pagbasa

Cards (20)

  • tekstong persuweysib ay isang uri ng tekstong nakahihikayat
  • 3 ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
    1. ethos - nanghihikayat gamit ng kredibilidad o imahe
    2. logos - nanghihikayat gamit ng lohikal na impormasyon tulad ng pansuportang detalye na datus o ebidensya
    3. pathos - nanghihikayat gamit ng emosyon o damdamin
  • name calling ay isang instrumento ng tekstong persuweysib na kung saan kailangan munang manira ng ibang produkto upang maipakita na maganda ang iyong produkto
  • glittering generalities ay isang instrumento ng tekstong persuweysib na kung saan may pokus sa sariling produkto at gumagamit ng nakakasilaw at mabulaklak na salita upang maipakita ang kagandahan ng produkto
  • transfer ay isang instrumento ng tekstong persuweysib na kung saan gumagamit ng kilala o sikat na artista upang mailipat ang kasikatan nito sa hindi sikat na produkto
  • testimonial ay isang instrumento ng tekstong persuweysib na tuwirang nag-eendurso dahil ikaw mismo ang nagpapatunay na maganda ang iyong produkto
  • plain folks ay isang instrumento ng tekstong persuweysib na kung saan gumagamit ng ordinaryong mamamayan
  • bandwagon ay isang uri ng tekstong persuweysib na kung saan gumagamit ng maraming tao upang maipakita na maraming tumatangkilik sa iyong produkto
  • card stacking ay isang instrumento ng tekstong persuweysib na pinapakita lang ang magandang epekto ng produkto at hindi ang masasamang epekto nito
  • ang tekstong naratibo ay uri ng tekstong nagkukwento o nagsasalaysay
  • LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO
    1. makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay aliw
    2. nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral
  • KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO
    1. May mga elemento
    2. May iba’t ibang pananaw
    3. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin o damdamin
  • MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
    1. Tauhan - mga gumaganap sa kwento
    2. Tagpuan - lugar at panahon
    3. Banghay - maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng kwento
  • MGA KARANIWANG TAUHAN
    1. pangunahing tauhan - umiikot ang pangyayari sa kwento mula simula hanggang katapusan
    2. katunggaling tauhan - kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan
    3. kasamang tauhan - kasama o kasangga ng tauhan
    4. may-akda - laging nakasubaybay ang kamalayan ng awtor
  • 2 URI NG TAUHAN
    1. tauhang bilog - nagbabago ang katauhan sa loob ng kwento
    2. tauhang lapad - hindi nagbabago ang katauhan sa loob ng kwento
  • 6 NA PARTE NG BANGHAY
    1. panimula - maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan at tema
    2. saglit na kasiglahan - panandaliang pinagtatagpo ang mga tauhang haharap sa suliranin
    3. suliranin - problemang haharapin ng tauhan
    4. kasukdulan - onti-onting naalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin.
    5. kakalasan - tulay sa wakas
    6. wakas - ang kinahihinantnan ng kwento
  • anachrony - pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod
    3 PARAAN:
    1. analepsis - flashback
    2. prolepsis - flashforward
    3. ellipsis - may puwang
  • IBA’T IBANG PANANAW
    1. unang panauhan - “AKO” iaa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay ng kanyang naranasan, naalala o naririnig
    2. ikalawang panauhan - “IKAW“ kinakausap ng manunulat ang tauhang gumagalaw
    3. ikatlong panauhan - “SIYA” sinalaysay ng taong walang relasyon sa tauhan
  • Tuwirang pagpapahayag - ang tauhan ay tuwirajg nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, damdamin o saloobin
  • Di-tuwirang pagpapahayag - ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan.