Participant Observation o Nakikiugaling Pagmamasid
Pag-oobserba o Pagmamasid
Kwentong Buhay
Obserbasyon na pagkukunwari
Obserbasyon na may halong pagkukunwari
Naturalistikong Obserbasyon
Pagkakategorya o Kategorisasyon
Pagtataya o Ebalwasyon
Paglalarawan o Deskripsyon
Pagpapaliwanag
Pagtatakda ng Kontrol
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon
Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon
Paghahambing o Pagkukumpara
Panayam o Interbyu - Isang pormal na pagpupulong kung saan ang isa o higit pang mga tao ay nagtanong, kumonsulta, o suriin ang ibang tao.
Participant Observation o Nakikiugaling Pagmamasid - Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng tagamasid o observer, kundi isang aktibong kalahok o participant
Pag-oobserba o Pagmamasid - Maaari itong gamitin upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng kultura at pamumuhay ng mga lumad, o kaya’y ang kalagayan ng mga working student na binubuno ang pag-aaral habang nagtatrabaho
Obserbasyon na pagkukunwari - Sa ganitong uri ng obserbasyon, ang indibidwal na paksa ng pag aaral ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng pag-aaral habang nagtatrabaho.
Obserbasyon na may halong pagkukunwari - Sa ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang paksa (subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral.
Naturalistikong Obserbasyon - Kung nais malaman ng mananaliksik kung paanong kumikilos ang paksa (subject) ng kaniyang pag-aaral sa isang sitwasyon, nararapat lamang na gumamit ito ng obserbasyon na walang interbensyon, na kilala sa tawag na __________________
Pagkakategorya o Kategorisasyon - Tumutukoy ito sa pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari, konsepto, at iba pa.
Pagtataya o Ebalwasyon - Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari, at iba pa
Paglalarawan o Deskripsyon - Tumutukoy ito sa pagtitipon ng mga datos na nakabatay sa mga obserbasyon
Pagpapaliwanag - Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto ng iba’t ibang aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa.
Pagtatakda ng Kontrol - Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ag isa o higit pang bagay (gaya ng teknolohiya) ay maisailalim sa kontrol ng mga tao/mananaliksik tungo sa mas epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito.
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon - Tumutukoy sa pagiimbestiga para makita kung nakaiimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa pa, at kung nakaiimpluwensya nga ay sa anong paraan o paano?
Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon - Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang bagay, penomenonn at iba pa batay sa matibay na korelasyon ng mga penomenong sinuri/pinaghambing.
Paghahambing o Pagkukumpara - Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na pagunawa sa isang penomenon
Kwentong Buhay - Karaniwang binibigyang-diin ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik.
Gawaing Pananaliksik
ay isinilang ng magsimulang magtanong ang mga sinaunang tao hinggil sa mga bagay na pilit din nilang hinahanapan ng kaalaman. Nangangailangan iiyo ng ibayong pagbabasa at malalim ba pag unawa sa mga konsepto at pag aaral . Hinuhubog nito ang kaalaman ng isang mananaliksik tungo sa isang mahusay na paglalapat ng interpretasyon
Pananaliksik
Sistematiko, matalino at etikal na pagkalap ng impormasyon upang masagot ang isang tanong o malutas ang isang suliranin
Pananaliksik ay Sistematiko
Dahil hinihingi nito ang pagsunod sa isang panadong proseso. May mga hakbang ng kailangang sundin upang matiyak na tama at maasahan ang mga resultang makakalap at naayon sa pondo at oras ang gawain lalo pa at nalilimitahan ang usapan
Pananaliksik ay Matalino
ito ay dahil hinihingi niyo ang pagiging iskolar ng mananalik. Naiintindihan niya dapat ang paksang sinasaliksik niya; alam niya kung paano pipiliin ang mga impormasyong pakikinabangan niya at hindi; kaya niyang lapatan ang mga ito ng malalaim na pag susuri at kaya niyang ipaliwanag sa mundo ang kabuluhan ng kaniyang pananaliksik
Pananaliksik ay Etikal
Ito ay dahil kailangang panatilihin ng mananliksik ang katapanan sa buong prososo at iwasan hangga't maari ang paglabag sa karapatan ng ibang taong maaaring masangkot sa mga pananalisik, gaya ng mga kukunin niyang respondent o ang mga awtor ng mga sangguiniang gagamitnin niya.
Galileo Galilie (1500)
kung kanino nagsimula ang gawaing pananaliksik
Sistematik
may sinusunod na proseso o magkakasunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin o ano mang nilalayon sa pananaliskik
Kontrolado
lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Hindi dapat baghuhin, ano mang pagbabagong nagaganap sa asignatura na pinag aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangang sa mga eksperimental na pananaliksik
Empirikal
kailangang amging katanggap tangagp ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap
Mapanuri
ang mga datos na nakalap ay kailganng suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasanh gumagamit ang mga mananaliskk ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang estadistika sa pagsusuri ng datos uapng masabing analitikal ang mga panaliksik
Lohikal, Obhetibo at walang pagkiling
lahat ng tuklas o findings at mga konklusyon ay nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginagawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang ang sariling pagkiling
Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo
ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuro sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan
Isang Orihinal na Akda
ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas, o lathala ng ibang mananaliskik. Idinagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first hand
Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawaw nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Lahat ng kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya
Matiyaga at Hindi Minamadali
Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa ng walang pag iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matibay na kongklusyon at paglalahat.
Pinagsisikapan
Kailangang itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay
Nangangailangang ng Tapang
kailangan ang tapang ng mananaliksik sapagkat maaring makaranas ng mga hazards at discomforts gayundin ng di pagsang ayon ng publiko at lipunan at di pagkakaunawaan sa pagitan ng kasamang mananaliksik habang nananaliskik
Maiingat na Pagtatala at Pag-uulat
Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maiingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay makaaapekto sa tuklas ng pananaliksik. Kailangan ding maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng isang papel pampananaliskik para sa angkop na dokumentasyon at kadalasan ay sa pasalitang paraan o oral defense
Mapagkakatiwalaan
Ulitin man ang pananaliksik gamit ang parehong pamamaraan, nararapat ay mgaing magkatulad ang resulta na siyang pinupunto ng pagiging mapagkakatiwalaan. Ang pabagu-bagong resulta ay tanda ng hindi lubusang mapagkakatiwalaan ang resulta ng pananaliksik at mainam na makabuo ng ibang pamamaran ng pagsasagawa ng pananaliksik.
Validity
pagiging tama o mali ng resulta ng pananaliksik at tumitiyak kung maaari bang kapaki pakinabang ang pananaliksik. Maaaring mabisa nga ang instrumento ng pananaliksik ngunit sa uri ng pananaliksik ay hindi ito angkop. Itinuturing ng nakararami na magkaugnay ang validity at ang pagiging mapagkakatiwalaan ng pananaliksik ngunit higit na mahalaga ang validity dahil kung hindi valid ang isinasagawa sa pananaliksik, mawawala ng saysay ang gawaing pananaliksik
Kawastuhan
tumutukoy sa kangkupan ng mga kagamitan ng pananaliksik sa isinasagawang pananaliksik. Dapat ay maaring pag-ugnay ugnayin ang lahat ng kasangkapan ng pananaliskik upang matiyak na wasto ang pananaliksik.
Kredibilidad
Kailangang maingat na piliin ang mga hanguan ng impormasyon. Tiyaking ang mga pinagkunan ay mapagkakatiwalaan at kung may nakapanayam man, kailangang matiyak na siya ay taong kinikilala sa larangang pinag-uusapan.
Generalizability
Mahalagang tiyakin na ang resulta ng pananaliksik ay maaaring maikapit sa mas malalaking populasyon kung kaya't sa pagpili ng sample size, kailangang tiyakin na ito ay maaaring kumatawan sa mas malaking bilang