Larang

Cards (18)

  • Panukulang Proyekto

    Isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil may nakitang kinakailangan ng pagkakataon
  • Hakbang sa pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto
    1. Pangalan ng proyekto
    2. Proponent ng Proyekto
    3. Klasipikasyon ng Proyekto
    4. Kabuoang Pondong Kailangan
    5. Rasyonale ng Proyekto
    6. Deskripyong ng Proyekto
    7. Layunin ng proyekto
    8. Mga kapakinabangang dulog
    9. Kalendaryo ng Gawain
    10. Lagda
  • Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto
  • Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto
  • Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagawing panukalang proyekto
  • Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa panukalang proyekto
  • Kahalagahan ng panukalang proyekto

    • Binabalangkas ang proseso (ng pag-aaral) mula simula hanggang katapusan
    • Inihahanda upang maging maayos at sistematiko ang pagsisimula ng isang proyekto
    • Maaaring magpatuloy ng isang pag-aaral o maaaring lumikha ng bagong pag-aaral
    • Hindi mainam na mag-ulit ng isang pag-aaral o pananaliksik
    • Kadalasang inihahanda bilang kahingian ng guro o propesor
    • Kailangang laanan ito ng panahon ng mag-aaral bago pa man siya magsagawa ng masigasig na pag-aaral o pananaliksik
    • Mahalagang magsaliksik muna tungkol sa isasagawang panukala bago pa man ipagpatuloy ang isang seryosong pag-aaral
    • Ang paghahanda ay maiuugnay sa mga akademikong kahingian tulad ng tesis at desertasyon
  • Ang paggabay ng guro ay mahalagang salik sa maunlad na pagsulat
  • Ang mga kaasalan, gawi, at tradisyon ay yamang mapagkukunan ng mga impormasyon sa pagsusulat
  • Nararapat na matutuhan ng mga mag-aaral ang wastong pagbasa at pagwawasto ng kanilang isinulat na papel o manuskrito
  • Proofreading
    Isang mahalagang pagdadaanan ng isang manuskrito upang makasiguro na malinis at kanais-nais na mailalathala ang akda
  • Mga dapat isaalang-alang ng mga proofreader sa pagwawasto sa teksto

    • Ispeling
    • Diwa ng akda
    • Anyo ng akda o teksto
  • Kapag ang teksto ay nakasulat sa wikang Filipino, ay nago-autocorrect ang function sa kompyuter kung kayat binabago ng word processor ang ispeling ng mga salita
  • Kinakailangang ang proofreader ay nagtataglay ng matalas na paningin sa pagbasa ng teksto kapag nagmamarka at kinakailangang kaunti na lamang o mangilan-ngilang pagwawasto na lamang ang dapat gawin matapos itong dumaan sa editing
  • Ang pisikal na anyo ng teksto ay nakikita sa uri ng tipo o font
  • Kailangang masunod ang wastong pamantayan para sa uri ng publikasyong ilalathala
  • Binibigyang-pansin ng proofreader ang wastong gamit ng malaking titik at maliit na titik at kung italiko o hindi ang mga hiram na salita
  • Sinisiyasat din niya ang pahina at tumatakbong pang-ulo (running head) na dapat ay sunod-sunod ang mga pahina ng teksto at nailalapat nang wasto