Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero (Heswita. Dominiko, Agustino, at Rekoleto) so lupa ng mga katutubo. Hindi nagdalawang-isip ang libo-libong mga Plipino na humawak ng sandata upang ipakita ang kanilang marubdob na pagtutol dito. Nangyari ang mga ganitong uri ng pag-aalsa sa Slang. Cavite noong Abril 1745 at mabilis na kumalat sa mga bayan ng Taguig, Parañaque. Hagonoy Bacoor, San Mateo, at Bulacan. Pinamunuan ito nina Jose dela Vego. Francisco Santos de Medina, Ignacio Marcelo. Julo Lopez de Montoya, Andres Pulido, at Francisco Gonzales. Ang Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong ur rig pag-aalsa (agraryo) sapagkat sa mga lalawigang ito lamang matatagpuan ang hacienda ng mga prayle