Cold war

Cards (48)

  • Cold War
    Digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o, superpower
  • Cold War
    • Matinding kompetensiyang naganap sa pagitan ng mga bansa pagkatapos ng 1945
    • Alitan ng mga bansa na hindi ginagamitan ng puwersa o, lakas
    • Labanan ng ideolohiya
  • Cold War
    1. Hindi harapang nagdidigmaan ang dalawang panig pero naglaban sila sa iba't-ibang anyo tulad ng proxy war, arms race, space race, at pag-eespiya
    2. Nag-unahan ang dalawang bansang ikalat ang kanilang impluwensiya sa iba't-ibang mga bansa lalo na sa mga papaunlad na bansa
  • Mga bansang kakampi ng Estados Unidos

    • Britanya
    • Canada
    • Hapon
    • Pransiya
  • Mga bansang pumanig sa Unyong Sobyet
    • Bulgaria
    • Albania
    • Czechoslovakia
    • Hungary
    • Poland
    • Romania
    • Yugoslavia
  • Iron Curtain
    Pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran
  • Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa, pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa
  • Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radyo
  • Truman Doctrine

    Inilabas ng Estados Unidos bilang tugon upang pigilan ang pagpapalawak ng teritoryo ng Unyong Sobyet
  • Marshall Plan
    Isang programang may layuning tumulong sa Kanlurang Europa
  • Pinigilan ng Unyong Sobyet na makibahagi sa tulong-pinansyal na ito ang kaniyang mga satelayt (mga estadong nasa ilalim ng kaniyang unyon at impluwensiya)
  • Council For Mutual Economic Assistance (COMECON)

    Inulunsad ito ng Unyong Sobyet noong 1949 bilang pantapat sa Marshall Plan subalit para lamang ito sa mga bansang kabilang sa kaniyang impluwensiya
  • Dahil sa pagtaas pa ng tensiyon, nangamba ang Estados Unidos sa posibleng pagsalakay ng Unyong Sobyet at iba pa nitong kaalyado sa mga bansa sa Europa
  • Mga bansa na bumubuo ng North Atlantic Treaty Organization (NATO)
    • Estados Unidos
    • Canada
    • Britanya
    • Netherlands
    • Belgium
    • Pransiya
    • Iba pang bansa sa Kanlurang Europa
  • Mga bansa na bumubuo ng Warsaw Treaty Organization o, Warsaw Pact

    • Unyong Sobyet
    • Silangang Alemanya
    • Bulgaria
    • Czechoslovakia
    • Hungary
    • Romania
    • Poland
  • Iba't-ibang anyo ng Cold War
    • Proxy War
    • Arms Race
    • Space Race
    • Espionage
  • Proxy War
    1. Hindi direktang sila ang magkatunggali ngunit lantad naman ang sinusuportahan nilang hukbo o, pangkat
    2. Ilang halimbawa nito ang Digmaang Koreano at Digmaang Vietnam
  • Digmaang Koreano
    • Nagsimula nang salakayin ng komunistang hilaga ang demokratikong timog
    • Hindi hinayaan ng United Nations (mayorya ay panig sa Estados Unidos) ang pagsalakay na ito
    • Pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur ang mga puwersa ng UN sa pag-atake sa Labanan sa Inchon
    • Napagtagumpayan ng hukbo ni MacArthur ang labanan at nakuhang muli ang kontrol ng Seoul na naokopahan na ng puwersa ng Hilagang Korea
    • Nagpatuloy ang labanan upang maitulak ang hukbo ng Hilagang Korea sa hilagang hangganan
    • Nagpadala ng hukbo ang mga komunistang Tsino upang umagapay sa Hilagang Korea
    • Noong 17 Hulyo 1953, isang kasunduan ang nilagdaan na nagtapos sa digmaan
  • Ang Digmaang Koreano ay nagtagal mula 1950 hanggang 1953
  • Ang hangganan ng dalawang Korea ay nasa tinatawag na <<38th parallel>> o, 38 degree hilagang latitud
  • Sa puntong ito itinalaga naman ni Pangulong Truman si Matthew Ridgway kapalit ni Mac Arthur bilang lider ng hukbo
  • Arms Race

    Pabilisang pagpaparami ng armas upang magamit sa pakikipagdigmaan
  • Halimbawa ng Arms Race
    • Pagpapasabog ng kauna-unahang hydrogen bomb ng Estados Unidos noong 1952
    • Pagkagawa ng Intercontinental Ballistic Missile o, ICBM ng mga inhenyerong Sobyet noong 1957
  • Cuban Missile Crisis
    • Nagbalak maglagay ang Unyong Sobyet ng mga misil nuklear sa Cuba, isang komunistang bansa na malapit sa Estados Unidos
    • Pagkatapos ng labintatlong araw na puno ng tensiyon at maraming lihim na negosasyon, sumang-ayon ang Unyong Sobyet na alisin ang mga misil
  • Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons
    • Nilagdaan ng 191 bansa upang mapigilan ang banta ng pagkalat ng armas nuklear
    • Nakasaad sa kasunduang ito na hindi maaaring ibahagi ng isang bansang mayroong mga armas nuklear ang armas nito sa ibang bansa
    • Hindi rin nila maaaring tulungan ang ibang bansa sa paggawa ng mga naturang armas
  • Cuban Missile Crisis
    Ang pangyayaring noong 1962 kung saan nagbalak maglagay ang Unyong Sobyet ng mga misil nuklear sa Cuba, isang komunistang bansa na malapit sa Estados Unidos
  • Cuban Missile Crisis

    1. Nagkaroon ng labintatlong araw na puno ng tensiyon at maraming lihim na negosasyon
    2. Sumang-ayon ang Unyong Sobyet na alisin ang mga misil
    3. Napigilan ang pinangangambahang digmaang nuklear sa panahon ng Cold War
  • Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons
    Kasunduan noong 1968 na nilagdaan ng 191 bansa upang mapigilan ang banta ng pagkalat ng armas nuklear
  • Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons
    1. Hindi maaaring ibahagi ng isang bansang mayroong mga armas nuklear ang armas nito sa ibang bansa
    2. Hindi rin nila maaaring tulungan ang ibang bansa sa paggawa ng mga naturang armas
    3. Napagkasunduan ng Estados Unidos, Unyong Sobyet, Pransiya, at Tsina na pigilan ang pagpapalawak sa teknolohiyang ito
  • Space Race
    Kompetisyon sa kalawakan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa o, superpower
  • Space Race
    1. Gumawa ng kasaysayan ang Unyong Sobyet noong 1957 nang makapagdala ito ng kauna-unahang sasakyang pangkalawakan (spacecraft) sa kalawakan na pinangalanang Sputnik I
    2. Nasundan ito ng programang Luna simula noong 1959
    3. Matagumpay na naipadala ng mga Sobyet si Yuri Gagarin sa kalawakan noong 1961
    4. Matagumpay na naipadala noong 20 Hulyo 1969 ang mga unang astronawta sa buwan
  • Espionage
    Lihim na pagkilos upang makakuha ng kumpidensyal na impormasyon o, anumang bagay nang walang pahintulot
  • Sa panahon ng Cold War, ang impormasyon ay isang mahalagang kalakal
  • Ang pangunahing ahensiya ng Estadong Unidos sa gawain nito ay ang Central Intelligence Agency (CIA), samantalang ang katapat nito sa Unyong Sobyet ay ang Committee for State Security (Komitet Gosudarstvennoy Bezopasnosti o, KGB)
  • Nagkaroon ng matinding suliraning ekonomiko ang Unyong Sobyet simula 1970 na humantong sa kakulangan sa pagkain
  • Mas pinalala pa ang sitwasyon ng paglalaan ng pamahalaan ng pera para sa pagpapagawa ng armas at pagsasanay ng hukbong militar
  • Glastnost
    Pagiging bukas ng pamahalaan sa mga diskusyong politikal at panlipunang isyu
  • Perestroika
    Pagsasaayos ng polisiyang ekonomiko, at politikal na naglalayong maglunsad ng mga reporma sa mga umiiral na panlipunan, ekonomiko, at politikal na sistema ng Unyong Sobyet
  • Ang dalawang kaisipang ito ay nagdulot ng mga pagbabago sa estruktura ng Unyong Sobyet na naging dahilan upang humina ang komunismo sa bansa
  • Dahil sa pagsisikap ni Gorbachev na mareporma ang Unyong Sobyet, ginawaran siya ng Nobel Peace Prize noong 1990