasalin
    Mambabasa
  • Kung ano ang anyo ng tula ay nararapat lamang na ito pa rin anyo ng salin
    Anyo
  • Mahalagang kilalaning mabuti ng isang nagtatangkang magsalin ang akdang kanyang nais isalin
    Paksa
  • Hindi matutumbasan ng isang mahusay na salin ang isang mahusay na orihinal. Kaya kung hindi kailangang magsalin, huwag magsalin.
    Pangangailangan
  • Unang pangkat o kiling sa orihinal na wika
    Sansalita bawat salita
    Literal
    Matapat
    Semantiko
  • Ikalawang pangkat o kiling sa target na wika
    Adaptasyon
    Malaya
    Idyomatiko
    Komunikatibo
  • Tinatawag ding word-by-word translation
    Sansalita-bawat-salita
  • Isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na wika tungo sa target na wika sa pinakamalapit na natural na katumbas na nagbibigay-halaga sa gramatikal na aspekto ng target na wika. Mahaba ang salin at nababalewala ang konteksto.
    Literal
  • Isinasantabi ang orihinal. Maituturing na malayo sa orihinal. Karaniwang nagaganap sa tula dahil lumilihis ito sa orihinal.
    Adaptasyon
  • Inilalagay sa kamay ng tagasalin ang pasya kung paano isasalin ang mga bahagi ng isang tekstong maituturing na may kahirapan. Hindi isinsasaisip kung ito ay tapat sa orihinal.
    Malaya
  • Ginagamit ng tagasalin ang kanyang kakayahan upang mapanatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika. Pinakamahusay na paraan ng pagsasalin.
    Matapat
  • Ang kakayahan ng tagasalin na unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at hanapin ang katumbas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
    Idyomatiko
  • Nanginginabaw ang pagiging katanggap-tanggap ng salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang salin
    Saling semantiko
  • Naililipat sa paraang madaling tanggapin ng bagong mambabasa dahil ang ginagamit niyang wika ay yaong karaniwan at payak.
    Komunikatibong salin
  • Mga katangian ng tagasalin ayon kay Nida at Savory
    Sapat na kaalaman sa dalawang wikang isasalin
    Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
    Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang sangkot sa pagsasalin
  • Mga tungkulin ng tagasalin ayon kay Larson
    * Pagbasa at pag-unawa sa teksto
    * Paghahanap ng tunay na anyo upang muling maipahayag ang mensahe ng akda
    * Muling pagpapahayag ng mensahe sa bagong wika
  • Ginamit upang tukuyin ang kaalaman sa sariling wika
    Kasanayang pangwika
  • Kaalaman, kompitens o abilidad sa paggamit ng wika
    Kahusayang pangwika
  • Kaalamang esensyal upang makamit ang interlinggwal at interkultural na komunikasyon sa pagsasalin. Kaalaman sa mundo at tungkol sa paksang kailangan.
    Translational knowledge structure
  • Kinapapalooban ng siko-pisyohikal na mekanismo at mga espesyal na kasanayan sa estratehiyang tangi sa mga gawaing pampagsasalin
    Translational strategic competence
  • Pangunahing problema sa pagsasalin

    Problema sa mga idyoma
    Problema sa mga panghihiram
    Problema sa balangkas/kayarian ng mga pangungusap
  • Paraang segmentasyon ayon kay Santiago

    * Paghahati ng mga pangungusap sa mga segment
    * Pagsasalin ng bawat segment
    * Pagsasaayos ng mga maling segment
    * Pagsasama-sama ng mga nabuong pangungusap
  • Walang tiyak na katumbas ang kaisipan mula sa orihinal na wika, mainam na lumikha ng larawan ng orihinal na tagasalin sa pamamagitan ng parirala o pangungusap
    Larawang Parirala
  • Sa paghahanap ng katumbas, maaaring ang kaisipang panlahat sa orihinal na wika ang maging kaisipang tiyak sa target na wika.
    Tumbasang panlahat-tiyak
  • Walang dalawang wika ang magkatulad na magkatulad dahil walang kultura ang magkatulad na magkatulad
    Salitang wala sa kultura
  • Tuwirng hinihiram ang salita ng walang pagbabago. Madalas na nagaganap dahil sa pagiging magkaiba ng kultura ng dalawang wikang sangkot sa gawaing pagsasalin.
    Panghihiram na kultural
  • Panghihiram na bunsod ng pagiging makapangyarihan ng orihinal na wika sa target na wika.
    Panghihiram na politikal
  • "Mas mabuting magkaroon na ng ebalwasyon sa simula pa lamang ng pagsasalin"
    Larson
  • Maaaring kahinaan ng salin
    * Kung ang diwa ng salin ay tulad ng sa orihinal
    * Kung may malabong diwa sa salin
    * Kung may salitang malalim
    * Kung may masalimuot na mga balangkas ng pangungusap
    * Kung may salitang sinauna
    * Kung natural ang salin at hindi halatang salin
    * Kung gumamit ng mga artipisyal na salitang hindi naman ginagamit, hindi nauunawaan ng madla at kakatwa
    * Kung hindi konsistent ang ipinanunumbas na salita sa mga partikular na salita
  • Paraan sa pagsubok ng salin

    * Readability test
    * Back translation
    * Comprehension test