Aralin 3

Cards (17)

  • Pangkalahatang tunguhin at mga Pangyayari sa Kanlurang Asya sa Kontemporaneong panahon
    • Digmaan
    • Langis
  • Mga sanhi ng tunggalian sa Kanlurang Asya
    • Heograpiya
    • Relihiyon
  • Heograpiya

    • Ang Kanlurang Asya na bahagi ng mas malawak na Gitnang Silangan ay naging sangangdaan ng mga tao na mula sa Africa, Asya at Europa. Ito ay nagbunga ng napakatinding pagkakaiba-iba ng mga tao, Sistema ng paniniwala at kultura.
  • Mga relihiyon na naitatag sa Kanlurang Asya
    • Judaismo
    • Kristiyanismo
    • Islam
  • Usapin ng Palestine o pagkakatatag ng Estado ng Israel
    • Para sa mga Palestino na karamihan ay muslim at tagasunod ng relihiyong Islam, ang mga Istraelita ay mang-aagaw ng kanilang lupa sa pagtatatag nito ng Estado ng Israel sa kanilang sariling lupain noong 1948. Para naman sa mga Israelita na ang mayorya ay Jews at tagasunod ng Judaismo, binabawi lamang nila ang kanilang dating lupain na Canaan na inangkin ng mga Muslim bilang Palestine. Ang tungaliang ito ay hindi na lamang naging sa pagitan ng Palestinian Muslim at Israelita Jews kundi naging " Arab Israel Conflict", na nauwi sa digmaan ng apat na yugto ( 1949, 1956, 1967 at 1973)
  • Pagkilos ng mga Palestinian
    1. Pagboykot
    2. Demostrasyon
    3. Pag-atake sa mga sundalong Israelita sa pamamagitan ng pagbato sa kanila
  • Nangyayaring digmaan sibil sa Syria, kung saan ang pangulo nitong si Bashar al-Assad na kabilang sa relihiyong Alawi ay pilit pinababagsak ng rebeldeng pangkat ng mga sektang Sunni na kabilang sa Islamic State of Iraq and Syria(ISIS)
  • Ang Alawi ay isang pangkat panrelihiyon na bumubuo lamang ng 12.8% ng populasyon, subalit silang nagkokontrol sa pamahalaan ng Syria simula pa noong 1970
  • Nagsimula ang tunggaliang panrelihiyong ito sa Syria noong 1973 nang ang ilang sektor ay manawagan na ideklara ng bansa ang Islam bilang state religion, pero tinanggihan ito ni al-Assad dahil siya ay isang Alawite, kasapi sa relihiyong Alawi
  • Ang hindi matigil na ugat ng tunggalian ay ang pag-aagawan sa kapangyarihang politikal ng mga politikong kabilang sa iba't ibang pangkat panrelihiyon na maaaring sa pamamagitan ng legal na paraan o coup d'etat at armadong pakikibaka
  • Marami sa mga pangkat-etnikong Kurds na nasa Hilagang bahagi ng Iraq ay mga Sunni muslim, itinuturing pa rin silang kaaway at kasamang pinagtangkaang lipulin ni Hussein sa pamamagitan ng "ethnic cleansing at genocide". Dhil dito nagtulong ang Shi'a muslim at Kurds sa pagpapatalsik kay Hussein sa kapangyarihan.
  • Pagbagsak ni Hussein, napalitan siya ng mula sa sektang mayoryang Shi'a na si Nouri Kamel al-Maliki. Sa simula hangad ni Maliki na mapag-isa sa pamamahala ng bansa ang iba't ibang sektang panrelihiyon, pero nanaig pa rin kalaunan ang kanyang pagkiling sa kanyang sariling sekta.
  • Sistema ng Pamamahala at Politika ng mga bansa sa Kanlurang Asya

    • Awtokratikong pamahalaan o authoritarian monarchies
    • Constitutional monarchy
    • Demokrasya
  • Sa mga bansa sa buong Kanlurang Asya, ang Israel lamang sa katauhan ni Golda Meir ang nakapagluklok ng pinakamataas na pinunong babae sa pamahalaan bilang punong ministro
  • Sa pamumuno ni Mohammad Reza Pahlavi mula 1941-1979, kasama ang Iran ng Israel at Turkey sa pagpapairal ng isang moderno, secular, at makakanluraning Sistema ng pamahalaan, ekonomiya, batas, kultura at pamumuhay.
  • Ekonomiya at antas ng Pamumuhay ng mga bansa sa Kanlurang Asya

    • Nakadepende sa pagluluwas ng langis, produktong petrolyo at natural gas
    • Malaki ang pagkakaugnay ng langis sa antas ng pag-unlad ng ekonomiya at pamumuhay ng mga bansa sa Kanlurang Asya
    • Dahil din sa langis, ang karamihan sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay may mataas na antas ng pamumuhay batay sa per capita GDP at Human Development Index
  • Katayuan ng mga Kababaihan sa Kanlurang Asya

    • Kinikilala ang pagkakapantay-pantay sa batas ng ga babae
    • Sa Turkey at Syria, maraming kababaihan ang tinalikuran na ang pagsusuot ng hijab at mahahabang damit na pati bukong-bukong ay natatakpan
    • Sa Saudi Arabia at Iran na matindi ang"religious conservatism" ay sapilitan pa rin nitong pinagsusuot ang kababaihan ng hijab. Sa Saudi Arabia, ang mga babae ay hindi pinapayagang magmaneho ng sasakyan
    • Sa ilang mga bansang Arab, ang mga babae ay higit na mas mababa ang tsansa na pumasok sa paaralan
    • Karamihan din sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay kumikilala sa Karapatan sa pagboto ng kababaihan