Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
Mahigpit ang pagpapatupad ng sensura.
Ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya'y sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyanong tinatawag ding komedya o Moro-Moro.
Naitago niya ang akda sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya - ang mensahe ng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol.
Ang apat na himagsik sa akda na natukoy ni Lope K. Santos.
Ito ay ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan, hidwaang pananampalataya, mga maling kaugalian, at mababang uri ng panitikan.
Albanya – pook-tagpuan na inilalarawan ang bansang Pilipinas bilang walang tapang para sa mga Pilipino.
Puno ng Higera – sinisimbolo ang mga pinuno ng bayan na napakabangis at ubod ng sungit na noong panahon ay pamahalaan ng kastila.
Ang anumang aklat na lumalabas na walang pahintulot o tatak ay ipinalalagay na Kontabando at ang nakabasa nito ay itinuturing na Excomulgado.
Ipinapakita ang taglay na lakas ng kababaihan, sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim.