Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad,
halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking
pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon,
maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki
ng populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan