Module 4-6

Cards (41)

  • Katapatan - Maging matapat sa pag-uulat ng resulta ng mga datos o kinalabasan ng pananaliksik, metodo, pamamaraang, maging sa paglalathala, kailangang matapat ang isang mananaliksik.
  • Obhektibo - Tignan ang gawaing pananaliksik nang may pagpapahalaga sa katotohanan batay sa mga nakalap na datos. Ang pagiging obhektibo ay hindi pagtingin sa mga pansariling pananaw at emosyon. Ito ay mahalaga sapagkat ang pagiging obhektibo ng isang mananaliksik ay maaring magbunga ng kawastuhan
  • May Integridad - Ang paggawa ng pananliksik ay may kaisipang tumulong sa kapwa tao, paggalugad ng katotohanan, at pagsagot sa mga katanungan upang maintindihan ang karunungang nais malaman.
  • Pagiging Maingat - Ang pagiging masinop sa mga tala o records na gagamitin sa iyong pananaliksik, halimbawa ay ang pagtatago ng mga datos, disenyo ng pananaliksik at maging ang mga liham na ginamit para sa komunikasyon ay makakatulong sa isang mananaliksik upang maging kumpleto ang kanyang pagsasaliksik. Ang mga tala na ito ay mahalagang salik sa pagkakabuo ng pananaliksik.
  • Pagiging Bukas o Openness - Kailangan maging bukas ang mananaliksik sa pagbabahagi ng mga datos, resulta, ideya kagamitan o batis na pinagmulan ng kanyang mga nasaliksik. Dahil dito, makikita na ang mananaliksik ay hindi nagtatago ng kahit anupamang bagay. Subalit, sa pagbubukas ng mga ito, kailangan maging handa ang mananaliksik sa mga kritisismo at bagong ideya na magpapayabong ng kanyang isinaliksik
  • Paggalang sa Intelektuwal na Kakanyahan o Intellectual Property - Karapat-dapat lamang na bigyang respeto ang unang nakaisip ng ideya, disenyo, pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginamit sa papel. Ito ay magsisilbing batis na pinagmulan ng mga ideya. Kapag ito ay hindi nasunod, maaring makasuhan ang nagnakaw ng ideya
  • Kompidensiyalidad - Ito ay ang proteksyon sa mga pinagkukunan ng mga datos, batis ng mga sanggunian, mga liham na pangkomunikasyon na ginamit, mga tala o records, at mga impormasyon ng mga indibidwal na nakalap sa iba’t ibang institusyon lalong lalo na sa mga respondente. Kailangan na ang mga ito ay maprotektahan sapagkat nakaakibat dito ang mga impormasyong mahahalaga. Ito rin ay nakaakibat sa Data Privacy Act ng 2012
  • May Gampaning Sosyal - Ginagamit ang pananaliksik para isulong ang higit na kabutihan para sa lahat na magbubunga ng pagbabagong makabuluhan, at upang makatulong sa kapwa at sa buong lipunan
  • Huwag Magdiskrimina - Ang pananaliksik ay hindi ginagawa upang magbunga ng diskriminasyon sa kapwa. Kailangang ituring na magkakapantay pantay ang mga tao.
  • May Kagalingan at Pagiging Propesyonal - Isa sa mga etikang kailangan taglayin ng isang mananaliksik ay ang pagpapanatili ng pagiging propesyonal at pagpapakita ng kagalingan sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral. Dahil hindi natatapos ang gawain ng isang mananaliksik sa oras na ang kanyang gawa ay malathala na, kailangan pa din na taglayin ng isang mananaliksik ang pagiging propesyonal nito
  • Bigyang Proteksyon ang Pagkatao - Hindi lamang dapat mga datos ang pinoprotektahan ng isang mananaliksik, kailangan din niyang bigyang halaga ang pagbibigay proteksyon sa damdamin at kaisipan ng mga taong kabilang sa pananaliksik. Kasama na rin dito ay ang kalagayang panlipunan. Dapat din itong bigyan ng pansin upang maiwasang makasakit sa pagkatao ng iba.
  • Maging Mapanuri - Kinakailangang masigasig na makakuha ng impormasyon ang isang mananaliksik. Subalit, parte nito ay ang paagiging marespeto at handang magtanong kaugnay ng paksang nais saliksikin. Ito ay pagpapakita rin ng pagiging mapanuri sa isang bagay lalo’t higit ang mga paksang nais hanapin at pag-aralan.
  • Pamumunang Mapagbuo - Ang isang mananaliksik ay lagi nang may pag-aagam-agam sa kinalabasan ng kanyang pagsusuri at pagsisiyasat. Hindi dahil sa wala siyang tiwala sa kanyang ginawa, subalit ito ay pagbibigay pa ng oprtunidad para sa may malalim na mga pananaliksik.
  • Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan
  • Nahahati sa iba’t ibang paraan at kategorya ang disenyo ng pananaliksik batay na rin kung sa anong disiplina ito nakalinya. Madalas na ginagamit bilang pangkalahatang distinksyon ng disenyo ang pagiging kuwantitatibo (quantitative) o kuwalitatibo (qualitative) ng pananaliksik.
  • Kuwantitatibo - Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.
  • Kuwalitatibo - Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri na pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag- uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang reyalidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat
  • Deskriptibo. Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
  • Disenyong Action Research - Kaiba sa deskriptibong pananaliksik, inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong ebalwasyon kung nakakamit ba o hindi ang ideyal na awtput. Angkop na gamitin ang Action Research sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga programa o pamamaraan sa pagtuturo.
  • Historikal. Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalim ang pag- unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan. Mabuting gamitin ang historikal na disenyo upang maglatag ng konstekto ng isang tiyak na bagay o pangyayari. Nagagamit din ito sa pagsusuri ng kalakaran o trend analysis.
  • Pag-aaral ng Isang Kaso/Karanasan (Case Study). Ang mga pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t- ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin, maging espisipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa. Mahusay ang disenyong ito upang ipaunawa ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng detalyadong pagsusuri ng konteksto ng mga pangyayari at ugnayan ng mga ito.
  • Komparatibong Pananaliksik. Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.
  • Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies). Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa. Gayunpaman,naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan. Madalas na bahagi ng rekomendasyon ng ganitong pananaliksik ang proyekto o pagpaplano upang makasapat o makasunod sa hinihinging batayan ng sinomang kalahok sa pananaliksik.
  • Etnograpikong Pag-aaral. Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t- ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nangangailangan ito ng matapat na paguulat ng naranasan o naobserbahan ng isang mananaliksik. Nangangailangan ito ng field study na isang pamamaraan ng pagtatala ng mga datos at pangyayari sa pamamagitan ng mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig, o panlasa).
  • Disenyong Eksploratori. Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon pa ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik. Layunin nitong makapaglatag ng mga bagong ideya at palagay o kaya ay makabuo ng mga tentatibong teorya o haypotesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa paksa.
  • Ang isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga pamamaraan ng pananaliksik. Kailangan niya ring maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap ng kanyang mga datos.
    1. Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik. Ang mga kasapi ng pangkat ay maaaring may tiyak na tungkuling gampanan sa kanilang pananaliksik (hal., paggawa ng panimula, pagbibigay ng talatanungan sa sarbey, atbp.) o maaaring maging kabahagi sa paggawa ng lahat ng bahagi. Anuman ang kanyang tungkulin, mahalaga ito sa pagkompleto ng pananaliksik kaya dapat niyang isakatuparan nang buong kahusayan
  • Obhetibo - Dapat panatilihin ang resulta ng pananaliksik kahit itoy taliwas sa inaasahan. Hindi dapat makaimpluwensiya sa proseso ang pansariling mga kagustuhan ng mga mananaliksik, gaya ng pagpapahiwatig sa mga respondent na piliin ang isang partikular na sagot o pagdadagdag- bawas sa mga resulta para mapaboran ang gustong mangyari. Ang interpretasyon ay dapat ding ibatay sa mga datos o ebidensiyang nakalap at hindi sa pansariling pakiramdam lang.
  • Maingat sa anumang pagkakamali at hindi pabaya. Dapat tiyakin ang kawastuhan ng gawa, simula sa pagbaybay ng mga salitang isinulat hanggang sa katumpakan ng kaliit-liitang numero na itinatali sa resulta ng sarbey. Dapat ding maingat na kilalanin ng mananaliksik ang mga impormasyong hinango niya sa ibang sanggunian (hindi niya sariling gawa) at paulit-ulit na basahin ang bawat bahagi hanggang matiyak na iyon na ang pinakamahusay na magagawa
  • Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya. Kapag may ideyang naisip na lalong magpapataas sa kalidad ng pananaliksik kahit dagdag itong trabaho, dapat muna itong isaalang- alang bago agad humindi, gaya ng aktuwal na pagpunta sa comedy bar para mapayaman pa ang kaalaman tungkol dito kahit may ginawa nang sarbey. Dapat ding pag-isipan ang mga puna, maganda man o pangit, nakatutuwa man o nakasasakit ng damdamin, kung mapabubuti nito ang gawa.
  • May paggalang sa intelektuwal na pag-aari. Kinikilala ng mananaliksik ang awtor na pinagkunan niya ng ideya at hindi inaangkin ang kaisipan niya bilang sariling gawa. Kung sisipi man siya ng pahayag mula sa ibang tao, iniiba ng mananaliksik ang paraan ng pagkakasabi nito at hindi inilalahad ang impormasyon nang sakto sa kung paano ito isinulat (liban na lamang kung direct quotation ang gagamitin).
  • Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan. Tumutupad ang mananaliksik sa mga bagay na napagkakasunduan ng kanilang grupo, gaya ng paggawa ng bahaging naitalaga o pagdating sa tagpuan sa takdang oras. Kapag nangako rin sa mga respondentna itatago ang kanilang pagkakakilanlan o bibigyan sila ng kopya ng resulta, dapat itong tuparin dahil kung wala sila ay hindi rin magagawa ang riserts.
  • May paggalang sa mga kasamahan. Anuman ang pagkakaiba-iba nila sa talino’t kakayahan, dapat matutong tumanggap ng ideya ng iba ang isang mananaliksik at hindi laging igiit na siya lang ang tama. Kung talagang hindi makakatulong ang kaisipan o gawa ng isang kapangkat, dapat itong upuan para pag- usapan at mapabuti, hindi bastang itapon o sabihan ng masasakit na salita. Bahagi rin ng paggalang ang pagtupad sa mga dedlayn upang hindi maabala o mapako ang ibang kasamahan.
  • Responsable sa lipunan. Laging dapat isipin na ang pananaliksik ay naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng tao o madagdagan ang kaalaman. Samakatuwid, hindi ito dapat gamitin sa pagsira sa reputasyon ng ibang tao o institusyon. Sapat nang sabihin na ang Underground River sa Palawan ay kulang sa mga lifeguard na titiyak ng kaligtasan ng mga turista, ngunit ang pagsasabi na wala namang kakaiba rito para maging karapat-dapat sa New Seven Wonders of the World ay isang paninira
  • 9. Hindi nagtatangi. Lahat ng tao ay maaaring makibahagi o makinabang sa pananaliksik. Sa pagsasarbey ng sampung romantikong lugar na madalas puntahan ng magsising-irog, dapat magbigay ng talatanungan sa sinumang may kasintahan basta’t kabilang sa sabdyek ng pag-aaral (hal., nasa ikaapat na taon). Hindi maaaring lumapit lamang sa magagandang lalaki o babae, o sa isang respondent na mukhang mayaman at may kakayahang makipag-date.
  • 10. May kahusayan. Bilang nagsisimulang mga mag-aaral, hindi inaasahang pulidoagad ang ipapasang pananaliksik, gaya ng pagiging malalim ng analisis o kawalan ng anumang pagkakamali sa gramatika. Gayunpaman, inaasahang pagbubutihin ng mananaliksik ang bahaging naitalaga sa kanya sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip, pagsubok na makagamit ng malinaw na pananalita at paulit-ulit na pagpapayaman ng gawa hanggang maabot nito ang pinakamakinis na bersiyon.
  • Katapatan
    Pangunahing pananagutan ng isang mananaliksik
  • Ang katapatang ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pagkukunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o impormasyon sa kanyang pananaliksik
  • Mananaliksik
    • Kinikilala ang lahat ng pinagkunan ng datos
    • Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala
    • Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kung hindi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang na pagkilala
    • Hindi siya nagkukubli ng mga datos para lamang palakasin o pagtibayin ng kanyang mga argumento o ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw
  • Atienza, et al., 1996: 'Katapatan ang pangunahing pananagutan ng isang mananaliksik'