ay isang kasulatang nagbibigay-kabatiran tungkol sa gagawing pagpupulong o paalala tungkol sa isang mahalagang IMPORMASYON, GAWAIN, TUNGKULIN o UTOS.
Nagmula ito sa salitang Latin na memorandum est na nangangahulugang “It must be remembered.”
Nangangahulugan din itong liham o sulat ng isa na maaaring pumapatungkol sa usaping negosyo o diplomasiya. Ito ay maaaring naglalaman ng tala o talaan, kasunduan, at imbitasyon sa pagdalo sa isang mahalagang pagpupulong o komperensya.
Ang isang memorandum ay kadalasang sinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang kompanya, maliit man o malaki.
Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting na nagbibigaylinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
Ito ay kadalasang MAIKLI LAMANG na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alintuntuning dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong pagsasagawa o pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o kompanya.
Ipinadadala ng isang BOSS o taong mas may nakatataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho.
Layunin ng Memorandum
1)Magbigay ng mga anunsyo o maglahad ng mga patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat.
2) Paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan, o bagong usapin o tuntunin sa trabaho
3) Magbigay ng babala sa isang partikular na sektor o departamento, o kaya sa isang indibidwal na empleyado kung may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.
Sa pangkalahatan ginagamit ang memorandum upang mapabilis ang proseso ng pakikipagtalastasan o paghahatid ng impormasyon at kabatiran sa paraang opisyal upang mabigyang pansin, aksyon, at katugunan
Narito ang iba pang mga DAHILAN KUNG BAKIT GINAGAMIT O SINUSULAT ANG MEMORANDUM:
Magbigay at manghingi ng impormasyon
Pagkompirma sa kumbersasyon
Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa pulong
Pagbati sa katrabaho
Pagbuod ng pulong
Pagpapadala ng dokumento
Pag-uulat sa pang-araw-araw na Gawain
LETTERHEAD - Naglalaman ito ng pangalan ng samahan at kung saan nagmula ang memo
ULO (HEADING) - Ito ay binubuo ng pangalan para sa pagdadalhan at pangalan mula nagpadala, petsa kung kailan isinulat at ipinaskil ang memo at paksa o pinag-uusapang impormasyon.
KATAWAN (BODY) – Dito inilalagay ang panimula at ang buod ng pinakamensahe ng memo.
KONKLUSYON - naglalaman ng pahabol na mensahe o impormasyon
Pag-isipan kung ano ang prayoridad at ang mga pinahahalagahan ng mga taong babasa nito.
Paghandaan ang mga posibleng katugunan ng mga mambabasa kaya suriing mabuti ang nilalaman ng memo at ihanda ang mga halimbawa, ebidensya, o anumang impormasyong makatutulong para mahikayat sila.
Ang WIKA gagamitin ay dapat na TUWID at SIMPLE
Gumamit ng mga PARIRALA NG BABALA. Kapag nais mong magbanggit ng isang patunay o isang mapagkukunan siguraduhing gumamit ng wika na nagpapaalam sa mambabasa ng iyong ginawa.
Piliin ang naangkop at simpleng font upang madaling mabasa. IWASAN ANG PAGGAMIT NG FONT NA NAPAKALIIT. Ang FONT SIZE na 11 at 12 ay pamantayan.
Gumamit ng MARGIN na 2.54 cm na siyang ginagamit sa propesyonal na memo
Gumamit ng SOLONG SPACING. Kadalasan ang mga memo ay HINDI NAKA-DOUBLE SPACE.
Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong memo.
Gumamit ng naaangkop na mga pangalan para sa tatanggap. Mainam na ISULAT ANG BUONG PANGALAN.
HUWAG LAGYAN NG PAGBATI
Gawing MAIGSI ang memo. Ang isang propesyonal na memo ay HINDI DAPAT LUMAGPAS SA DALAWANG PAHINA
Isama ang isang KONKLUSYON
Lagyan ng BUONG PANGALAN at LAGDAAN pagtatapos ang memo
REPASUHIN NANG MABUTI ang memo bago ipadala sa kinauukulan