Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan

Cards (15)

  • Pagkamamamayan - pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas
  • Nasyonalidad - kinabibilangang lahi ng isang tao
  • Sa anong kabihasnan umusbong ang konsepto ng citizen?
    Kabihasnang Griyego
  • Ang mga taong may iisang pagkakakilanlan at mithiin ang bumubuo sa polis.
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
  • Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 2

    Ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kanyang asawa.
  • Republic Act 9225
    Ang dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino (Dual Citizenship).
  • Likas na Paraan ng Pagkamit ng Pagkamamamayan - nakukuha ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan o pagkamamamayan ng magulang
  • Jus Sanguinis - Ang pagkamamamayan ayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
  • Jus Solis - Ang pagkamamamayan ay naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.
  • Di Likas na Paraan ng Pagkamit ng Pagkamamamayan - dumadaan sa proseso ng naturalisasyon
  • Naturalisasyon - isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso ng korte o hukuman
  • Active Citizenship - mamamayang aktibong nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain nna naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya
  • Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan dahil may mga dayuhang
    • namamasyal
    • nag-aaral
    • nakikipagkalakal
    • foreign dignitaries
  • Commonwealth Act 475 - ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon