247-250

Cards (37)

  • Sa unang tatlong dekada ng ika-16 siglo, tinangka ng France na humanap ng lagusan patungong hilaga ng America.
  • Noong 1534, ginalugad ni Jacques Cartier ang silangang bahagi ng Canada at binagtas ang isang malawak na ilog na pinangalanang St. Lawrence.
  • Inangkin ni Cartier ang kaniyang mga natuklasang lugar para sa kaharian ng France.
  • Sinundan ng pangkat ni Samûel de Champlain ang iniwan ni Cartier na paggagalugad sa nasabing ilog.
  • Noong 1608, inangkin ni Champlain ang rehiyon at tinawag niya itong Quebec na naging base ng kolonyang pinangalanan niyang New France.
  • Kinilala si Champlain bilang "Ama ng New France" dahil sa mga itinayo niyang pamayanan sa Montreal at Nova Scotia.
  • Mula sa Quebec, sunod na ginalugad ng mga Pranses ang Great Lakes at ang hilagang bahaging Ilog Mississippi. Ang ekspedisyong ito ay pinangunahans ng paring si Jacques Marquette at ng mangangasong si Louis Jolliet noong 1672.
  • Itinuloy ni Robert de La Salle ang paggagalugad sa log Mississippi at
    inangkin niya ang malawak na lambak na nakapaligid doon.
  • Pinangalanan ni de La Salle na Louisiana ang bagong teritoryo bilang parangal kay Haring Louis XIV.
  • Dahil sa imga paglalakbay sa St. Lawrence ni Jacques Cartier ng France,' nahikayat ang mga Pranses na magtayo ng imperyo sa Bagong Daigdig o New World.
  • Noong 1608, ang eksplorer na si Samuel de Chaplain ay nagtatag ng) unang permanenteng tirahan sa North America at Quebec.
  • Ang mga Prases ang naging unang Europeo na naggalugad sa rehiyon ng Great Lakes.
  • May ilang Katolikong Pranses ang nabigyan ng insentibong manirahan sa malamig na rehiyon, ng North America. llan sa mga ito ay nanirahan sa mas mainit na bahagi ng Louisiana at sa mga kolonya sa Caribbean tulad ng Martinique, Guadalupe, Tortuga, at Haiti.
  • Sa huling bahági ng 1500, naging interesado ang Great Britain na makakuha ng pampalasa para sa kanilang bansa, ngunit sa panahon na iyon, ang mga ruta ay kontrolado na ng Spain at Portugal.
  • Dito sila natutong mamirata o humarang ng mga barkong pabalik ng Spain at Portugal/na may lulang mga produkto mula sa America at Asia. Tinawag ang mga Ingles na gumawa nito na "asong dagat" o pirata.
  • Noong 1557, naglakbay si Francis Drake mula Great Britain patungong South America.
  • Nagtagumpay si Francis Drake na makakuha ng mga produkto mula sa barko ng Spain sa may baybayin ng America.
  • Tinahak niya ang baybayin ng Pacific Ocean at Indian Ocean upang maiwasan ang pagganti ng Spain sa kaniya. May paniniwala rin na ito ang pangalawang pagkakataon na naikot ang mundo, at ito rin ang pasimula ng Great Britain na subukin ang hilagang ruta patungong Asia.
  • Pinasimulan naman ninà Martin Frobisher, John Davis, at Henry Hudson ang ekpedisyon gamit ang rutang pahilaga sa North America.
  • Pagsapit ng ika-17 siglo, nagsimulang magtatag ng pamayanan ang mga Ingles sa America. Tinawag na Jamestown ang unang pamayanang Ingles na itinatag noong 1607.
  • Samantala, nanirahan naman sa Maryland ang mga Katoliko.
  • Pinondohan ng England ang tatlong ekspedisyon ng Italyanong si John Cabot mula 1496 hanggang 1498.
  • Ang tanging narating ng pangkat ni Cabot ay ang isla ng Newfoundland na bahaging Canada.
  • Muling sinikap ng mga Ingles na humanap ng ruta patungong Silangan sa pamamagitan ng paghirang kay Henry Hudson.
  • Naglayag ang ekspedisyon ni Hudson noong 1609 at ginalugad niya ang mga katubigan sa North America.
  • Sa paglaya ng Netherlands sa pananakop ng Spain noong 1581, naging masigasig ang mga Olandes na makapasok sa kalakalan ng Asia at Europe.
  • Ang mga nanakop ng Spain itinatag ang Dutch East India Company noong 1602 na may layuning agawin ang kontrol ng mga Portuges sa daloy ng mga kalakal ng pampalasa, sutla, tsaa, at bulak mula sa Asia.
  • Sa pamamagitan ng mga itinayong tanggulan at mga ipinagawang barkong pandigma, napanatili ng mga nanakop na Espanyol ang mga kolonya sa Asia na sa kalaunan ay tinawag na Dutch East Indies at ngayon ay kilala bilang Indonesia.
  • Nabuo noong 1621 ang Dutch West India Company na naglalayong
    pumasok sa kalakalan sa America at kalabanin ang mga mangangalakal mula sa Portugal at Spain.
  • Matagumpay na nakapagtayo ng mga kolonya ang mga Olandes tulad ng New Netherlands sa North America at ang mga pulo ng Suriname at Guyana sa Carribean Sea.
  • Nagmula sa Olandes ang fur at asukal na ibinenta ng nasabing kompanyang Olandes sa Europe.
  • Sa North America, binili ng mga Olandes ang isla ng Manhattan mula sa pangkat ng mga katutubong Amerikano noong 1626 at nagtatag sila ng isang kolonyang pangkalakalan na umabot sa log Hudson mula sa may bukana nito patungo sa lupain na ngayon ay tinawag na Albany.
  • Inangkin ng mga Olandes ang kalakalan ng rekado ng mga Portuges sa
    East Indies at itinatag ang Dutch East India Company noong 1602. Dinomina nila ang kalakalang ito hanggang sa huling bahagi ng ika 18-siglo.
  • Mahalaga ang unang, yugto ng kolonisasyon sapagkat binago nito ang mundo at nagdulot ng pagbabago sa kabuhayan na nagpabago rin sa lipunan.
  • Tinawag ang panahon mula 1450 hanggang 1700 na Panahon ng Rebolusyong Komersiyal.
    • Ang kabuhayan sa Europe, Africa, America, at Asia ay nabago dulot ng panahon ng eksplorasyon.
    • Sa pakikipagkalakalan ng Europe sa daigdig, nabuksan ang pandaigdigang palitan ng tao, produkto, teknolohiya, ideya, at maging ng mga sakit. Tinawag ang palitan/ na ito na/Columbian Exchange, hango sa pangalan ni Christopher Columbus.