Nagmumuni sa karanasan ng manunulat nito. Inilalahad ng replektibong sanaysay ang karanasan ng nagsusulat, kasama ang mga katotohanan ng kaniyang karanasan na sumasagot sa sino, ano, saan, kailan at paano. Ang damdamin o emosyon ng manunulat ng sanaysay ang pinakamahalagang mabasa at kung paano ito nabibigyan ng maayos na pag-iisip, pagmumuni, at kung paano natugunan ang karanasang ito.