AP

Cards (53)

  • 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas.
  • AGRIKULTURA ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
  • Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at paggugubat.
  • GDP - gross domestic product
  • 53.7% paghahalaman
  • 17.3% paghahayupan
  • 13% poultry.
  • PAGHAHALAMAN - Maraming pangunahing pananim ang ating bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa ₱797.731 bilyon noong 2012. Kasama rin dito ang mga produktong gulay.
  • PAGHAHAYUPAN - Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pagsuplay ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
  • PANGINGISDA - Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.
  • PAGGUGUBAT - Ang paggugubat ay isang pangunahing pang- ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.
  • Pinagmumulan ng mga hilaw na materyal - nagsisilbing tagasuplay ng mga hilaw na materyal na kailangan ng industriya. Ang mga halimbawa ng mga hilaw na materyal ay troso, bulak, langis, mineral at marami pang iba.
  • Pangunahing pinagmumulan ng pagkain ng mga mamamayan - Pagkain ang pangunahing produktong tinatamasa natin mula sa sektor ng agrikultura, partikular na sa subsektor ng pagsasaka, paghahayupan at pangingisda. Ang mga mahahalagang produkto na kabilang dito ay bigas, karne, gulay, gatas at marami pang iba.
  • Nagkakaloob ng hanapbuhay - Pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayang Pilipino sapagkat hindi ito gaanong nangangailangan ng malaking kapital sa pagsasaka, lakas sa paggawa at karunungang teknikal.
  • Pinanggagalingan ng dolyar - Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan.
  • Mababang presyo ng produktong agrikultural - ang mga ani ng mga magsasaka at mangingisda ay mabibili lamang sa murang halaga. Kaya hirap ang mga ito na magkaroon ng malaking tubo na kailangan sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
  • Kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan - Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag- unlad ng agrikultura ay ang kakulangan sa imprastraktura at puhunan. Maraming produktong agrikultura ang hindi napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok at nalalanta dahil sa kawalan ng pag-iimbakan at maayos na transportasyon.
  • Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya - Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka, tulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na produksiyon. Dahil sa kakulangan sa edukasyon, napakahirap ituro sa mga magsasaka ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at makinarya.
  • Paglaganap ng sakit at peste - Maraming hayop ang namamatay at hindi napakikinabangan bunga ng pagkakasakit at pagkapeste na dulot ng mga virus at bakterya na namiminsala sa mga hayop at halaman.
  • Pagdagsa ng mga dayuhang produkto - Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto kung kaya nagkakaroon ng kakompetensya ang ating mga lokal na produkto.
  • Republic Act 1400 o Land Reform Act of 1955 : Pangulong Ramon Magsaysay, ( Land Tenure Administration ) bumili ng mga pribadong lupang sakahan upang maibenta sa mga nananakahan dito.
  • Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code: Pangulong Diosdado Macapagal, pagbili ng pamahalaan ng mga pribadong lupaing pansakahan upang ilipat ang pagmamay-ari nito sa mga magsasakang umookupa rito sa pamamagitan ng mahabang installment plan.
  • Code of Agrarian Reform o Presidential Decree 2 : Pangulong Ferdinand Marcos, bawat magsasakang nangungupahan sa mga pribadong sakahan ng bigas at mais ay dapat magkaroon ng limang ektaryang parte sa lupang kanilang sinasaka.
  • Philippine Development Plan 2011-2016:Pangulong Noynoy Aquino, balangkas ng estratehiya ng pamahalaan para sa paglago ng iba't ibang bahagi ng ekonomiya
  • Pambansang Kaunlaran - hindi nakakamit ng isang iglap lamang, kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao
  • Feliciano R. Fajardo - inilahad niya ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad.
  • pag unlad - progresibo at aktibong proseso. 
  • pagsulong - kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan, nakikita at nasusukat tulad halimbawa ng daan, sasakyan, kabahayan at marami pang iba.
  • Michael P. Todaro at Stephene C. Smith - binigyang diin ang pag-unlad bilang pagtamo ng patuloy na pagtaas ng income per capital nang sa gayon ay mapabibilis ang pagdami ng awtput ng bawat bansa kaysa sa bilis ng pag-unlad ng populasyon
    1. Likas na Yaman - Malaki ang naitutulong sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral.
  • 2. Yamang-Tao - tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas -paggawa. Mas maraming output ang nalilikha kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
  • 3. Kapital - Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
  • 4. Teknolohiya at Inobasyon- nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
    1. Bumuo o sumali sa kooperatiba- paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
  • 2. Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa.
    1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.
  • 2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino- Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
    1. Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa
  • 2. Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad- manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.
  • kooperatiba - Pagtutulungan at paglilingkod sa kapwa ang diwa ng kooperatibismo.