NEOKOLONYALISMO

Cards (69)

  • Neokolonyalismo

    Tumutukoy sa pananatili ng impluwensiya at kontrol ng mga mananakop sa dati nilang mga kolonya sa kabila ng pagiging malaya ng mga ito
  • Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming maliliit na bansa ang nanatiling umaasa sa tulong mula sa malalakas at mayayamang bansa upang makabangon at makapagsimula muli
  • Ito ang nagbigay-daan sa makabagong uri ng pananakop o, neokolonyalismo na nagdulot ng malaking pagbabago sa ekonomiya, lipunan, politika, at maging kultura ng maliliit na bansa
  • Ang terminong neokolonyalismo ay unang iniugnay sa mga polisiya ng ilang bansang Europeo na magpapanatili ng kontrol sa mga ito sa Aprika
  • Ginamit ang termino neokolonyalismo sa paglalarawan ng mga kaayusang pangkalakalan na inilatag ng mga bansang Europeo na itinuturing isang bagong pamamaraan ng pagkontrol sa ekonomiya ng kanilang mga dating teritoryo o, kolonya sa Aprika
    1957
  • Pinatotohanan ni Kwame Nkrumah (1957-1966), dating pangulo ng Ghana, sa kaniyang akda na Neo-Colonialism: The Last Stage of Imperialism ang pag-iral ng neokolonyalismo sa Aprika
  • Aspektong Politikal
    • Upang mapanatili ang kanilang interes, sinusuportahan ng malalakas na bansa ang pamahalaan ng mahihinang bansa
    • Sa ganitong paraan, magagawa nila itong makontrol
  • Halimbawa
    • Panama na kung tawagin ay "banana republic" dahil sa panghihimasok ng Estados Unidos sa mga patakaran ng pamahalaan tulad ng pagdikta ng mga produktong agrikultura na maaaring itanim sa bansa
    • Paninindigan ng Amerika laban sa komunismo na naging dahilan ng kawalan ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang komunista sa loob ng matagal na panahon
  • Hindi man direkta o, pisikal ang pananakop, ang kontrol ng malakas at makapangyarihang bansa ay makikita sa aspektong politikal, ekonomiko, militar, at maging kultural ng dating kolonya
  • Aspektong Ekonomiko
    • Mauugnay sa teorya ng mga pandaigdigang sistema (world systems theory) ni Immanuel Wallerstein
    • Umiiral ang isang pandaigdigang sistemang pang-ekonomiya kung saan may mga bansa na nakikinabang at mayroon ding mga bansa na napagsasamantalahan
  • Antas ng mga bansa
    • Core
    • Semiperiphery
    • Periphery
  • Ang dating binubuo ng Aprika ng malalaki at maliliit na malayang estado ay nagkaroon na lamang ng 50 estado na nasa ilalim ng kontrol ng mga dayuhang bansa
  • Ang ginawang paghahati sa Aprika ay naging dahilan ng mga alitan na may kaugnayan sa hangganan (border dispute) sa pagitan ng mga estadong Aprikano
  • Mga kondisyon na ipinataw ng mga dating mananakop
    • Pagpapatuloy ng ugnayang pangkalakalan
    • Pananatili ng mga negosyo ng dating mananakop sa bansa
    • Pagpapahintulot sa mga dayuhang kompanya na kumuha ng mga hilaw na materyales at murang manggagawa
    • Pagkakaloob sa mga dayuhan ng karapatang magmay-ari ng lupain at negosyo
    • Pagtangkilik sa mga produkto ng dating mananakop
  • Ang mabagal na pag-unlad ng mga bansa sa Asya at Aprika ay iniuugnay sa neokolonyalismo ng Amerika at mga bansang Europeo
  • Ang mga likas na yaman ng mga bansang ito ay binibili sa mababang presyo upang magamit sa paggawa ng mga produkto ng mayayamang bansa na kanila ring ibinebenta sa mga mahihirap na bansa sa mas mataas na presyo
  • Sa halip na mapakinabangan at mapaunlad ng mahihirap na bansa ang kanilang likas na yaman para sa sarili nilang industriya, nasisira at nauubos ito dahil sa pananamantala ng mga makapangyarihang bansa
  • Bansa sa antas ng Core

    May malakas at maunlad na ekonomiya, mataas na antas ng edukasyon, makabagong teknolohiya, at iba pa
  • Bansa sa antas ng Core
    • Estados Unidos
    • Pransiya
    • Italya
  • Bansa sa antas ng Periphery
    • Umaasa sa mga bansa sa antas na core para sa kinakailangang kapital o, pondo
    • Kabilang sa ekonomiyang THIRD WORLD na matatagpuan sa Asya at Aprika
  • Bansa sa antas ng Periphery
    • Pilipinas
    • Kenya
    • Nepal
  • Bansa sa antas ng Semiperiphery

    May katangian nang pinagsamang CORE at PERIPHERY na hindi pa lubos na maunlad ngunit hindi rin naman ganap na umaasa sa tulong ng mayayamang bansa
  • Bansa sa antas ng Semiperiphery
    • India
    • Mexico
  • Aspektong Militar
    • Ang pagkakaroon ng mga base militar sa isang bansa ay nagpapatunay lamang sa ugnayan na namamagitan sa mga bansang mananakop at dati nitong kolonya
    • Sinasabing ang pagkakaroon ng base militar ay makatutulong upang madepensahan ang isang mahinang bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng puwersang militar ng dalawang bansa
    • Subalit nananatiling hindi pantay ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa pagbibigay ng karapatang EXTRATERRITORIALITY sa makapangyarihang bansa kung saan hindi maaaring kasuhan, litisin, at ikulongh ang sinumang dayuhang sundalo o, opisyal na nagkasala sa teritoryo ng ibang bansa
    • Hindi rin kailangang ipaalam ng dayuhang bansa ang paglalagak o, pag-iimbak nito ng mga armas-nukleyar sa kaniyang base milotar katulad ng isinasaad ng polisya ng mga Amerikano
  • Ang Estados Unidos ay ang bansang may pinakamaraming base militar na humigit-kumulang sa 800 sa 70 bansa at mga teritoryo sa mundo
  • International Financial Institution

    Mga organisasyong pandaigdigang na itinatag at kinabibilangan ng maraming bansa
  • Regional Financial Institution
    Mga organisasyong panrehiyong itinatag at kinabibilangan ng mga bansa sa isang rehiyon
  • Bukod sa mga makapangyarihang bansa, ang neokolonyalismo ay naisasakatuparan din sa pamamagitan ng mga pandaigdigang institusyon tulad ng International Monetary Fund, World Bank, at Asian Development Bank
  • Ang mga institusyong pinansiyal na ito ay nagpapautang sa mga bansang nangangailangan gamit ang pondo ng mga mauunlad na bansa
  • Karamihan sa mga maliliit na bansa ay hindi nakapagbabayad dahil ang ginamit nilang pambayad ay iniuutang din nila, kung kaya nakararanas sila ng debt cycle
  • Ang pagkakatali ng mahihirap na bansa sa debt cycle ang isang dahilan ng pangingibabaw sa kanila ng mga bansang namumuhunan sa mga institusyong pinansiyal
  • Aspektong Kultural at Panlipunan
    • Dahil sa neokolonyalismo, nanatili ang malakas na impluwensiya ng mga kolonyalistang bansa sa wika, edukasyon, at iba pang aspekto ng kultura ng mas maliit na bansa
    • Ang paggamit ng wikang banyaga tulad ng Ingles bilang opisyal na wika ng isang bansa ay nagpapakita ng impluwensiya ng kulturang banyaga
    • Ang pangingibabaw ng kulturang Kanluranin ay napatutunayan sa pagyakap ng mga tao sa estilo ng pamumuhay ng mga dayuhan
    • Ang mga pagbabago sa pananamit, musika, sayaw, pelikula at programa sa telebisyon, at maging sa pagkain ayon sa kulturang banyaga ay bahagi ng neokolonyalismo sa kasalukuyang panahon
    • Nagingibabawa sa mga lokal na mamamayan ang kamalayang kolonyal (colonial mentality) na higit na mainam ang kalidad ng mga bagay o, produktong gawa o, mula sa bansang Kanluranin
  • Ang mga pagbabagong ito na dulot ng neokolonyalismo ang dahilan ng pagkawala ng pagkakakilanlang kultural ng isang bansa
  • Maraming bansa na dating kolonya ang nagsisikap na magtagumpay laban sa kahirapan na bunga ng neokolonyalismo
  • Pilit din nilang pinapatatag ang kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng mga impluwensiya ng mga bansang Kanluranin
  • Sa kabila ng negatibong epekto ng neokolonyalismo, ang mga eksperto na nagsasabi na nagdulot din ito ng ilang positibong epekto
  • Positibong epekto ng neokolonyalismo
    • Pagkilala sa mahuhusay na produkto ng isang maliit na bansa sa pandaigdigang pamilihan dahil sa eksportasyon
    • Pagpasok ng mahusay at makabagong teknolohiya
    • Pagpopondo at pagpapatayo ng mga makabagong institusyon at imprastraktura
    • Pagbibigay ng oportunidad sa papaunlad na bansa na makaagapay sa pandaigdigang modernisasyon at globalisasyon
  • Neokolonyalismo
    Makabagong anyo ng kolonyalismo na ginagamit ang politikal, ekonomiko, at kultural na paraan upang isakatuparan ang pananakop sa ibang bansa
  • Epekto ng Neokolonyalismo
    • Maraming bansa na dating kolonya ang nagsisikap na magtagumpay laban sa kahirapan
    • Pilit din nilang pinapatatag ang kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng mga impluwensiya ng mga bansang Kanluranin
    • Nagdulot din ito ng ilang positibong epekto
  • Positibong epekto ng Neokolonyalismo

    • Pagkilala sa mahuhusay na produkto ng isang maliit na bansa sa pandaigdigang pamilihan dahil sa eksportasyon
    • Pagpasok ng mahusay at makabagong teknolohiya
    • Pagpopondo at pagpapatayo ng mga makabagong institusyon at imprastraktura
    • Pagbibigay ng oportunidad sa papaunlad na bansa na makaagapay sa pandaigdigang modernisasyon at globalisasyon