Pagbasa at Pagsusuri

Subdecks (1)

Cards (30)

  • M
    Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies na inilahad sa Input-Process-Output (PO) na pamamaraan at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o pag-aaral.
  • L
    Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/ pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.
  • E
    Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro.
  • G
    Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga Punongguro at tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang antas.
  • M
    Ang deskriptiv na pananaliksik na ito ay may 30 respondent na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga instrumentong ginamit ay questionnaire at interview.
  • G
    Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipakita ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagbabago ng kurikulum.
  • E
    Kaugnay ng pag-aaral natuklasan na bahagyang sapat lamang ang pantulong na kagamitang pampagtuturo mayroon ang paaralan ng Mambugan National High School, lubos na sumasang-ayon ang limang guro Baitang 8 na balido komiks batay sa paksa, larawang-guhit at wikang ginamit mas mataas ang antas ng pag-unawa ng mga magaarat sa komiks kumpara sa karaniwang teksto, at may makabuluhang pagkakaiba ang iskor na natamo ng mga mag-aaral sa komiks kumpara sa karaniwang teksto.
  • M
    Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibo at kwasiexperimental na disenyo upang maipakita ang kabuluhan ng komiks bilang pantulong na kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8.
  • L
    Maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon, 2) kahandaan ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa na pangakademiko, pinansyal at kaisipang panghinaharap, 3) kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at kailanan pagkatuto ng mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon.
  • M
    Gumamit ng assessment tool, frequency counts at pagkuha ng bahagdan ang mananaliksik.
  • G
    Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan ng guro kung paano pa mapapaunlad ang pangkatang gawain at mahasa ang mga magaaral sa pakikitungo, pakikiisa at pakikipagtulungan sa kanyang kapangkat upang matamo ang pagkatuto sa asignaturang Filipino.
  • L
    Nabuo ang pag-aaral na ito upang matulungan ang mga mag-aaral na pataasin ang antas ng pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga isinakomiks na teksto interbensyong kagamitan.
  • M
    Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod: pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga website sa internet.
  • E
    Lumabas na may 58.2% ang lubos na sumang-ayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral at 30.8% naman ang sumang-ayon dito. Ganun pa man may 8.6% ang may pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumang-ayon.
  • L
    Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.