Etika - L2

Cards (22)

  • Etika
    Nagsimula sa Middle English na "ethic," mula sa salitang Griyegong "ethike," na galing naman sa salitang "ethiko"
  • Pinaka-unang paggamit ng salitang etika ayon sa diksyonaryong Merriam Webster (2014)
    Ika-15 ng siglo
  • Etika
    Tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-kapwa
  • Etika
    Tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
  • Pagiging etikal
    Tumutukoy sa pagiging matuwid, makatararungan, matapat, at mapaghalaga sa kapwa ng isang tao
  • Etikal na pananaliksik
    Pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutin, at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa
  • Mga gabay sa etikal na pananaliksik
    • Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik
    • Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok
    • Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakailanlan ng kalahok
    • Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
  • MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
    May tinutukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga magsisimulang mananaliksik sa anumang larangan.
  • Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
    Sa pananaliksik, tulad ng pampublikong talakayan, maraming nag-aambag sa paksang pinag-aaralan. Mahalaga ang pagkilala sa mga naunang iskolar na
    nagtulong sa pundasyon nito, nabubuo ang isang komunidad ng mga iskolar na nagkakaisa sa layunin.
     
  • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
    Sa pananaliksik, importante na hindi pilitin ang mga kalahok na sumali. Dapat
    •malinaw sa kanila ang layunin at halagang kanilang partisipasyon bago sila sumali.
    Kung eksperimental, kailangang maintindihan ng mga kalahok ang mga panganib at sumali sila ng kusa.
  • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakailanlan ng Kalahok
    Ang mga kalahok ay dapat maintindihan na ang kanilang impormasyon ay
    •gagamitin lamang para sa pananaliksik.
    Dapat ding isaalang-alang ng mananaliksik ang pagkakakilanlan ng mga kalahok at humingi ng permiso bago isapubliko ang resulta ng pananaliksik.
  • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
    Mahalaga na ipaalam sa mga kalahok ang resulta ng pag-aaral nang sistematiko
    •upang maiwasan ang pakiramdam nilang ginamit lamang sila bilang data source.
    Kung may mga rekomendasyon ang pag-aaral para sa kapakinabangan ng komunidad o institusyon, dapat itong ipaalam sa mga kinauukulan.
  • PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK
    PURDUE UNIVERSITY ONLINE LAB (2014)
    Ang plagiarism o pamamalahiyo ay tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o idea nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
  • IBA PANG ANYO NG PAMAMALAHIYO NA ITINUKOY NG: Plagiarism.org (2014)
    1.    Pag-angkin sa gawa, produkto, o ideya ng iba.
    2.    Hindi paglalagay ng maayos a panipi sa mga siniping pahayag.
    *Ito ang hindi pag gamit ng mga quotes.
    3.    Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag.
    4. Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa idea nang walang sapat na pagkilala.
    5. Pangongopya ng napakaraming idea at pananalita sa sang pinagkunan na halos bumuo na sa yong produkto, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito.
  • IBA PANG ANYO NG PAMAMALAHIYO
    1.    Pagsusumite ng papel o anumang produkto na gawa ngiba o kaya ay sabay na pagsusumite ng sang papel sa magkaibang kurso 
    2.    Redundant Publication
    3.    Self Plagiarism 
    4.    Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik.
  • Pagsusumite ng papel o anumang produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite ng sang papel sa magkaibang kurso 
    -(Council of Writing Programs Administrator, 2003)
  • Redundant Publication
    Nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikason.
  • Self Plagiarism 
    Kung saan ang bahaging isang pananaliksik ay inuulit. sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito.
    -(University of Minnesota, Center for Bioethics, (2003)
  • Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik.- Ito ang ika-apat na iba pang any ng pamamalahiyo.
  • MGA DAHILAN KUNG BAKIT MARAMI ANG MGA GUMAGAWA NG KARANIWANG PAGKAKAMALING SA PAMAMALAHIYO
    1. Kakulangan ng kaalaman.
    2. May kamalayan sa mga panuntunan ngunit sadya o nababalewala ang mga ito.
    *Ignorance.
    3. Labis na pagmamadaling makatapos sa pananaliksik o hindi pagbibigay ng sapat na panahon na nagreresulta sa kawalan ng sinop at pag-lingat ng mananaliksik.
    4.     Hindi nabibigyan ng sapat na pagtalakay ang usapin ng plagiarism.
  • SOLUSYON
    Para solusyonan ang mga problema, hindi lang ang mga moral na prinsipyo ang kailangan malaman, kundi pati rin ang mga institusyonal na polisiya, polido ang pag-aaral, at maagang pag-unawa ng napiling idea.
    Ang lahat ay tungkulin ng mananaliksik, at dapat tinanggap na serio at walang minamadali. Ang kaginhawahan at kapakipakinabang ay hindi dapat dahilan para maliwana ang gawaing ito. Ang kasinungalingan at kawalan ng katapusan ay maaaring magdulot ng kawalan ng integridad sa pananaliksik.
  • Ayon sa Free Dictionary 2014, and etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.