fil 200

Cards (46)

  • Tekstong nanghihikayat o persuwaysib
    Ang panghihikayat sa payak na kahulugan ay tumutukoy sa paglalarawan ng tunay o karaniwang pangtanggap sa isang pananaw na narinig at nabasa
  • Tekstong nanghihikayat o persuwaysib

    • Pang iimpluwensya sa kaisipan, saloobin, damdamin, paniniwala, motibasyon, naisin at pag-uugali ng isang tao
    • Karaniwang pagbebenta ng mga impormasyon na maaarig bilhin o kaya naman ay hindi pansinin ng mga mambabasa
    • Ginagamit ng isang may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kaniyang isinulat
    • Naglalahad ng mga pahayag na nakakaakit at nakahihikayat sa damdamin at isipan ng mga mambabasa sapagkat may sapat na ebidensya o katibayan sa paglalahad ng paksa
  • Pagsulat ng tekstong persuwaysib
    1. Mabago ang takbo ng isip ng mambabasa
    2. Makumbinsi na ang punto ng manunulat at hindi sa iba ang siyang tama
  • Tekstong persuwaysib
    • May subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling sa isang isyu
    • Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
  • Layunin ng may-akda na maglahad ng isang paksa na kayang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay na datos upang tanggapin, makumbinsi at mapaniwala ang mga mambabasa
  • . ETHOS  - ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali, at ideolohiya sa kaniyang paksang isinulat ay impluwensiya ng kaniyang karakter.
  • LOGOS – pagiging rasyonal ng isang manunulat ang paraan na ito. Nangangailangan ito ng tiyak at rasyonal na katibayan upang makahikayat
  • . PATHOS – ang emosyonal o damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may-akda upang mahikayat ang mga mambabasa.
     
  • Bottom up – tinatawag din itong “outside –in “ o “data driven,” nagmumula sa teksto ang pagpapakahulugan patungo sa pagkatuto ng mambabasa sa pamamagitan ng yugto – yugtong pagkilala sa mga letra sa salita , sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto bago pa man pagpapakahulugan
  •    Top down – tinatawag din itong “inside-out” o “conceptually driven,” nagsisimula sa mambabasa ang paag-unawa patungo sa teksto.
  •    Interactive – sinusukat bakit ang kakayahan ng pag-unawa ng mambabasa sa pamamagitan ng makapukaw –isip ng mga tanong (comprehension questions).
    1. Schema/iskemawalang kahulugang taglay sa sarili ang teksto. Nagbibigay lamang ito ng direksiyon sa mga mambabasa kung paano gagamitin at nabibigyang-kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman.
     
  • MABILIS NA PAGBASA (SCANNING)

    Malimit itong gamitin sa mabilis na pagtingin at pagbabasa sa kabuuang nilalaman ng aklat
  • PAARAL NA PAGBASA
    Ginagawa ito sa pagkuha ng mahahalagang detalye o pagsasama-sama ng maliliit na kaisipan upang magkaroon ng mahusay at wastong pagkaunawa sa pangunahing kaisipan isang teksto
  • CASUAL READING
    Pansamantalang pagbasa ito sapagkat pampalipas-oras ang layunin ng ganitong teknik kung kaya't magaan lamang gawin
  • PAGSUSURING PAGBABASA (Comprehensive Reading)

    Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa ang bawat kaisipan. Epektibo ito para sa akademikong pagbabasa dahil sinusuri, binibigyang-opinyon, tinataya, binubuod, binabalangkas, sinusukat, at hinihintay ang mga detalye ng teksto. Kalimitang itong ginagawa upang masukat ang kakayahan ng mag-aaral akita-unawa sa mga teorya, simulain, o prinsipyong nabasa
  • PAMUMUNANG PAGBASA (Critical Reading)

    Binibigyang-puna sa ganitong akita ng pagbabasa ang loob at labas ng tekstong binasa mula sa mga akita nito tulad ng pamagat, simula, katawan, wakas ng akda, estilo ng may-akda, at ang wastong paggamit ng balarila at ng bantas. Tinitingnan sa teknik na ito ang kawastuhan at katotohanan ng tekstong binabasa na magagamit nang personal upang maiangkop sa mga pag-uugali at maisasabuhay nang may pananagutan
  • PAMULING-BASA
    Hindi nahihinto ang mga aral na dulot nito habang paulit-ulit na binabasa
  • BASANG-TALA
    Teknik ito ng pagbabasa kasabay ng pagsusulat. Itinatala ang mga nasusumpungang kaisipan o ideya upang madaling akita kung sakaling kailanganin muli ang impormasyong itinala
  • Two-Way Process

    Komunikasyon ito ng mga mambabasa at may-akda
  • Visual Process
    Nangangahulugan ito na ang malinaw na paningin ay malinaw na pagbasa
  • Active Process
    Prosesong pangkaisipan na kumikilos ayon sa siglang ibinibigay ng katawan, emosyon, at kakayahan na kailangan sa masiglang pagbabasa
  • Linguistic System
    Nakatutulong ang pagbasa ng sistemang panglingguwistika para maging magaan at mabisa ang paggamit ng mga nakalimbag na kaisipan ng may-akda
  • Prior Knowledge
    Ang mga nakaraang kaalaman ay salalayan din ng mabisang pagbasa. Nakasalig din ito sa kakayahan, kahusayan, at kasanayan sa aspekto ng mga salik na pampisikal, pangkaisipan, pangkapaligiran, panlipunan, at kaalamang pangwika
  • Palagian na tayong may reaksiyon sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating paligid, sa mga napapanood natin sa iba't ibang uri ng media, maging sa mga taong nakasasalamuha natin
  • Mga paraan ng pagsulat ng reaksiyon
    • Direktang Sipi
    • Paraphrasing
    • Pagbubuod
  • Direktang Sipi
    Isinusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa sanggunian. Ginagamit ito upang supportahan ang katuwiran, pabulaanan ang panig ng may-akda, at paghambingin ang iba't ibang pananaw.
  • Paraphrasing
    Ginagamit kung sasabihin muli ang nakuhang ideya o kaisipan mula sa sanggunian ngunit gagamitin ang sariling salita.
  • Pagbubuod
    Isinasagawa upang mailarawan ang pangkalahatang kaalaman mula sa napakaraming sanggunian at matiyak ang mga pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto.
  • PANIMULA
    • Isinasagawa rito ang pagpapakilala sa paksa
    • Intruduksyon ito at pumupukaw sa interes ng mga mambabasa
    • Marapat na pagbutihin ang pagsulat nito upang mahingkayat ang mga mambabasa hangang wakas
    • Karaniwan nang nagsisismula ito sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa
    • Inilalahad din dito ang authorial stance o ang pananaw ng may akda
  • KATAWAN
    Isinasaad dito ang nilalaman ng teksto kung saan pinagsama-sama ang mga kaisipang magkakasing uri at isinasaayos ang mga kaisipang magkakasing uri at isinasaayos ang mga kaisipan na isang makatuwirang pagkakasunod-sunod
  • WAKAS
    • Ito ang pinakabuod o kungklusyon ng teksto
    • Depende ang haba nito sa haba ng buong teksto
    • Maitututring na kongklusyon ang wakas kung napaghain ka ng katibayan at pangangatwiran sa iyong
  • Batay sa Pakay o Layon
    • Batayang pananaliksik (basic research)
    • Praktikal na pananaliksik (applied research)
  • Batayang pananaliksik (basic research)

    Umiinog ito sa pagiging mausisa ng pananaliksik. Maaaring ito ay tungkol sa isang konsepto o kaisipan, isang phenomenon di mauunawaan o isang suliraning nararanasan sa lipunan, sa sarili, o sa kapaligiran.
  • Praktikal na pananaliksik (applied research)

    Umiinog ito sa layuning mabigyang kalutasan ang isang praktikal na problema sa lipunan. Malaki ang maitutulong nito sa sangkatauhan.
  • Batay sa Proseso
    • Palarawang pananaliksik (descriptive research)
    • Pagalugad na pananaliksik (exploratory research)
    • Pagpapaliwanag na pananaliksik (explanatory research)
    • Eksperimental na pananaliksik (experimental research)
    • Pahusga ng pananaliksik (evaluation research)
  • Palarawang pananaliksik (descriptive research)

    Naglalarawan ito ng pangyayari, diskurso, o phenomenon ayon sa pananaw at karanasan ng kalahok sa pananaliksik.
  • Pagalugad na pananaliksik (exploratory research)
    Ito ay pag-uusisa, paggagalugad, at pagtuklas sa isang phenomenon o ideya.
  • Pagpapaliwanag na pananaliksik (explanatory research)

    Nagpapaliwanag o nagsusuri sa pinag-aaralan.
  • Eksperimental na pananaliksik (experimental research)

    Nagpapaliwanag ito sa kinahinatnan, sanhi, at bunga batay sa salik o baryabol na ginagamit na disenyo ng pananaliksik.