Tatlong siglo pagkaraan ng Gitnang Panahon, ang lipunan, politika, at kaisipan sa Europe ay nagkaroon ng maraming pagbabago.
Pagsapit ng 1400, lumaki ang pangangailangan sa mga prodüktong Asyano tulad ng bawang, cinnamon, at paminta. Ito ay mga rekadong nakatulong upang hindi madaling mapanis ang mga pagkain.
Ang pagnanais na makibahagi sa mayamang kalakan ng rekado sa Silangan ang nagbunsod sa mga Europeo na galugarin ang mga karagatan at hanapin ang pinagmulan ng mga rekado.
Ang panahon mula 1450 hanggang 1750 ay tinawag na Panahon ng Eksplorasyon.
Pinangunahan ng mga nabigador na Portuges at Espanyol ang paggagalugad sa mga karagatan. Dahil dito ay nakatuklas sila ng mga bagong ruta at lupain.
Ang eksplorasyon ding ito ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng mga imperyong pangkalakalan sa Asia at America na nagpabago sa pamumuhay ng mga Europeo.
Ang kolonisason ay ang pagtatatag ng permanenteng teritoryo (kolonya) sa mga dayuhang lupain na may taglay na likas na yaman.
Matapos ang 1400 CE, napawi na ang paninirang dinulot ng pananalasa ng black death sa Europe. Naging tahimik ang pamumuhay ng mga tao at nagkaroon muling masaganang pagkain at mga alagang hayop.
Habang tumataas ang bilang ng populasyon at suplay ng pagkain, tumataas din ang bahaging buwis na napupunta sa hari.
Ang Krusada, na nakarating hanggang Silangan, ay nakaganyak ng malaking pangangailangan sa mga kalakal tulad ng bulak mula sa India at seda mula sa China
Tumaas din ang pangangailangan sa mga rekado mula sa Asia.
Ang mga bagong tuklas na teknolohiya lay nakatulong sa paggagalugad at pananakop ng mga Europe ng mga bagong lupain.
Malaking bahagi ang papel na ginampanan ng mga kartograpo o mga tagagawa ng wastong mapa sa paglalakbay.
Kontrolado ng mga Muslim at negosyanteng Italyano ang kalakalan/ sa pagitan ng Europe at Asia.
Dinadala ng mga Muslim ang mga rekado at iba pang mahahalagang produkto ng Asia sa mga daungan sà Egypt, Syria, at Turkey,
Sa bawat salin ng produkto, ang halaga nito ay tumataas, kaya naman/nais putulin ng mga Europeo ang mga ahente at dumirekta na sa mga kayamanan ng Asia.
Ang mga makapangyarihang bansa sa Atlantic, tulad ng Portugal at Spain, ay naghanap ng bagong ruta upang marating ang Asia na hindi na daraan sa Mediterranean Sea.
Ilan sa mga manlalakbay ay nag-aalab pa na labanan ang mga Muslim. Sa Panahon ng Repormasyon, maraming misyonaryo at sundalo ang ipinadala upang binyagan ang mga tao sa Kristiyanismo,
Ang diwa ng Renaissance na pagiging mausisa ay nagpaalab pa lalo sa pagnanais na malaman at marating ang mga lupain sa labas ing Europe.
Ang paghahangad na marating ang malayong bahagi ng mundo ay masasalamin sa tatlong salita: kabanalan (God), kayamanan (Gold), at kaluwalhatian (Glory).
Para sa mga mamumuhunan, may pangangailangan ang mga taong
makipagsapalaran para sa katanyagan.
Para naman sa Simbahan, ang paglaganap ng panampalataya sa Diyos ang pangunahing dahilan.
Para sa mga naghaharing uri, ang bawat paglalakbay ay maaaring mangahulugan ng bayong yaman para sa kanilang bayan o angkan.
Portugal ang unang bansang pumalaot upang magtayo ng mga kolonya sa ibayong dagat. Nais namang pakinabangan ng Portugal ang kanilang dagat.
Simula 1415, nagsagawa ng iba't ibang paglalakbay si Prince Henry The Navigator.
Ang mga barkong Portuges ay naglayag patungo sa Kipot ng Gibraltar, papasok ng Mediterranean Sea.
Nagapi ng mga Portuges ang isang lungsod na Muslim, ang Ceuta sa North Africa.
Sa sumunod na 40 taon, sunod-sunod na haring Portuges ang nagbigay. ng tulong sa mga manlalakbay na sinimulan ni PrinsipeHenry.
Ginalugad ng Portugal ang kanlurang baybayin ng Africa.
Noong 1488, ang nabigador na si Bartolomeu Dias ay lumibot sa dulo ng Africa. Dahil sa malakas na bagyo, napadpad siya sa isang pook na tinawag niyang "Cape of Storms."
Ang tagumpay ni Dias ay nagbigay-pahiwatig na talagang may daan tungo sa Silangan.
Masayang ibinalita ni Dias sa hari ng Portugal at ang "CapeofStorms" ay pinalitan ng pangalang "CapeofGoodHope."
Ang paglalakbay ni Dias ay biyaya sa Portugal. Sa sumunod na sampung taon, nakabuo ang Portugal ng mahalagang kalakalan sa Africa.
Ang pinakamahalagang tagumpay na natamo nila ay nang marating ni VascodaGama ang kanlurang baybayin ng India noong 1498.
Bagama't mahigpit ang Kontrol ng mga Muslim sa kalakalan, nagawa ni da Gama na makuha ang kalakalan ng cinnamon at paminta.
Itinuring na isang bayani si da Gama sa kaniyang pagbabalik sa Portugal noong 1499.