AP 4TH Quarter Reviewer

Cards (36)

    1. Pagkamamamayan (citizenship) - ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas.
  • 2. Nasyonalidad (nationality) - tumutukoy sa kinabibilangang lahi ng tao.
  • Ang konsepto ng citizenship o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
  • Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
  • Ang mga halimbawa ng mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating bansa ay upang mag-aral, mamasyal, makipagkalakal, at foreign dignitaries.
  • Saligang Batas - ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mga mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
  • Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 1 - maituturing na mamamayang pilipino ang mga sumusunod: mamamayan ng Pilipinas ng pinagtibay ang saligang batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987, mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga naging inang pilipino na pinili ang pagkamamayang pilipino pagsapit ng 21 taong gulang (may asawang dayuhan), mga dayuhang nagpasyang maging mamamayang pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon, yaong mga naging mamamayan ayon sa batas, at ang ama o ina ay pilipino.
  • Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 2 - ang isang mamamayan ng Pilipinas nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamayan ng kanyang asawa.
  • Republic Act 9225 - Gloria Macapagal Arroyo, Setyembre 17, 2003. Ang dating mamamayang pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang pilipino (dual citizenship).
  • Likas - nakukuha ang pagkamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan o sa pagkamamayan ng magulang.
  • Jus Sanguinis - ang pagkamamayan ay ayon sa dugo o pagkamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
  • Jus Solis - ang pagkamamayan ay naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan ano man ang pagkamamayan ng kanyang mga magulang.
  • Di-likas - dumadaan sa proseso ng batas bago makuha ang pagkamamayan.
  • Commonwealth Act #475 - Ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
  • Naturalisasyon - isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.
  • Aktibong Pagkamamamayan - mamamayang aktibong nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain na naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya.
  • Karapatan - kakayahan ng isang indibidwal sa isang bansa na gumawa ng bagay na may kalayaan at may dignidad, at bawat isa ay nararapat na nagtataglay nito at dapat igalang.
  • "Cyrus Cylinder" (539 B.C.E) - sinakop ni haring cyrus ng persia at kanyang mga tauhan ang lungsod ng babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na "Cyrus Cylinder." Tinagurian ito bilang "world's first charter of human rights."
  • 1215 Magna Carta - noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England , sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga enEngland. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman ng walang pagpapasya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
  • Petition of Rights (1628) - naglalaman ng mga karapatan tulad ng hindi pagpataw ng buwis ng walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong ng walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.
  • Bill of Rights 1791 - inaprubahan ng United States Congress ang Saligang Batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito nakapaloob ang Bill of Rights na pinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-proteksyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
  • Declaration of the Rights of the Man and of the Citizen (1789) - nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
  • The First Geneva Convention (1864) - layuning isaalang-alang ang pag-aalaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo ng walang anumang diskriminasyon.
  • Universal Declaration of Human Rights (1948) - noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong pangulong Franklin Roosevelt.
  • Natural Rights - taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado.
  • Constitutional Rights - karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado.
  • Karapatang Politikal - kapangyarihan ng mamamayan na makilahok tuwiran man o hindi sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
  • Karapatang Sibil - karapatan natitiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais ng hindi lumalabag sa batas.
  • Karapatang Sosyo-Ekonomik - mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang ekonomikong kalagayan ng mga indibidwal.
  • Karapatan ng akusado - mga karapatan na magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.
  • Statutory - karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
  • Karapatang bumoto, karapatan sa malayang pamamahayag, karapatan sa pagkamamayan, karapatan sa serbisyong publiko, karapatan sa pantay ng pangangalaga ng batas, karapatang sumali sa samahan o union at karapatang lumahok sa kumpanya ay mga halimbawa ng mga Karapatang Pampulitika.
  • Karapatang maging malaya, karapatang bumuo ng pamilya, karapatang pumili ng lugar na paninirahan, karapatang mag-asawa, karapatang magkaroon ng pangalan, karapatang pumasok sa kontrata, karapatang magpakasal ay mga halimbawa ng Karapatang Sibil.
  • Karapatan sa edukasyon, karapatang paunlarin ng sarili, karapatang lumahok sa mga gawaing produktibo o pakipakinabang, karapatang pumili ng hanapbuhay at trabaho, karapatang mag-ibang bansa, karapatan sa malinis na inumin at masustansyang pagkain, karapatan sa disenteng pamumuhay, karapatan sa ari-arian, karapatang tumanggap ng sweldo ay mga halimbawa ng Karapatang Sosyo-Ekonomik.
  • Karapatang mabatid ang kaso at paratang na inihain, karapatan ng sapat na tulong pambatas, karapatan sa makataong pagpaparusa, karapatan sa maayos na paglilitis ng batas, karapatan laban sa pwersang pagtestigo ay mga halimbawa ng Karapatan ng nasasakdal.