Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ng iba
Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ng pagmamahal sa sarili at nasa labis ng pagkasilaw sa umaalipustá
Ang kamangmanga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa tali
Ang ibig magtago ng sarili, ay tumulong sa ibang magtagó ng kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapua ay pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, nguni at mahirap ballin ang isang bigkis na walis
Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí dapat magpalaki ng anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipag
Ang tao'y inianak no paris-paris hubad at walang tali. Di nilalangñg Dios upang maalipin, di binigyan ñg isip para pabulag, at di hiniyasan ñg katuiran at ñg maull ñg iba. Hindi kapalaluan ang di pagsamba sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ng isip at paggamit ng matuid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang ibig ponigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan
Liningin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios o ang pangaral ni Cristong panglunas sa hirap ng mahirap, pangaliw sa dusa ng nagdudusa.